cpaultorreiro
September 22nd 1985  (Age 24)
Male
Cainta
   

<< October 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31


Visit ka-CHIKKA-han

Sino ang mokong na sumusulat sa blog na ito?

Si LALF bilang clapper boy/girl

Another video by this blog's author. And this time, bakla kung bakla ang movements

Pinoy Top Blogs | Ranking the Philippine Blogosphere Webring
Join | Ring Hub | Random | Prev | Next

Add to Technorati Favorites


Find more music like this on ka-CHIKKA-han

Mga Kapatid sa Pananampalataya

Spike Lee

Susan Africa

Gin Pomelo Breakdown

Bulol Lang

Feeling Ely Buendia

Mr./Ms. Hahaha.

Armida Siguion-Reyna

DM ng Star Circle Quest

Babae ni Adrian

Alvin Patrimonio

ACo, ACo, puro na lang ACo

Letty Celi

Skraminator

Somayyah Sarip Abdullah

Maila Gumila

Jojo A, All the Way

Sam Milby

Shayne, make me beautiful

The Dean's Special Someone

Grefalda

Play Peeptin
get peeptin @ flooble

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Monday, October 01, 2007
Law? Law ba kamo? Hay naku, mahihi-LAW ka lang sa kababasa ng cases anow! Law-makwatsa na lang tayo buti pa.

Kailan lang, napadaan ako sa may Taft Avenue. Tapos, may nakita akong isang lalake na kahit maganda yung suot niya eh tila may saltik yata. So yun, nilapitan ko siya at kinausap ko. Siyempre, tinanung ko kung sira-ulo niya siya. At naku, nagulat ang lola niyo nang sabihin ng manchurian candidate na itembang na 'objection your honor, hindi ako baliw!'

Sa sinabi niyang yun, naliwagan na ako. Wala nga naman siyang toyo sa utak, nag-take lang naman siya ng Bar Exams.

Ok ok, hindi totoo yung ikinuwento ko sa taas (wala lang akong maisip na lead. hehehe). Pero kung tutuusin, marami ka ngang maririnig na hindi kumakain, natutulog at hindi namamaintain ang katinuan ng isip dahil sa kare-review para sa Bar. Hay naku, isa lang naman ang solusyon diyan: sa Gapuz kayo mag-review at tiyak papasa kayo. Hehehehe.

Anyway, so yun nga, mahirap nga daw makapasa sa Bar Exams kasi hindi rin basta-basta ang exam na ito. Aba, kung test nga naman tungkol sa batas ng Pilipinas yan, mahirap dapat yan. At kung yung mga tanung nga ni Edu Manzano sa Game Ka Na Ba eh hindi masagot, eto pa kaya.

Kaya dahil dito, bilib ako sa mga law student na nagsusunog ng kilay (hmm, which reminds me, si Bella Flores kaya, law student noon? Hahahaha) para sa pagsusulit na ito. After all, dito nakasalalay kung dapat nga silang tawaging abogago...este attorney pala. Hehehe.

Pero sa totoo lang, hindi niyo talaga kailangan gawin yan. Kung ako ang tatanungin, marami pa naman ibang paraan kung paano dapat gawin ang bar exam. Sige, tanungin niyo ako. Game, tanungin niyo ako. Dali, tanungin niyo ako! HOY, TANUNGIN NIYO AKO SABI EH! Hehe. Pero mabalik lang ako, ito ang listahan ko kung paano mapapasaya ang Bar Exams.

  • Game Ka Na Ba - Nabanggit na rin lang ang Game Ka Na Ba, bakit hindi gawin game show format ang Bar Exams. Pero babala sa mga viewers, baka ito na ang pinakamatagal na game show sa balat ng mundo dahil sa kao-object ng mga contestants at ng game master na si Mr. Chief Justice mismo. Isipin mo kunwari ang tanung: 'Ano ang nauna, itlog o manok?' Siyempre, sasagot yung contestant kung ano sa tingin niya yung tama. Pero hindi pa siya kaagad makakapasok sa next round dahil tiyak may objection pa si Chief Justice.
  • Game Ka Na Ba (part 2) - So un, magtatalo sila hangga't sa basahin ng clerk ng korte kung sino ang tama na base na rin sa desisyon ng audience na puro judges, attorneys, lawyers, etc. Hmm, siguro cute kung mangyari ito kasi makikita natin sumayaw ng 'Papaya' ang mga judges. Oh di ba, exciting? At isa pa, hindi ka rin kaagad makakapagpa-atras ng kalaban o maaaring umabante dahil tiyak mag-aapela ang kalaban mo. At alam mo naman dito, mabagal ang giling ng hustisya. Hehehe.
  • Quiz Bee - Patterned after the traditional Quiz Bees (with matching illustration board, chalk at basahan para pambura ng illustration board, wala na yatang mas sasaya pa sa ganitong format dahil makikita mong nagche-cheer ang mga kaklase at mga magulang ng contestants. Siyempre, may three rounds: easy, average and difficult. May time limit sa bawat sagot at pwede mo pa rin i-apela ang sagot mo kung sinasabi nilang mali ka. At siyempre, dahil late darating ang mga judges (na judges nga in real life at sanay na ma-late sa mga hearing), huwag kayong magulat kung ma-televise ito ng live pagkatapos ng Master Showman. Hehehe.
  • Essay Writing Contest - Simple lang ang tanong: 'Sa Tingin mo, bakit pages sentences lang ang explanation nito (may word na 'lang' kasi mahihilig nga magsulat ng mahahabang reports ang mga lawyers). Kaya sa entry na ito, ilabas na nila ang lahat ng dapat nilang ilabas at i-point out na nila ang dapat nilang i-point out. At para sa mga gustong mandaya ng pages, may standard font na dapat gamitin: Arial, 8 pt, condensed 2 pt. Ang mandaya, siyempre lilitisin ang kaso at siyempre mat-TV (ay parang mas gusto ko yung ganun trail. Hehe)
  • Text Promo - Ito na siguro yung pinaka-madali at pinaka-kikitang paraan ng bar exam. Siyempre, magre-register ang mga examinees na parang ganito 'send BAR ON to 1234'. After which, makakatanggap sila ng Bar Exam logos and picture messages. After that, matatanggap din nila ang exam question of the day. Magre-reply sila with the correct answer sa nasabing access code. Tapos, paramihan ng points ang labanan. Yung top 1000 examinees lang ang papasa at may chance manalo ng gavel na gawa pa sa kamagong. Hehehe. Kaya dali, text na! And by the way, see law profs and Supreme Court justices for details. Hehehehe.
  • Poster Making Contest - Wala lang, for more grade school moments lang. If possible, mas maganda pa kung per group ang labanan (so ang isang group eh may 2, 346 members or more. hehehe). Simple lang ang gagawin nila: ipapakita nila sa isang poster kung bakit ang grupo nila ang dapat maging bagong lawyers. Pinakamagandang poster, panalo. At pagdating naman sa style, bahala ang mga students. Kung gusto nila gumamit ng glitters, sequins, popsicle sticks, cutouts or freehand drawing, nasa kanila na yun. At siyempre pa, ipapaskil sa bulletin board ng Supreme Court ang winning piece.
  • Reality show, again - Hindi ko malaman kung bakit kahit hindi na kumikita ang reality shows dito sa Pinas, tuloy pa rin ang paggawa natin nito. Oh well, baka nga naman ito kumita. At dahil law students ang participants, asahan mo na ang mga bangayan nila eh tungkol sa SCRA, Penal Code, Civil Code, Da Vinci Code, Morse Code, etc. Siyempre, may matatanggal kada week. At paano pipiliin kung sino ang matatanggal? Parang 'The Contender' ang atake: one participant from the losing and winning team ang maghaharap not in a boxing ring but in a court room. Tapos may case at hand tapos dapat manalo sila sa kaso. Ang matatalo, tanggal na. At nga pala, required mag-audition ang lahat ng magba-bar dito pero hindi lahat eh matatanggap. Hehehe.
  • Balagtasan - Kung gusto niyong maging Pinoy talaga ang Bar exams, bakit hindi niyo ipag-deliver ng talumpati ang mga examinees. As in, with matching malunggay sa tenga na pagkatapos eh ipansasahog sa sinigang ng nanay nila. Hehehe. At ang bumaluktot ang Tagalog, patay. Naku, sa rule na yun, marami ang ligwak. Hehehe.

Pero kung anupaman ang maging format ng test na yan (mapa-Excel, Word, Powerpoint o Frontpage. Hehehe), sana eh hindi magkaroon ng leakage. Ang mabuti pa, gawin niyo na lang yung mga traditional na pangongodigo tulad ng pagdidikit ng kodigo sa ceiling o sa likod ng proctor o yung paglalagay ng kodigo sa sapatos. Ingat ka nga lang at baka hindi mo kayanin ang amoy ng kodigo mo kapag nilabas mo na mula sa sapatos. Hehehehe.

Babushka Major!


____________________ of the day

Jologs Question of the Day: Ano ang pangalan ng segment sa Game Na Game Na kung saan si Roderick Paulate ang host?

Must Visit Blogsite of the day: www.freearcade.com (kapag wala kayong magawa at gusto niyo mag-laro na lang)

Quote for the Day: "Ketchup ba, Del Monte na!" - yung bata sa commercial ng Del Monte Sweet Blend Ketchup

LSS Song of the Day: Ang Disyembre ko ay malungkot pagkat miss kita (very OFW ang kanta. Hehe)

Horoscope for the Day: Hindi sila nandiyan habang-buhay para labhan ang mga damit mo. Kung ganun, hindi ka rin dapat maligo habang-buhay para wala na silang lalabhan.

Junk Food of the day: M & M Choco Balls

Consumer product of the day: Zesto Milk-O (Milk made even better)

Quote of the Day 2: "Mga bata, alin nga ba ang naiiba sa mga ito?" - Ate Sienna

TV Show of the day: RSVP (hosted by Ariel Ureta, Ai-Ai de las Alas and Dawn Zulueta)

Cartoon TV show of the day: Undersea Monkeys

Movie of the day: Joe Pring story

Family Computer Game of the day: Paperboy

Recording Artist of the day: Kulay (sana mag-reunion sila)

PBA Import of the day: Askia Jones (na buwakaw lang ng sobra. Hehehe)

PBA Local Player of the day: Cadel Mosqueda

MBA Player of the day: Rolly Basilides, Laguna Lakers

Actor of the day: Minyong

Actress of the day: Angel de la Cruz (aka Judiel Nieva)


Wednesday, September 26, 2007
Dahil malapit na lang laban ni Pacquiao, heto ang isang entry mula sa archive ko

Wearing white with flames. Afraid, umaapoy ang trunks niya. Haha.

Noong Linggo, nagbunyi ang karamihan ng Pilipino (dahil may mga pumusta kay Solis kaya karamihan is the right term) sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao. Tumigil na naman ang lahat sa pagtatrabaho (at sa pagkamit ng krimen) para masaksihan ang ating pambansang kamao na lumaban kay Coloradito. Pero, marami ang hindi nasiyahan sa ipinakita ni Manny. Dapat tapos na daw ng mas maaga pa sa 8th round ang laban.

Maraming nasabi ang mga sports analysts kung bakit 8th round na nagawang patumbahin ni Pacquiao si Solis. Malamang eh alam din natin ang mga rasong ito dahil napanood natin ito sa TV kaya hindi ko na kailangan i-elaborate ang mga dahilan nito. At tsaka, hindi ako nandito para mag-analyze ng laban na iyon. Iba ang mga na-obserbahan ko. Kung ano, heto:

  • Sa tatlong 'anthem singers,' nakakabilib na si Geneva Cruz na ang pinakamagaling sa kanila. As in, siya lang yung hindi sumablay sa pagkanta. Halata yung pagka-sintunado nung kumanta ng anthem ng Mexico at USA. Well, that goes to show na magaling ang mang-aawit na pinoy. Pero mas maganda sana kung kasama ni Geneva sina Tony Lambino, James Coronel at Jeffrey Hidalgo. Malay mo, yun ang mag-spark ng reunion ng Smokey Mountain. Hehehe.
  • Si Lito Camo eh nasa special seats. As in, kitang-kita na katabi siya ni Jinky Pacquiao at napapasigaw din siya ng 'Manny! Manny!' kapag sumisigaw ang audience. Hmm, I wonder lang kung siya ang kumanta ng national anthem natin ano? Magiging masaya ang mood nito at kailangan eh may kasama itong paggiling. At ang lyrics? paulit-ulit lang dapat para mas madaling maalala ng madla. Parang ganito: "Bayan, Bayan, Magiliw-gilw. Bayang Magiliw, Perlas ng Sini-langan Alab ng puso (to the tune of Sexbomb's Bakit Papa. Hehe)" Also, I wonder kung binigyan ni Lito Camo si Jinky ng Datu Puti Jumbo pack habang nakaupo siya sa tabi. Well, sagana naman siya dun.
  • Si Jake Joson, nasa Team Pacquiao. Alam ko na ang unang reaksyon niyo: Sino si Jake Joson? My gosh, saan kay nagsususuot noong dekada 90. Naging some tanyag din si Jake Joson bilang isang artista. Marami din siyang nagawag pelikula and yes, kamag-anak niya ang mga Joson ng Nueva Ecija. Hmm, siguro nandun siya kasi namimiss niya ang aksyon pelikula. Kaya lang sa boxing, walang baril, walang bala, walang bodega at walang satsat bago kayo magbirahan.
  • Si Gerry Penalosa nandun din. Proud moment yun na makikita mo minsan sa isang shot ang ating dalawang kampeon. Sayang lang at nadaya siya sa huling laban niya. Paano ba naman daw, binigyan niya ng sobrang daming GSM ang mga hurado (Remember, taga Barangay Ginebra siya dati at kasama si Efren Viernes. Hehe) kaya ayun, nawala sa katinuan ang mga hurado, nalasing kaya nagkanda-duling duling sila. Hehehe.
  • May slight improvement ang English skills ni Manny. Of course nandun pa rin ang kanyang 'Yeah, yeah' pero mas mabuti na lang na hindi gaanong naiintindihan ang kanyang English. Haay, naimagine ko lang tuloy kung manalo man siya at makipag-talumpati siya sa mga matatas na kongresista. Mukha lang siyang na-knock out kung ganun. Pero ha, ang word of the match eh 'grugeh'. Ito yung pagkakadescribe niya sa sitwasyon ni Solis matapos siyang matamaan ng malakas na suntok niya. Gets? Grugeh? Accent kasi eh. Hehe.
  • Si Hermie Rivera, hindi kasama sa punch-by-punch commentators sa mismong Solis-Pacquiao fight. Pero doon sa stand-upper, nandun siya. Hindi kaya marunong siya mag-Kastila tapos nagkataon na may sakit yung isang commentator ng Mexican TV kaya siya na lang muna ang pinag-cover. Eh dinner date with Thalia daw ang kapalit kaya ayun, pumayag yata si Manong Hermie. Hehehe. Pero di nga, nasaan si Manong Hermie ng mga panahong iyon? Hmm, pwede rin siguro na nag-cutman muna siya ni Manny, ano? Hehe.
  • May joke na kumalat bago ang laban. Di ba, sabi ni Morales sa SMB commercial nila ni Pacquiao: "Wala kang katulad, Manny." Kapag nanalo naman daw si Solis, magkakaroon din daw ng commercial ang Corona Extra Beer ng Mexico. At ang catch phrase? "Wala kang katulad, Solis." Hehehe.
  • May nagkasaksakan dahil sa pustahan sa labanang ito. Aba, sinung mag-aakala na may mas bubrutal pa pala sa nangyari sa ring ng Alamodome sa araw na iyon. Hmm, baka akala kasi ng pumusta eh si Lolit Solis ang kalaban ni Pacquiao kaya siguro eh umatras siya. Ayun, nagalit siguro yung kapustahan kaya sinaksak siya.
  • Pangarap daw ni Manny na makalaban muli si Barerra or si Marquez. Kaya lang, pabiro niyang sinabi na bakit hindi na lang silang dalawa. Hmm, some WWE match in the making, handicap match itembang? Hehe. Pero huwag ka, may eepal daw for Manny (ayon sa aking formulated script. hehe): ang contingent ng Pinoy Wrestling. Pero huwag ka, eepal din ang mga Lucha Libre wrestlers ng Mexico for Barrera and Marquez. Haay, Royal Rumble: RP vs. Mexico? Mukhang mas exciting yun. hehe.
  • Ayon kay Michael Buffer, white with flames ang trunks ni Manny. Gosh, ang init nun ah. Hehe. At um, hindi gaanong mahaba ang 'Let's Get Ready to Rumble' phrase ni Buffer. Or baka hindi ko lang narinig dahil ang lakas ng audio sa coverage. As in, may maririnig ka pang mga naguusap na Mexicano sa background. Akala ko tuloy Dora the Explorer ang pinapanood ko. hehe.
  • At ang huling observasyon, ang ganda ng cellphone ni Aling Dionisia! Kinunan siya ng footage na tumatawag siya kay someone at ang ganda na lang ng model ng phone niya. Hmm, kamusta na lang yung cellphone siguro ni Jinky ano, may Manny Tracker siguro yun para alam niya kung nasaan si Mister. Hehehe.

O di ba, ang dami kong analysis na nanggaling sa laban ni Pacman at El Coloradito (na maraming nag-akala na taga Colorado daw si Solis. Hehehe). Well, masaya din kasing tumingin sa ibang eksena sa labas ng boxing match. Pero, hindi ko lang malaman kung Darlington o Ikspid ang gamit niyang midyas. Hehehe. But you know, i fights real hard and when i punched him a couple, he went grugeh and i go for it, ya know. Hehehe.

Babushka Major!


____________________ of the day

Jologs Question of the Day: Sino ang nagsabi ng 'Sa pag-unlad ng bayan, bisikleta ang kailangan?'

Must Visit Blogsite of the day: http://www.odd-info.com (for more unusual but intriguing trivia)

Quote for the Day: "Tell me who your friends...and i'll tell you who my friends are."

LSS Song of the Day: Ako'y babalik na sa aking mahal na probinsya. Hindi na baleng tawaging babaeng promdi!

Horoscope for the Day: Hindi sila nandiyan habang-buhay para labhan ang mga damit mo. Kung ganun, hindi ka rin dapat maligo habang-buhay para wala na silang lalabhan.

Junk Food of the day: Orange Sweets

Consumer product of the day: Rabbit Eraser (na may gray at white side. yung gray eh pang ballpen daw)

Quote of the Day 2: "Don't worry, everything is under control" - Vandolph (Bata Batuta)

TV Show of the day: The Police Hour

Cartoon TV show of the day: Julio at Julia: Kambal ng Tadhana

Movie of the day: Mano Po 3 ("Ikaw kabit, ako legal wife" (in chinese accent of course)) - Zsa Zsa Padilla

Family Computer Game of the day: Joust

Recording Artist of the day: Rockstar 2 (may Rockstar 3 ba?)

PBA Import of the day: Derrick Canada

PBA Local Player of the day: Jay Mendoza

MBA Player of the day: Rene Alforque (Cebu Gems)

Actor of the day: Patrick dela Rosa

Actress of the day: Arlene Tolibas


Tuesday, September 25, 2007
Praise the Lord wins! - isang article na hindi ko nai-publish noon at ipa-publish ko ngayon

Nabasa ko sa isang diyaryo noon ang storya tungkol sa pagpanalo nga ni Fr. Ed Panlilio bilang gobernador ng Pampanga over Mark Lapid and Lilia Pineda. Hindi ko nabasa yung buong article actually kasi natuwa ako doon sa title ng article: "Drug Lord, Jueteng Lord, tinalo ni Praise the Lord.' Doon pa lang, tapos na ang usapan. Gets ko na ang storya.

Nwei, ngayong nanalo na nga si Fr. Ed (at hindi sila nagkausap ni PGMA sa wedding anniversary ni Atty. Romy Macalintal kasi nagmamadali daw si Madam), naisip ko kung ano ang mga maaaring magbago sa probinsya ng Pampanga. Well, ito ang ilan sa naiisip ko:

  • Ang mga offertory na makukuha sa bawat misa sa Pampanga eh mapupunta sa kaban ng bayan.
  • Kapag may singing contest sa Pampanga, hindi ka pwedeng sumali kapag hindi religious song ang kakantahin mo.
  • Laging may church choir singing competition. Kahit anung okasyon meron. Syemps, sponsored ni gov yun!
  • Pagcoconfessin ni gov ang mga jueteng people sa probinsya. Kailangan din nilang magdasal ng Act of Contrition at ang pinakamadugo, ang penance. Bahala ni si gov kung ilang Our Father, Hail Mary o Glory Be ang kailangan nilang dasalin.
  • Araw-araw may pista. So araw-araw may bagong santo kang makikilala at may bagong handa everyday.
  • Ang magiging main industries ng Pampanga: paggawa ng mga rebulto ng mga santo at pagimprenta ng Holy Bible. Ang mga operator at trabahador nito eh yung mga dating nagtatrabaho sa jueteng, ibang sugal at prostitusyon.
  • Kung sakaling magmisa si Among Ed, baka status report ng Pampanga at hindi homily ang maibigay niya.
  • Kapag nahuhuli kang nagja-jaywalking kung saan man, hindi Lupang Hinirang ang ipapakanta sa iyo kung hindi kantang pang-simbahan.
  • Parte ng pondo ng probinsya ay mapupunta sa paggawa ng mga songbook para sa simbahan at pagbili ng ostya.
  • Dito ka na rin siguro makakakita na kalahati ng mga tao sa simbahan eh mga bodyguard dahil nga si Among Ed ang nagmimisa.
  • Sa mga eskwelahan, isang buong araw ang Religion class.
  • Kalahating araw naman ang music class at puro religious songs ang pag-aaralan.
  • Sa mga kalye ng Pampanga, hugis krus ang mga ilaw sa lampposts nila.
  • Kapag nasa-expressway ka at nasa Pampanga ka na, kailangan religious music ang pinapakinggan ka. At kung iniisip mong hindi ka mahuhuli dahil wala naman nagbabantay, remember na nakikita ng Diyos ang lahat at malapit sa Diyos ang governor ng probinsyang dinadaanan mo.
  • Hindi na pwedeng magbenta ng Devil's Foodcake sa Pampanga.
  • At umasa kayo, magkakaroon ng increased sales ng Heaven in A Bar, Food for the Gods at Aparon (na mukha kasing ostya).
  • Required na ngayon magdasal ng Angelus sa provincial capitol at mga munisipyo.
  • Dadasalan ni Among Ed ang mga lupaing nasalanta ng Lahar at kapag hinawakan niya ang lupa, maghihiwalay ito at mawawala ang lahar (very Holy Bible)
  • Sa mga jeep at tricycle ng probinsya, kailangan religious quote ang nasa banner at estribo nila.
  • Sa Pampanga Week (kung meron man nito), meron nang Bible Quiz at Rosary Reciting contest.
  • May Charismatic Prayer Group kada linggo sa kapitolyo. At ang pagkain after eh manggagaling sa pondo ng bayan.
  • Sa mga videoke, puro religious songs na lang ang mga makakanta mo.
  • At sa buong probinsya, makakakita ka ng ganitong karatula: "Pampanga is a drug-free province...Therefore, let us put ourselves in the presence of God."

Sa ngayon, wala pa naman akong nababalitaan na nagkakatotoo sa mga prediction na ito. Pero anung malay mo, by the grace of God, baka may magkatotoo dito. Pero bago ako umalis, please pray one Our Father, three Hail Mary's and three Glory Be's as your pennance.

Babushka Major!


____________________ of the day

Jologs Question of the Day: Sa anong pelikula nagkaroon ng cameo appearance si Senator Juan Flavier?

Must Visit Blogsite of the day: www.friendster.com/lalf (to know me better)

Quote for the Day: "Cebu, B" - batang Alwyn Uytingco

LSS Song of the Day: Crush kitang talaga, crush kita noong araw pa.

Horoscope for the Day: Isa lang ang bibig mo, hindi ba? Kung ganun, hindi tama na magkaroon ng bibig sa harap ng sapatos mo. Grabe, magkano lang ang sapatos ah.

Junk Food of the day: Saddam Green Peas

Consumer product of the day: Easycall Chum (na TGIS barkada pa ang endorser)

Quote of the Day 2: "CDO CDO Hamburger, Grilled Burger, Hawaiian Burger..."

TV Show of the day: Oh No It's Johnny (starring the people na nasa society pages)

Cartoon TV show of the day: Kimba, The White Lion

Movie of the day: Lorna Tolentino's 'The Elsa Castillo Story' (theme song: "And you were there, you are everything i ever see. you walked me out from this...")

Family Computer Game of the day: Arch Rivals (basketball game na may sapakan)

Recording Artist of the day: Magnolia Sabas (kumanta ng theme song ng 'Yagit')

PBA Import of the day: Luke Whitehead (at medyo maputi nga siya. Hehehe)

PBA Local Player of the day: Macdonald 'Macky' De Joya.

MBA Player of the day: Vilmer Banares, San Juan Knights and CDO Amigos

Actor of the day: Tom Babauta

Actress of the day: Leni Santos (wow, D' Punks)


Monday, September 24, 2007
Erap, Erap, Erap (wala lang, kasi suwerte daw ang tatlo. Hehehe)

Hindi lang naman ako siguro ang nag-abang sa magiging hatol kay Erap which was just weeks ago. Sa bus nga na sinakyan ko papasok ng office, may nag-'yes!' pa noong marinig niyang abswelto ang idol niya sa perjury. Pero nung sinabing 'guilty' ang idol niya, halos maiyak na yata siya at muntik na yata niyang ngatngatin ang brown envelope na hawak niya.

Naisip ko lang tuloy kung anung meron kay Erap (bukod sa wrist band na sinusuot niya sa kanan ba o sa kaliwa?). Bakit ganun na lang siya kamahal ng mga tao. Oo, former president siya pero bakit parang mas marami pa ang nanood sa hatol niya kaysa sa mga nanood noong huling laban ni Pacquiao. Siguro, dapat nagpa-pay per view din ang mga sinehan noong araw ng hatol. Malay mo kumita nga sila.

So un, tapos na nga iyon. May mga nalungkot, may hindi. Imposibleng may mga taong walang paki-alam dahil nga sa dating puwesto ni Erap. Kahit nga mga Pinoy sa ibang bansa, nakatututok din siguro eh. At anung malay mo, may mga nagpustahan pa kung guilty o not guilty si Erap (very Pinoy ito ano. hehehe).

Pero after ng decision na yun, bukod sa nagmasid ako sa bus kung may magandang matatabihan (kaya lang wala eh), naisip ko kung anung pwedeng mangyari kung sakaling not guilty si Erap. Ano kaya kung mamumuhay na siya sa labas ng rest house niya? At ano kaya kung via text votes na lang ang resulta ng hatol ano (Text ERAP to 2366, ganun?)

May usap-usapan na ipa-pardon na lang siya. Dahil diyan, pardon me at ipapakita ko sa inyo ang mga posibleng mangyari kung absuwelto si Erap:

  • Magkakaroon siya ng comeback movie - And take note, action movie eto na pinagbibidahan niya, ni Jinggoy, ni Jude Estrada (na naging artista din) at ng mga stereotypes sa isang pinoy action flick. So bale ang storya, pulis si Erap tapos may nakabangga siyang malaking tao (hindi si Bomber Moran ah though malaki yun. Hehehe). Ayun, papatayin yung pamilya niya pero gagahasain muna ang anak niyang babae ng kontrabidang naka-trench coat at walang tigil sa paghalakhak. Siyemps, gaganti siya...at siyempre sa huli pa rin dumarating ang mga pulis.
  • Ibebenta ang storya ng Tanay stay and paglilitis days niya sa Magpakailanman o MMK - Aba, wala na yatang mas dadrama pa sa stay niya ano. And what better way to film it rather than Erap playing the role of himself (wow, erap english yun ah. Hehehe). At kapag nangyari yun, hulaan na lang natin kung ano ang title ng episode at baka manalo pa tayo ng ten thousand pesos. Hehehe. At siyempre ulit, kailangan isingit ang 'Magpakailanman' na word sa huli. Hehehe.
  • Magiging tourist attraction ang rest house niya - Dahil bihira na lang naman nga siyang bibisita dun dahil sa Polk St. na ulit siya titira, pwedeng gawing tourist attraction ang nasabing bahay. As in, dapat may tour guide din, etc. Tapos ang linya ng tour guide: "Ito yung hinigaan ni Erap," "Ito yung kinainan ni Erap," "Ito yung crossword puzzle na sinasagot ni Erap," "Ito yung sudoku na hindi natapos ni Erap" at "Ito yung MENSA application ni Erap". So para sa mga school na naghahanap sana ng bagong mapupuntahan, dito sana o.
  • EDSA 4 - Siyempre, may mga tao pa rin na pilit ibabalik si Erap sa puwesto kaya hindi malayong mangyari ito. Kaya lang, why not try other roads di ba tulad ng C-5 o Ayala Avenue o North Luzon Expressway. Pero kung sa c5 nga gagawin, parang nakakalito na C-5 1 ang pangalan niya ano kasi nagtunog robot lang siya. Hehehe. Pero, kung mangyari nga ang EDSA 4 (na malapit nang talunin ang Mano Po 5), walang pasok sa Ortigas so walang trabaho! Dali na, mag-EDSA na kayo o! Hehehe.
  • Debate: Erap vs. Gloria - Kailangan mangyari ito. Kailangan malaman kung sino ang mas magaling sa kanila at upang malinis ang mga intrigang namamagitan sa kanila (kahit wala, meron yan. magaling magtago ang pinoy eh. Hehehe). Kaya lang, kung televised ito, mahihirapan ang mga cameraman dahil puro long shot ang gagawin nila dahil nga hindi pantay ang height nila unless itungtong si GMA sa ibabaw ni Luli. Hehehe.
  • Maraming mangangaroling sa bahay nila Erap - Aba, galante daw siya eh. At anung malay mo, baka bigyan kayo ng tig-iisang Boracay Mansion kung maganda ang kanta niyo. So kung ako sa inyo, mangaroling kayo tapos isingit niyo yung 'Kahit na Mag-tiis' na naging theme song ni Erap for so long (at mabuti na lang walang record company ang kumagat para i-record ito. Hehehe).
  • Kukunin siyang endorser ng Nike - Dahil mahilig siya magsuot ng wristband, pwedeng pagkakitaan ng mga sports companies ito dahil sila lang nga naman ang nagpo-produce ng wrist band. At para maiwasan na mangyari ulit ito, equipped with a plunder detecting device na ang wristband na ito para wala na ma-convict pa ng plunder. Therefore, kailangan isama ito sa dress code ng mga government officials and employees.

Sayang lang at hindi nangyari ito dahil nga bumalik sa Tanay si Erap. Pero, ano kaya kung tumakas si Erap dun ano? Oh di ba parang action movie lang din at mga pulis ang hostage taker niya. Kaya lang, dahil naoperahan na siya sa tuhod. Malamang mahahabol din siya ng mga pulis kapag nagkahabulan na sa kagubatan (unless tumalon siya sa waterfalls at hindi mag-inarte ang leading lady niya). Hehehe.

Babushka Major!


____________________ of the day - the resurrection (langya, sumabay pa talaga sa resident evil anez?)

Jologs Question of the Day: Sino si Pardina sa 'Si Pardina at ang mga Duwende'? (Ang dali na niyan ah)

Must Visit Blogsite of the day: http://tetel.wordpress.com (actually siya lang ang nangulit na mag-update ako)

Quote for the Day: "Arya!" - Cesar Montano

LSS Song of the Day: Whoops kiri whoops kiri whoops everytime I see you!

Horoscope for the Day: Hindi pating ang nakikita mo. Naka-gel na buhok lang yan ng isang taong may konsepto ng hair style at galit sa naglalaglagang butiki sa ulo niya.

Junk Food of the day: Pilar's Tamarind Candy

Consumer product of the day: Ricky Reyes Learning Institute (na nagtuturo din ng bartending classes)

Quote of the Day 2: "Wala po bang fried chicken, pwede po bang fried chicken na lang, di naman po ito fried chicken eh!"

TV Show of the day: Chabelita

Cartoon TV show of the day: Hutch, ang batang bubuyog

Movie of the day: Pardina at ang mga Duwende (nabanggit na rin naman na kanina eh)

Family Computer Game of the day: Rainbow Islands

Recording Artist of the day: Keith Martin (I gotta give it to him, hindi talaga siya umalis ng bansa)

PBA Import of the day: Norman Black (old school. Hehe)

PBA Local Player of the day: Ed Ducut

MBA Player of the day: Malay Malabanan, Socsargen Marlins

Actor of the day: Vic Pacia

Actress of the day: Ate Sienna ng Batibot


Matapos ang tatlong buwan

Sa mga nagbabasa ng blog na ito (or should i say, sa mga patuloy na nagbabasa ng blog na ito), marami siguro ang nagtataka sa inyo kung bakit matagal hindi nag-update ang baliw na owner nito. Guess what? Nahanap na namin siya! At ang maganda pa niya, na-interview namin siya tungkol sa kanyang pananahimik (punyeta, parang The Buzz lang). Heto ang transcript ng nangyaring panayam kay lalf:

  • Kamusta ka na after three months of inactivity? Ok naman, maayos naman. Heto buhay pa. Ikaw interviewer, kamusta ka naman? Are you having fun yet?
  • Ano ba ang ginawa mo sa three months na ito at bakit? Aba, bakit may bakit? hehehe. Anyway, so un, marami akong inasikaso. Sinimulan na namin ng friends ko yung Pinoy Triad. Sa mga gustong sumali, pm niyo lang ako. Hehe. Bukod dun, marami pa akong pinuntahang guestings, shootings, tapings. Bukod pa rin dun, ive been to georgia and california and anywhere i could be. Oo, ive been to paradise but ive never been to me. Hehehe.
  • Marami ang nagsasabi na tinamad ka lang daw sa loob ng tatlong buwan kaya wala kang nagagawang entries? Partly true. Kaya lang may mga pagkakataon na ginusto kong magsulat. Kaya lang, ayaw ng fingers ko eh. Alangan naman pilitin ko sila di ba? Sige nga, kayo kaya mamilit sa mga daliri niyo na gumalaw. Ewan lang kung hindi ka mabaliw.
  • Is it the truth? Hala, pasensya na pero hindi ako member ng Rotary Club.
  • Is it fair? Sabi na ngang hindi ako member ng Rotary eh.
  • So bakit ka nagbabalik? Marami na kasing nangungulit na mag-update ako. Kaya lang, ayoko ng kinukulit ako. Kaya yun, nananahimik na yung mga nangungulit. Kaya, wala na akong readers. Therefore, bakit pa ako mag-uupdate? Did i answer your question?
  • Kung ihaharap ko ang mahiwagang salamin sa harap mo at makikita mo ang sarili mo, anung sasabihin mo at bakit? Macho guwapito raw ako pero isip ko nama'y gulong-gulo...Macho guwapito raw ako kinagigiliwan dahil may pangalan.
  • Is it a deal or no deal? Noodle! Noodle! Noodle! - Manny Pacquiao
  • Is it the money or the mob? According to the constitution, it is my right to chose an option for the betterment of my status in this nation. It is also stated there that my decision to choose whether to take the money or the mob is my conviction to help in the construction of a better nation. - Miriam Santiago
  • Is that your final answer? The law states that the conclusion of my answer to your interpolation is a decision that i must make. Ergo, i lied - Miriam another
  • Any message to your fans ngayong nagbabalik ka? Saan ka man naroroon ngayon. Saudi, Japan o Hongkong. Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik at babalik ka rin. Anuman layo ang marating. Singapore, Australia, Europe o Amerika. Babalik at babalik ka rin. Kay tagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin......(higher note)....at babalik ka rin! (soft tune) babalik ka rin.

