|
|
 |
Thursday, October 04, 2007
KBA, All The Way (pasintabi kay
Patindi ng patindi, paganda ng paganda, palawak ng palawak, pataas ng pataas. Spaghetting pataas, pataas ng pataas. Spaghetting pababa, pababa ng pababa. Get Get Awwww!
That's right, dumadami na naman ang sumasaling mga koponan sa ating malupit at exciting na liga, ang KBA (A! A! A! A! Sensya na ha, that's how I portray echoes eh. Hehehe)
Sa susunod na season ng liga ng Pinoy, dadami na naman ang aabangan niyong koponan. Heto ang mga bagong salta ng KBA (A! A! A! A! A! A! A!)
- Matina ang Matibays
- Navotas ang Brief Kos
- Sulu Tan Ng Jowas
- Tawi-Tawi Po (at ang mga players nila, mga lamang-lupa)
- Jala-Jala Lagot Ka
- Imus Increase my Busts
- Agusan Ka Patungos
- Lemery and Ivory (manager: Stevie Wonder)
- Sta. Rita Avilas
- Ipil Skin Peels
- Sarrat Traps
- Binondo Quando Quando
- Sultan Kudarat Kidlats
- Currimao Zedongs
- Baclayon Kuya Ko
- Agoo Di Ngas
- Commonwealth is Health
- Greenhills are alive with the Sound of Musics
- Cagayan Yan Chocolate Dips
- Caba (La Union) Caba Chameleons (manager: Boy George aka George Estregan Jr. Hehehehe)
Ayan na, tumatalbog na ang bola. At kasabay nito, tumatalbog ang mga tseke! Ang saya di ba? Kaya abangan niyo na ang pagbubukas ng bagong season ng inyong liga, ang KBA!
See posters and print ads for details. If symptoms persist, consult your doctor. Wow, what an incredible offer! Call 890-2345 right now. Our friendly operators are standing by to take your calls. We accept all major credit cards, check and COD. Call 890-2345 right now. At yun nga, see posters and print ads for details.
Babushka Major!
Posted at 06:02 pm by cpaultorreiro
Permalink
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Sa Mexican version ng Marimar, ano ang pangalan ng mayamang negosyante na nanligaw kay Marimar?
Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (for more publicity and for more publicity. Hehehe)
Quote for the Day: "Hopya, Mani, Popcorn, MAXX!"
LSS Song of the Day: From a distance, the oceans chovalyn and the chovalyn chova
Horoscope for the Day: Marami kang maibabahaging ideya sa inyong meeting. Kaya lang, advanced yata ang mga naisip mo dahil para sa susunod na project pa ang sinasabi mo.
Junk Food of the day: Captain Sid Butong Pakwan
Consumer product of the day: Pepsodent Pepso-Squeezer
Quote of the Day 2: "Aru, dugo-dugo gang kayo nu!" - PLDT Commercial
TV Show of the day: Mia Gracia
Cartoon TV show of the day: Ulysees 31 (sobrang tanda!)
Movie of the day: Paraiso ni Adan
Family Computer Game of the day: Mach Rider (kung saan nadudurog ang motorsiklo mo kapag nabangga ka)
Recording Artist of the day: Thalia (na may sariling version ng 'Nandito Ako')
PBA Import of the day: Kenny Redfield (na naging import na yata ng halos lahat ng team sa PBA. Hehehe)
PBA Local Player of the day: Braulio Lim
MBA Player of the day: Dean Labayen (Negros Slashers)
Actor of the day: Ardy Aquino
Actress of the day: Sarah Polverini
Posted at 05:44 pm by cpaultorreiro
Permalink
Wednesday, October 03, 2007
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Sa isang Jollibee commercial, ano ang pangalan ng manikang nawawala? (Haay, ang dali na nito ah!)
Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (katatayo lang nito. hehehe)
Quote for the Day: "MAAAAAAAXXXXXXXXSSSS!"
LSS Song of the Day: Pagkat saan ka man naroroon, pintig ng puso ko'y para sa iyo.
Horoscope for the Day: Magigising na lang siya isang araw at malalaman niyang hindi ka pala niya mahal. Hindi pala kayo talo dahil same sex ang gusto niya.
Junk Food of the day: Aleli's Shing-A-Ling
Consumer product of the day: Salem Bed
Quote of the Day 2: "Kanina ko pa hinihintay yan ah!" - Gary V, Max's commercial
TV Show of the day: Saturday Night Playhouse
Cartoon TV show of the day: Gummi Bears (ang tanda!)
Movie of the day: Paracale Gang
Family Computer Game of the day: Rampage
Recording Artist of the day: Lady Diane
PBA Import of the day: Brandon Williams
PBA Local Player of the day: Manny Victorino
MBA Player of the day: Jan Montalbo (Cebu Gems)
Actor of the day: Lester Llansang
Actress of the day: Georgia Ortega
Posted at 06:32 pm by cpaultorreiro
Permalink
Tuesday, October 02, 2007
Tatay na si Zaido...Zaido Marudo. Hehehe. Or pwede rin Zoraido Sanchez. Hehehehehe. Or better yet, Zaido Cerrudo. Ah potah pilit na! Hehehe
Nagtatanggal pa ako ng muta sa mata kaninang umaga nang sabihin ng kapatid ko ang maituturing kong quote for the day:
"Kuya, tatay na si Dennis Trillo!"
Uy ha, let's get things straight. Witchelsea marie ko beta carotene itembang manchurian candidate na anaz ah. Hehe. Wala lang, nakakagulat lang kasi parang kelan lang eh nahihiya pa siyang makipag-kissing scene kay Tanya Garcia sa 'Twin Hearts'. Tanda potah! Hehehe.
At ngayon, daddy na siya. Wow! Congratulations, Dennis. At least, hindi ka na lying alone with your head on the phone and thinking of Carlene till it hurts. Hehehe. At dahil din diyan, napatunayan mo na you're all out of love as well. Hehehe. At habang tina-type ko ang paragaraph na ito, naisip ko lang na baka kaya umulan kanina eh dahil ngayon lang natanggap ng mga angels na daddy na nga si Dennis.
Aba anung malay natin, bet din pala nila si Mr. Trillo. Kaya ayun, sabay-sabay silang umiyak kanina dahil sa sama ng loob (hmm, kaya siguro lasang mascara ang ulan kanina kasi galing sa mata ng angels. Hehehehe, nilasahan. Hehehe). Pero bilib din ako noh, nagla-lag pala ang mga mensahe patungong langit. Hehehe.
So yun, wala na tayong magagawa dahil tatay na nga siya ni Calex Andrea Ho. All we can wait for eh kung kelan ipapalabas sa GMA 7 ang coverage ng kasal nila ni Carlene Aguilar. Hehe. And speaking of that, may nakuha kaming insider info: 'Lupang Hinirang' daw ang gustong gawing theme song ng soon-to-be married couple at si Christian Bautista ang napili nilang kumanta. Hahahaha.
Pero dahil malikot ang utak ko (swear, malikot talaga siya as in. Para siyang bulate. Hehehe), sumagi na naman sa isip ko ang tanung na ito: "Paano kaya kung hindi talaga si Dennis Trillo ang ama ng ipinagbuntis ni Carlene?" Oo alam kong parang imposibleng mangyari yun pero what if lang. For that, baka ang headline sa Abante Showbiz bukas eh 'Dennis Trillo, baog!' Huwag naman sana para hindi bumaba ang market value niya. Hehe.
So mabalik nga ako. Galing ano, ang dami kong recovery shots. Hehehe. O yun nga (o yan isa pa), ano kaya kung hindi si Dennis Trillo ang ama. Kung sino, heto ang listahan ng sa tingin ko eh ama ng batang iyon:
- Freddie Aguilar - Wala lang, pareho kasi silang apelyido ni Carlene eh. Anung malay natin at matagal na pala silang kasal at ang kantang 'Anak' pala eh dedicated sa sanggol na iyon. Oh di ba, makes sense (para sa mga praning siguro oo)? Hehehe.
- Alexander Graham Bell - Pwede din siya ang partner in life ni Carlene kasi tignan mo nga yung pangalan: Calex. Alexander, Calex. Oh di ba malapit ang pangalan nila?
- Alex Crisano - wala lang, for more name basis. Hehehe. Pero kung sakaling siya nga, kawawa naman si Carlene at baka maubos lang ang pera niya sa mga tatu ni Alex na may sariling buhay yata. At bukod diyan, baka magawan pa siya ng scandal.
