|
|
 |
Monday, October 08, 2007
Papara-Pacquiao (hindi lang pang-boksing, pang-lambingan din. Huh!? Hehehe) - Postscripts from his win
Ibang klase ang GMA 7! Isipin mo, halos talunin nila ang haba ng isang gabi ng parangal sa coverage nila ng Pacquiao-Barrera 2! Halos limang oras tumagal ang buong coverage nila at yung mismong laban nila, dalawang oras na kaagad yun! Isang basketball game na yata yun ah. At dahil dun, mukhang susuko na ang TV namin kasi nanood pa ako ng ue-dlsu naman.
Ang masama nun, alam ko na yung resulta bago pa nagsimula yung telecast. Kaya ang nasabi ko na lang sa sarili ko: 'shet, ang galing ng commercials ano, ang gaganda!' Hehehe. Pero, sa limang oras na yun, nagmistulang cable channel ni Manny ang GMA 7 dahil parang hindi nawala sa screen ang mukha niya (feeling ko extra din siya dun sa commercial ni Ronnie Rickets eh).
Pero oh well, tapos na ang laban na yun at tumaas na naman ang crime rate sa Pilipinas. Bukod dun, marami rin ang nainis kasi hindi napatumba ni Pacman si Barrera. Well, at least naging matalinong boksingero siya sa laban na ito at anu ba, a win is a win ano. Parang ano lang yan eh, kapag nakapulot ka ng tiket sa lotto at it turns out na nanalo ka ng jackpot.
Ok, alam kong sawa na tayong lahat kay Pacquiao kaya sige, tatapusin ko na muna ang usapan tungkol sa kanya. Hayaan na lang natin ang mga tsismoso sa mga plaza na magpatuloy ng diskusyon habang naglalaro sila ng dama at naghuhugas sila gamit ang tubig sa fountain sa gitna ng parke.
Pero siyempre, kailangan maganda ang pagtutuldok natin sa 'Will To Win'. Kaya heto ang postscript ko, LALF style!
- In fairness, pulido ang performance ni Mama Kyla ng 'Lupang Hinirang'. As in, walang nota na nagising na lang kanina at nag-decide na mag-show up sa sandaling iyon. At maganda rin na hindi niya binirit sa dulo dahil kung ganun, mabuting nanonood na lang ako ng concert niya sa Araneta. At isa pa, wala masyadong kulot sa pagkanta niya (mukhang nagpaunat ang vocal chords niya before the gig. Gig? Hehehe)
- Congrats nga pala kay Michael Farinas ng Gubat, Sorsogon for winning his undercard match. Wow, second round KO! At sa lakas ng suntok niya, mukhang sa liblib na lugar na yata ng kagubatan pinulot yung kawawang Mexicano. Again, congrats, Mike. Sana gumaling ka pa!
- Sabi ng iba, nandun daw si Christian Bautista sa ring side ng Mandalay Bay. Siyempre, sumabay siya sa pagkanta ng Lupang Hinirang. Kaya lang, sa bandang dulo, heto yung lines na nakanta: "Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta...Sa pinoy care, walang tatalo, pinoy care handog mo sa mundo."
- Mabalik ako kay Kyla. Perfect din ang saya niya. Mukhang pinagkagastusan. Pero, obvious na hindi si Kuya Germs ang designer ng nasabing damit dahil halos walang sequins sa costume niya eh. Hmm, siguro para hindi masayang yung damit, ano kaya kung yun na rin ang isuot niya sa kasal nila ni Rich Alvarez? Kaya lang, malas nga pala kung nasuot mo na yung trahe de boda before the wedding ano. For that, why not basketball uniform na lang ni Rich ang suotin nila? Hehehehe.
- Gumanda ang itsura ng trunks ni Pacman (Nike na kasi eh. Hehehe) kahit na 'red with flames pa rin ito'. Yes, umaapoy pa rin ang trunks niya kaya nag-init din ang kamao niya. At in fairness, hindi na nagmukhang classified ads ang trunks niya dahil kokonti na lang ang ads dito. Or baka, may konsepto na ng lay-out sa trunks niya si Manny at nalaman niyang 'less is good'. Hehehe.
- Sa trunks ulit ni Pacquiao, pwede na sigurong i-auction yung mga luma niyang trunks. At ang proceeds ng auction, mapupunta kay Ara Mina...shet, sorry, tapos na pala ang isyu na yun. Or is it? Hehehe. Maganda siguro kung for a good cause mapupunta ang earnings ng auction...or maganda ring pambili ng bagong panabong ni Manny ang mga ito. At sigurado, isang toneladang Thunderbird din ang mabibili niya dito.
- Bago ang weigh-in para sa laban nila ni Barrera, half-a-pound overweight si Pacquiao kaya kinailangan niya itong ipiga. No, hindi siya nagpalaba para mapiga at hindi rin siya nagpa-spin dry (obvious ba. Hehehe). Apparently, kaya pala nag-overweight si Manny dahil ang diet niya eh Chicken McDo at Dolly Tuna. Sino nga naman ang hindi magga-gain weight nun di ba. Kaya ayun, para mapiga ang half a pound na yun, he was put on a diet kung saan Alaxan lang ang pwede niyang kainin. Ito rin ang dahilan kung bakit hyper pa rin si Pacquiao after 12 rounds at mukha lang siyang nagsho-shooting para sa bagong commercial ng Dolly Tuna (kung saan irelevant lang siya sa ad. Hehehe)
- Ang ganda ng sapatos ni Manny, as in. Kaya I wonder, ibebenta rin kaya ito sa Plaza Fair, Zenco Footsteps or worst, sa Quiapo? Alam mo naman ang Pinoy, magaling manggaya. Hehehe. At dahil likas na businessman ang Pinoy, baka nga magbenta pa sila ng Pacquiao masks eh (as in, yung party masks ng mga bata. Isipin niyo, mukha niya tapos may butas sa may parteng mata at bibig, ayun na! Hehehe)
- Naubusan daw ng tubig ang corner ni Pacquiao. Mabuti na lang at nandun si Jet Li sa ringside. Ang ginawa niya, tumambling siya papunta sa corner ni Barrera, nag-iwan siya ng rosas dun and at the same time, ninakaw niya yung mga water bottles ni Barrera. Siyempre, ito na lang ang nasabi ni Barrera: 'Great move!'. Sabi na lang ni Jet Li: '(sensya na, chinese language eh kaya hindi ko ma-translate)'
- Akalain mo, nasa ringside pala si Richard Gutierrez? Anung malay natin, baka pala tinusok niya ang ugat pak niya kay Manny kaya naman naging maganda ang performance ng Pambansang Kamao.
- At isipin mo ulit, si Chris Tiu nandun din. Ewan ko lang kung nakunan siya ng kamera pero kung nakunan man, mawawala ang mata ng mga kababaihan at badinger z sa ring at sa kanya na ang titig nila. Hmm, no wonder ang kinis din ng mukha ni Manny kasi nabigyan yata ni Chris ng Master by Eskinol si Pacman. Hehehe
- As usual, nakatagal si Manny ng 12 rounds dahil sa Motolite na nakakabit sa puwet niya. Before the fight daw, fully charged na yun. At ito ang dahilan kaya tumagal si Manny. Oh di ba, kumbinsing!
- After ng laban na ito, magkakaroon ng bagong commercial ang San Miguel Beer featuring Pacquiao, Morales at Barrera. Ang eksena: magtatalo si Barrera at Morales kung ano ang mas masarap, Strong Ice o Light. Eh dahil true rivals nga ito, maga-away talaga sila hanggang magdugo ang mga mukha nila. Gagamitin pa nilang weapons ang mga bote ng beer na makikita nila. So, you're wondering kung ano ang role ni Pacquiao? Wala lang, taga-awat ng away pero masasapak siya ng dalawa. Oh di ba, wala talagang katulad ng SMB, real life drama. Hehehe
- Hindi rin bago ang ginamit na kanta sa entrance ni Pacquiao kasi yun din ang ginamit niya sa Pacquiao-Morales 3. Mabuti naman at tumigil na tayo sa pagpipilit na recording artist si Pacquiao. Pero anung malay mo, baka ngayong nanalo siya, baka may pumatol na naman at pakantahin siya...with Ara Mina as her duet partner! Haay, isyu another! Hehehe.
- Or better yet, bakit hindi na lang nila ibalik ang commercial niya ng Magic Sing or i-release na lang nila ito as a single. At least, may bagong entrance song si Pacquiao sa susunod niyang laban. Hehe. Siyempre, habang pumapasok siya sa ring, may mga sumasayaw sa likod niya na kumakanta rin ng 'Extreme, Extreme Magic Sing.' Hehehe. Or for more, pa-tumblingin lang nila ng fatale si Jet Li para mas maganda ang commercial. Hehehe.
- Hindi naman sa kinapos si Manny pero parang hindi niya ibinuhos ang lahat sa laban na ito. Kaya pala, wala nang Cafe Puro sa shorts niya. Kaya pala medyo kinapos siya, kulang siya sa kape. Hehehe.
- Mabalik ako sa shorts niya. Kung wala lang mga abubot yun at ititira lang yung design niya, magandang ibenta yun bilang beach shorts. Or kung ayaw tanggalin ng Motolite ang ad nila kapag naisip nga ng Nike na ibenta yun, eh di ganito na lang: sa bawat purchase mo nung shorts, may libre kang baterya ng kotse. Oh di ba, what an incredible offer! Call 890-2345 right now! Our operators are standing by to take your calls! We accept all major credit cards, check and COD. Hehehe.
- And to top it all up, siyempre, mawawala ba naman ang post-fight interview kay Pacquiao. As usual, natuwa na naman ako sa English niya na kahit mga translator eh mahihirapan isalin. Hehehe. 'You know, i was kirpul of Barira dat way i care of my pantses and u no, i rispek hem.' Haay, wala na ang paborito kong Pacquiao word: GRUGEH! Hehehe.
After all's said and done, magaling talagang boksingero si Manny. Huwag lang sana siyang magpadala sa superstar life niya dito sa Pinas at mas magiging magaling pa siya. Ang mabuti pa, bakit hindi na lang siya maging talent manager at i-launch niya ang career ng kapatid niyang si Bobby para naman hindi ito napag-iiwanan at para hindi lang Ikspid socks ang afford nito. Or better yet, i-manage niya ang career (or ang buhay) ni Ara Mina. Isyu! Hehehehe.
Babushka Major!
Posted at 08:41 pm by cpaultorreiro
|