O siya, tama na ang bola. Sulat na!

Babushka Major!


Wednesday, June 13, 2007
FROM THE ARCHIVES - I want to break free, (mas mataas na tono) I want to break free, I wanna wanna wanna wanna break free! (Caltex Gasolines are keme kemelar...)

Sa wakas, napalaya na rin ang 24 na Pinoy Seamen na dinukot sa Nigeria. Aba, mahaba-haba rin ang pagde-"Deal or No Deal" ng ating pamahalaan sa mga kidnappers (ay mali, pirates. hehehe) ng ating mga kababayan at sa wakas, napalaya silang lahat at walang ni isa ang napahamak. Dahil diyan, maraming spekulasyon na binayaran daw ng gobyerno ang paglaya ng mga utral na ito (may pera pala sa Pinas?). Pero dahil sa aking LALF Insider na itago natin sa pangalang "Curly Gaspi," nalaman natin ang mga tunay na ibinigay ng gobyerno sa mga Nigerian pirates. Heto ang listahan ng kanilang perks:
  • Gagawan ni Carlo J. Caparas ng pelikula ang mga pangyayari -- Apparently, isang acting break daw ang gusto ng mga hostage takers. Kaya lang, hindi sila binibigyan ng break sa Nigeria. Kaya naisipan ng gobyerno natin na bigyan sila ng acting career. Gagawan ng pelikula ang lahat ng pangyayari sa Nigeria at syempre, sila ang gaganap as themselves or bilang mga hostage-takers nga. Ang title ng pelikula: "Hostage Taking sa Nigeria, Lord have Mercy". Hehehe. O, di ba, may career na sila sa pag-arte? At anung malay mo, maging politiko pa sila. Alam mo naman dito, posible yun.
  • Papayagan na nilang mag-bid ang mga Nigerians sa Ebay Philippines -- Hindi ko lang maintindihan kung bakit bawal mag-bid sa ilang items sa Ebay Philippines ang mga Nigerians. Ano ba ang gusto nilang sabihin, walang pera ang mga Nigerians. Baka nga mas mayaman pa sila sa atin eh. Hakeem Olajuwon pa lang, talo na tayo. Kaya ba tapatan ng yaman ni Alvin Patrimonio, Jun Limpot at Wilmer Ong ang yaman ni Olajuwon? Hindi! Baka nga bilhin pa niya ang Ebay Philippines pag nagkataon eh. Hehehe.
  • Lahat ng import ng PBA, sa Nigeria na mangagaling -- Tama ang narinig niyo! Sa dami ng basketball players na matangkad doon, kailangan nila ng venue para makapagsimulang maglaro ng basketball at makilala sa NBA pag naglaon. Aba, hindi lang pala sa AFP may Visiting Forces Agreement ano, pati rin pala sa PBA. Isipin mo yun, puro galing Nigeria ang import natin. Dadami rin ang hiring sa mga translators ng Nigerian language at dadami ang gustong matuto ng Nigerian language which leads to the next demand.
  • Papasok ang Nigerianovela sa Philippine TV -- Malay ba natin na meron ngang ganun. Aminin niyo noong kasagsagan ng F4, marami ang nag-aral ng Chinese/Mandarin/Cantonese/Shanghainese/Siopaonese. Hehehe. Kaya habang nandyan ang demand, papapasukin ang Nigerianovela sa Phil. TV. Kawawa naman ang Mexico, Korea, Japan at China, nawalan sila ng market dito. In the other hand, sisikat ang mga Nigerianovela stars like Blacky Lou Blanko, Reyshel Loblacko at Lani Loblacko. Hehehe. At huwag po kayong magulat kung Dramarama sa Hapon pa lang eh madilim na ang TV screens niyo. Peace out, brothers!
  • Bigyan ng trabaho ang mga Nigerians dito sa Pinas -- Ininvade na daw natin kasi yung kanilang workforce doon kaya nila kinidnap yung 24 pinoys na yun. Kaya bilang kapalit nun, magkakaroon daw ng ONW (Overseas Nigerian Workers) dito sa Pinas. Naku ha, sana lang may makita silang trabaho dito. Pero at least kung ganun, dadami ang treasure hunters dito sa bansa. Or pwede rin na maging sibak dancers na lang sila sa Gigolo. hahaha. Ay wait, wag na lang. Baka magkataon eh magreklamo ang customers na wala daw silang napanood pero iginigiit ng management na may ipinalabas naman sila.

Naku eh marami naman palang demands itong mga guys na ito para sa paglaya ng ating mga kababayan. Kaya sa susunod na may mang-hostage ng ating fellow Pinoys sa ibang parte ng mundo, asahan niyo na na may demand din ang mga ito. Sana lang, maibigay natin ang kanilang requests. Well, kung hindi man kaya ng gobyerno, nariyan ang Wish ko lang at At Your Service para punuan ang kanilang pagkukulang. Hehehe.

Babushka Major!


Next Page