- Alex Boncayao - Hehehe. Ganun din. Hehehe. At parang ayokong maging totoo to at baka maging terrorista pa ang bata. hehehe.
- Manny Pacquiao - Hay naku, kelan ba darating ang araw na walang isyu kay Pacman. Ngayon, may Ara Mina na, may Carlene Aguilar pa. Pero malamang nagtataka din kayo kung bakit siya kasama dito. Well, para nang kay Alexander Graham Bell, nasa pangalan kasi yan eh: Calex, oh di ba parang short for Alaxan (para sa bayan ang prisyo na tu! Hehe)
- Yung may-ari ng Holland Hopia - Sabi ng marami, Mr. Po daw ang pangalan ng may-ari ng Polland Hopia at Mr. Ho ang owner ng Holland Hopia. Diyan pa lang, potential suspect na siya dahil Ho ang apelyido ng bata. Grabe ano, nananahimik lang siya sa paggawa ng hopia, nasangkot pa siya. Hehehe.
- Yung may-ari ng Ho Tsin Ho - same reason as the Holland Hopia owner but this time, mas sigurado ka lang na may Ho talaga ang pangalan niya dahil dalawang beses niya pa inulit ito. Hehehe.
- May-ari ng Caltex, whoever he is - Oh di ba, binawasan lang ng 't' at yun na yung pangalan ng bata. Pero para ma-solidify nga ang claim na si Mr. Caltex owner nga ang ama ng bata, amuyin niyo yung bata. Kung amoy diesel siya nung lumabas, aba no doubt, confirmed! Hehehe.
- Stanley Ho - Sabi sa isang interview with Carlene before, before pa, isang Chinese businessman daw ang ama. Oh di ba, tumpak lang na baka ng si Stanley Ho ang father of the child kasi bukod sa apelyidong Ho eh Chinese businessman pa siya. Hmm, kayo na ang bahalang humusga dito. Just type HUSGA <space> sagot niyo and send ito as a comment in the post. Hehehehe.
- Santa Claus - Paano tumawa si Santa Claus? "Hohohoho!" Enough said. Hehehehe. Ibang klase si Santa ano, sumusuot sa tsimineya hindi lang para mag-iwan ng regalo, para din mag-iwan ng bata. Hahaha. 'I Saw Carlene Kissing Santa Claus' nga kaya ang nangyari? Stay tune and find out when we come back from a commercial break! Hehehe.
Pero Dennis, kung nababasa mo ito (hindi naman siguro malabo ang mata mo. Hehehe), sport lang ah! Alam naman nating lahat na ikaw talaga ang ama niyan eh. Swear, nag-text pa nga sa akin si Carlene eh using her Mobiline phone....(at sa puntong ito, nagising na lang daw ako. Aba, nananaginip lang pala ako na tinext nga ako ni Carlene. Sayang, rereply-an ko na naman sana siyang 'asl please'. hehehe.
Babushka Major!
Posted at 09:44 pm by cpaultorreiro
Permalink
Abalos is lost, labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya. Sa paligid-ligid ay puno ng linga.
Kahapon lamang...
Tayo ay nagsumpaan at sabi mo pa ako'y di mo iiwan. Tenenentententen. Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin! Hehehehe.
Ay wait, masyado na yata akong nadadala ng videoke endeavor ko kagabi. Pero hindi ko kinanta yan ah. Actually, 'Delilah' ni Tom Jones ang binanantan ko kasi naka-isang case na yata ako ng beer. Hehehe. I saw the light that was chova a chova the window. Hehehe.
Hay seryoso na nga! (At sumabog si Lawrence dahil nagseryoso siya. tapos na ang blog entry, sorry. Joke lang. Hehehe). O game. Yun nga, kahapon lang eh umalingawngaw na parang wang-wang ng ambulansya ang balitang nagbitiw na si Benjamin Abalos bilang Comelec chairman. For that, malamang magkakaroon ng bagong chairman ano unless i-abolish na lang ang Comelec tapos daanin na lang sa lakas ng palakpak ang botohan. Hehehe.
So un, ano man ang sabihin niyang dahilan ng kanyang pagre-resign, hindi pa rin maiaalis ang angulo (yes, umaanglo si Abalos anez, 180 degrees! Hehe) na kabilang nga siya sa kontrobersyal na ZTE national broadband deal. Tanung pa nga ni Jamby Madrigal (Jajajajamby, jajajajamby Madrigal!), "Are you willing to fall?" Hehehe.
Tiyak na marami tayong kuro-kuro kung bakit siya nagbitiw. Isa na siguro diyan eh dahil hindi siya nakikinig ng Spongecola sa phonograph niya ('Huwag kang bibitiw bigla, huwag kang bibitiw biglahahah.' Gets mo na kung bakit? Hehehe). Pero sari-sari man ang reasons niya, maiiwasan sana ito kung hindi na siya allegedly sumawsaw pa sa deal na iyon. Kung sa bagay, ano nga naman ang ginagawa niya doon bilang Comelec chair hindi ba? Hmm, pero on second thought, baka nag-graduate ng short computer course si Ben sa Informatics at para makatipid ang gobyerno, siya na rin ang ginawang Presidential Adviser on Computer Chorvanes. Hehehe.
So mabalik lang ako, hindi na nga dapat siya sumali doon. Sana pumunta na lang siya sa China para manood ng mga shaolin o kumain ng siopao na may cardboard daw. Pero sa kabilang dako, hindi rin naman kailangan ng gobyerno ang ZTE deal eh. Kung broadband kyeme lang ang problema, magagawan ng paraan yan. After all, maparaan naman tayo eh.
Kaya heto ang mga proposed steps ko bilang alternative sa nationwide broadband
- Bumili na lang sila ng maraming internet card tapos mag-dial up na lang sila - Ano ba naman yung 30 pesos for five hours na net card di ba? (Shet, halatang ISP Bonanza user ako ah. Hehehe). O kung gusto nila, makipag-tie up na lang sila sa mga ISP companies para may sponsor sila ng internet connection. Tapos ang maganda pa niya, maki-tie up na rin sila sa mga gumagawa ng DOTA para mas happy. Hmm, ano kaya itsura ni PGMA kapag napatay yung hero niya ano? Hehehehehe.
- Mag-internet cafe na lang sila - Sus, ang dami nga naman internet cafe diyan sa tabi-tabi, bakit hindi na lang sila maki-renta ng unit dun. And for more confidentiality, eh di dun sila sa mga private room pumili ng unit para hindi malaman ng ibang tao ang confidential data ng gobyerno. Kaya lang, siguraduhin na trabaho ang gagawin ah at hindi pakikipagchat with webcam or worst.......... Hehehehe.
- Bumili ng maraming diskette - Dahil obsolete na ang diskette, tiyak na mas mura pa yata ito sa bubble gum. Hehehe. Pero yun nga, eh di i-diskette na lang nila lahat ng ipapadala nilang files tapos ipa-cargo na lang nila para makarating sa patutunguhan. Pero sana, siguraduhin nila na government files ang naipadala nila at hindi yung mga titilating pics ni PGMA. Haay, kapag nagkataon, kakalat na parang virus yan.
- Smoke signal na lang, ok din naman yun eh - Kung magpapadala din lang sila ng mga mensahe, eh di gumamit na lang sila ng smoke signals. Huwag niyo na lang itaon sa Fire Prevention Month ang pagpapadala ng mensahe at baka maguluhan ang code reader ng kabila. Baka imbes na national budget ang ma-pick up niya, baka ang makuha niyang mensahe eh tibo pala si Mahal. Afraid yun di ba? Hehehe.
- Ipadala ang mensahe sa pamamagitan ng runner - Old-fashioned kung old fashioned. Pero at least, maraming kababayan natin ang magkakaroon ng trabaho. Kaya lang, siguraduhin niyo na walang sideline ang kukunin niyong runner. Baka kasi bukod sa pagtakbo ng mga hard copy ng mga important messages to any point of Luzon (parang jeep lang yun ah. Hehehe), baka nagdedeliver din siya ng 'tawas' sa mga 'maiitim...ang budhi (or kili-kili maybe. Hehehe)
- Mental Telepathy - Ito na siguro ang pinaka-cheap na paraan kung paano magpadala ng files from one office to another. