cpaultorreiro
September 22nd 1985  (Age 24)
Male
Cainta
   

<< October 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31


Visit ka-CHIKKA-han

Sino ang mokong na sumusulat sa blog na ito?

Si LALF bilang clapper boy/girl

Another video by this blog's author. And this time, bakla kung bakla ang movements

Pinoy Top Blogs | Ranking the Philippine Blogosphere Webring
Join | Ring Hub | Random | Prev | Next

Add to Technorati Favorites


Find more music like this on ka-CHIKKA-han

Mga Kapatid sa Pananampalataya

Spike Lee

Susan Africa

Gin Pomelo Breakdown

Bulol Lang

Feeling Ely Buendia

Mr./Ms. Hahaha.

Armida Siguion-Reyna

DM ng Star Circle Quest

Babae ni Adrian

Alvin Patrimonio

ACo, ACo, puro na lang ACo

Letty Celi

Skraminator

Somayyah Sarip Abdullah

Maila Gumila

Jojo A, All the Way

Sam Milby

Shayne, make me beautiful

The Dean's Special Someone

Grefalda

Play Peeptin
get peeptin @ flooble

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Monday, October 15, 2007
Berto, ano ang chemical symbol ng tubig? BERTO: Mam, eh di HIJKLMNO! GURO: Berto, mali ang sagot mo. BERTO: Teka mam, imposibleng mali ako. Kayo na nagsabi na H to O ang simbolo ng tubig. NGEEEEE!

Sa kasaysayan ng aking pagbo-blog, ngayon lang yata ako nagkaroon ng entry na kung saan ang title eh pwede nang tumayong blog post. Hehehe. Langya no, ang haba. Kasi naman eh, wala akong maisip na title para sa post na ito kasi nakita ko ang picture ni Marian Rivera kani-kanila lang (Haay, this must be love).

Anyway, kung inaakala niyong tungkol sa jokes ang post na ito, nagkakamali kayo. Well, sige, para mapadali ang buhay niyo, bibigyan ko kayo ng clue tungkol sa topic na ito: five letter word siya na nagsisimula sa B. O, alam mo na ba ang sagot? Wait, may narinig na akong nagsabi ng correct answer! Anung hula mo, TUBIG ang tamang sagot? Well my friend, ikaw ang bigatin, pasok ka na! (Ingatan mo lang na huwag ma-stampede, alam mo naman...Hehehe)

Hmm, siguro nagtatanong kayo kung bakit tungkol sa tubig ang paksa ko ngayon (ang lalim ng pinaghugutan ng paksa. Hahaha). Parang imposible naman ang lola niyo eh naging advocate ng green peace (or naging meter reader ako ng nawasa). Sa totoo lang, baka ang cause ko pa ang kailangan i-advocate ng nature dahil hindi nila alam kung paano nakapasok ang baliw na tulad ko sa ecosystem.

Pero seriously, mahalagang mapag-usapan natin ito hindi dahil dugyot ang mga tauhan sa ilang tindahan ng mineral water (Huli sa Bitag!) kung hindi in the year 2025 daw (which is 504 years after March 16, 1521 when the Philippines was discovered by Magellan. Hehehe), magkakaroon na daw ng kakulangan ng supply ng tubig sa Pilipinas

Ayon sa report ng National Water Board, posibleng pinaka-maapektuhan ang Baguio at ang Kamaynilaan. At kaya ngayon pa lang eh nagsusulputan na ang mga water refilling stations na yan na parang bula sa 23-step purification process. Hehehe.

Pero, this is no laughing matter. Kung walang tubig, isipin mo na lang kung gaano karaming living things ang maapektuhan. Isipin mo na lang ang mga pananim ng mga magsasaka. Isipin mo na lang yung mga naglalaro ng basketball na ice tubig ang pustahan. At, isipin mo na lang yung mga tomador na gin-pomelo ang paboritong tunggain. Hehehe

Kaya ngayon pa lang, pinagsasabihan na tayo na magtipid sa tubig. At para may guide kayo kung paano gawin ito, heto ang ilan sa mga hakbang na pwede niyong gawin.

  1. Kapag nag-toothbrush ka, huwag ka na lang mag-mumog. Lunukin mo na lang yung mga toothpaste at tiyak na matatanggal din ang tartar at plaque sa lalamunan mo (teka, may tartar at plaque ba sa lalamunan? Hehehe)
  2. Or better yet, huwag ka na lang mag-toothbrush, may mouthwash naman eh.
  3. Gumamit na lang kayo ng paper plates at plastic spoon, forks and cups sa tuwing kakain kayo para wala nang hugasan. At for more kaartehan, magpagawa ka na rin ng pabitin, magyaya ng klown at maglabas ng boom box at may children's party ka na. Hehehe
  4. Magpa-car was ka na lang ng kotse para hindi sayang ang tubig niyo. At tsaka doon, mas malaki ang tsansa na makakita ka ng gwapo or maganda. Oh di ba, water is life and water can bring you a love life. Kakakilig ng fatale anez? Hehehe.
  5. Huwag ka na uminom ng tubig ever, mag-softdrinks or beer ka na lang. Humanda ka nga lang dahil either diabetes o liver failure ang maging sakit mo. Kaya for best results, pigaan mo ng ampalaya ang softdrinks mo to balance the equation. Hehehe.
  6. Bilang isang pamilya, sabay-sabay na kayo maligo. Eh ano naman kung makita mo ang anatomy ng kapamilya mo, di ba? Tsaka at least, tipid kayo ng sobra sa tubig at makakapag-practice pa kayo ng singing voices niyo as a choir.
  7. Kung maliligo ka man bilang solo flight, pagkasyahin mo ang pampaligo mo sa isang tabo lang. Tapos, gawin mong motivation para dito ang allowance mo. Kapag sumobra ka, wala kang allowance, ganun! Oh di ba exciting?
  8. Or huwag na lang kayo maligo at all at bumili na lang kayo ng sangkatutak na immitation na pabango sa Quiapo. Uy, pahinga ako ah! Hehehe.
  9. Or better yet, itodo mo na ang pagligo mo tuwing tag-ulan para hindi ka na maliligo sa tag-araw. Hehehe.
  10. Or para mas makapal lang ang mukha mo, makiligo ka na sa kapitbahay mo habang nagdidilig siya ng mga halaman.
  11. Speaking of halaman, subukan niyo kayang bigyan ng Gatorade or Red Bull o kahit ng steroids ang plants niyo at baka lumaki rin ito. Huwag ka nga lang magtaka kung mag-ambisyon bigla ang mga tanim mo na maging atleta or maging driver (Romy Sison, bus driver ng Victory Liner papuntang Baguio: "Sa bus, diesel. Sa driver, Red Bull! Hmm, and for that alam kaya ni Mang Romy kung nasaan na si Emil Mortifero? Hahahahaha)
  12. Kapag uminom kayo ng tubig habang naga-almusal o hapunan, ipunin mo ulit yung mga natirang tubig sa baso at ibalik mo sa pitsel. Tapos, pakuluan mo na lang ulit yung tubig para maging malinis ulit.
  13. Siguraduhing nakabukas ang mga timba niyo kapag umuulan para makasalok kayo ng tubig. Kung puno na ang mga timba niyo, ilabas niyo na rin yung mga lalagyan niyo ng ulam at kahit yung lunchbox ni junior dahil pandagdag tubig din iyon.
  14. Kung nauuhaw ka, lunukin mo na lang ang laway mo. Pareho din naman ang effect nun at makakatipid ka pa ng pambili sana ng softdrinks.
  15. Gamitin mo ng paulit-ulit ang tubig na pinanlaba mo. At dahil dito, baka maging sikat na fashion designer ka pa dahil magkakaroon ka ng puting damit na may shades of red, blue, green, black, etc. Oh di ba, san ka nakakita ng Rainbow Brite-inspired shirt, anez?
  16. Or better yet, huwag na lang kayong maglaba. Wisikan niyo na lang ng Glade ang mga damit niyo tapos plantsa kaagad at tiyak mukhang maganda pa rin ito.
  17. Kaskasin mo na yung mga yelo sa freezer mo bago ka pa mag-defrost tapos ilagay mo sila sa radiator ng kotse mo para kapag natunaw yun eh puno ang valve mo.
  18. I-uwi mo na rin yung mga natirang tubig sa baso mo at sa mga baso ng kasama mo sa tuwing kakain kayo sa labas.
  19. Kung fan ka ng mga marathon, triathlon or cycling, huwag niyo na abutan ng tubig yung mga participants. Instead, i-hug niyo na lang sila at ipakita niyo kung gaano niyo sila kamahal (may ganun? Ano to, Love Notes? Hehehe)
  20. And last but not the least, gawin niyo na lang yelo lahat ng tubig niyo tapos gawin niyo na lang tubig ulit kapag kailangan niyo na. Oh di ba cool, literal lang na cool. Hehehe.

Pero kung hindi niyo man magawa ang mga iyan, mauuwi tayo sa sandamakmak na magugulang na mga water trucks na akala mo eh Evian ang nasa tangke nila at ang mahal ng rates nila. Kaya kung ako sa inyo, kilalanin mo na lahat ng water truck people na umiikot sa lugar niyo at kaibiganin niyo na or better yet, landiin niyo na para libre ang tubig niyo pagdating ng shortage. See, totoo nga na water is life and water can bring you lovelife. Hehehe.

Babushka Major!


Posted at 09:10 pm by cpaultorreiro

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry