cpaultorreiro
September 22nd 1985  (Age 24)
Male
Cainta
   

<< October 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31


Visit ka-CHIKKA-han

Sino ang mokong na sumusulat sa blog na ito?

Si LALF bilang clapper boy/girl

Another video by this blog's author. And this time, bakla kung bakla ang movements

Pinoy Top Blogs | Ranking the Philippine Blogosphere Webring
Join | Ring Hub | Random | Prev | Next

Add to Technorati Favorites


Find more music like this on ka-CHIKKA-han

Mga Kapatid sa Pananampalataya

Spike Lee

Susan Africa

Gin Pomelo Breakdown

Bulol Lang

Feeling Ely Buendia

Mr./Ms. Hahaha.

Armida Siguion-Reyna

DM ng Star Circle Quest

Babae ni Adrian

Alvin Patrimonio

ACo, ACo, puro na lang ACo

Letty Celi

Skraminator

Somayyah Sarip Abdullah

Maila Gumila

Jojo A, All the Way

Sam Milby

Shayne, make me beautiful

The Dean's Special Someone

Grefalda

Play Peeptin
get peeptin @ flooble

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Tuesday, October 02, 2007
Tatay na si Zaido...Zaido Marudo. Hehehe. Or pwede rin Zoraido Sanchez. Hehehehehe. Or better yet, Zaido Cerrudo. Ah potah pilit na! Hehehe

Nagtatanggal pa ako ng muta sa mata kaninang umaga nang sabihin ng kapatid ko ang maituturing kong quote for the day:

"Kuya, tatay na si Dennis Trillo!"

Uy ha, let's get things straight. Witchelsea marie ko beta carotene itembang manchurian candidate na anaz ah. Hehe. Wala lang, nakakagulat lang kasi parang kelan lang eh nahihiya pa siyang makipag-kissing scene kay Tanya Garcia sa 'Twin Hearts'. Tanda potah! Hehehe.

At ngayon, daddy na siya. Wow! Congratulations, Dennis. At least, hindi ka na lying alone with your head on the phone and thinking of Carlene till it hurts. Hehehe. At dahil din diyan, napatunayan mo na you're all out of love as well. Hehehe. At habang tina-type ko ang paragaraph na ito, naisip ko lang na baka kaya umulan kanina eh dahil ngayon lang natanggap ng mga angels na daddy na nga si Dennis.

Aba anung malay natin, bet din pala nila si Mr. Trillo. Kaya ayun, sabay-sabay silang umiyak kanina dahil sa sama ng loob (hmm, kaya siguro lasang mascara ang ulan kanina kasi galing sa mata ng angels. Hehehehe, nilasahan. Hehehe). Pero bilib din ako noh, nagla-lag pala ang mga mensahe patungong langit. Hehehe.

So yun, wala na tayong magagawa dahil tatay na nga siya ni Calex Andrea Ho. All we can wait for eh kung kelan ipapalabas sa GMA 7 ang coverage ng kasal nila ni Carlene Aguilar. Hehe. And speaking of that, may nakuha kaming insider info: 'Lupang Hinirang' daw ang gustong gawing theme song ng soon-to-be married couple at si Christian Bautista ang napili nilang kumanta. Hahahaha.

Pero dahil malikot ang utak ko (swear, malikot talaga siya as in. Para siyang bulate. Hehehe), sumagi na naman sa isip ko ang tanung na ito: "Paano kaya kung hindi talaga si Dennis Trillo ang ama ng ipinagbuntis ni Carlene?" Oo alam kong parang imposibleng mangyari yun pero what if lang. For that, baka ang headline sa Abante Showbiz bukas eh 'Dennis Trillo, baog!' Huwag naman sana para hindi bumaba ang market value niya. Hehe.

So mabalik nga ako. Galing ano, ang dami kong recovery shots. Hehehe. O yun nga (o yan isa pa), ano kaya kung hindi si Dennis Trillo ang ama. Kung sino, heto ang listahan ng sa tingin ko eh ama ng batang iyon:

  • Freddie Aguilar - Wala lang, pareho kasi silang apelyido ni Carlene eh. Anung malay natin at matagal na pala silang kasal at ang kantang 'Anak' pala eh dedicated sa sanggol na iyon. Oh di ba, makes sense (para sa mga praning siguro oo)? Hehehe.
  • Alexander Graham Bell - Pwede din siya ang partner in life ni Carlene kasi tignan mo nga yung pangalan: Calex. Alexander, Calex. Oh di ba malapit ang pangalan nila?
  • Alex Crisano - wala lang, for more name basis. Hehehe. Pero kung sakaling siya nga, kawawa naman si Carlene at baka maubos lang ang pera niya sa mga tatu ni Alex na may sariling buhay yata. At bukod diyan, baka magawan pa siya ng scandal.
  • Alex Boncayao - Hehehe. Ganun din. Hehehe. At parang ayokong maging totoo to at baka maging terrorista pa ang bata. hehehe.
  • Manny Pacquiao - Hay naku, kelan ba darating ang araw na walang isyu kay Pacman. Ngayon, may Ara Mina na, may Carlene Aguilar pa. Pero malamang nagtataka din kayo kung bakit siya kasama dito. Well, para nang kay Alexander Graham Bell, nasa pangalan kasi yan eh: Calex, oh di ba parang short for Alaxan (para sa bayan ang prisyo na tu! Hehe)
  • Yung may-ari ng Holland Hopia - Sabi ng marami, Mr. Po daw ang pangalan ng may-ari ng Polland Hopia at Mr. Ho ang owner ng Holland Hopia. Diyan pa lang, potential suspect na siya dahil Ho ang apelyido ng bata. Grabe ano, nananahimik lang siya sa paggawa ng hopia, nasangkot pa siya. Hehehe.
  • Yung may-ari ng Ho Tsin Ho - same reason as the Holland Hopia owner but this time, mas sigurado ka lang na may Ho talaga ang pangalan niya dahil dalawang beses niya pa inulit ito. Hehehe.
  • May-ari ng Caltex, whoever he is - Oh di ba, binawasan lang ng 't' at yun na yung pangalan ng bata. Pero para ma-solidify nga ang claim na si Mr. Caltex owner nga ang ama ng bata, amuyin niyo yung bata. Kung amoy diesel siya nung lumabas, aba no doubt, confirmed! Hehehe.
  • Stanley Ho - Sabi sa isang interview with Carlene before, before pa, isang Chinese businessman daw ang ama. Oh di ba, tumpak lang na baka ng si Stanley Ho ang father of the child kasi bukod sa apelyidong Ho eh Chinese businessman pa siya. Hmm, kayo na ang bahalang humusga dito. Just type HUSGA <space> sagot niyo and send ito as a comment in the post. Hehehehe.
  • Santa Claus - Paano tumawa si Santa Claus? "Hohohoho!" Enough said. Hehehehe. Ibang klase si Santa ano, sumusuot sa tsimineya hindi lang para mag-iwan ng regalo, para din mag-iwan ng bata. Hahaha. 'I Saw Carlene Kissing Santa Claus' nga kaya ang nangyari? Stay tune and find out when we come back from a commercial break! Hehehe.

Pero Dennis, kung nababasa mo ito (hindi naman siguro malabo ang mata mo. Hehehe), sport lang ah! Alam naman nating lahat na ikaw talaga ang ama niyan eh. Swear, nag-text pa nga sa akin si Carlene eh using her Mobiline phone....(at sa puntong ito, nagising na lang daw ako. Aba, nananaginip lang pala ako na tinext nga ako ni Carlene. Sayang, rereply-an ko na naman sana siyang 'asl please'. hehehe.

Babushka Major!


Posted at 09:44 pm by cpaultorreiro

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry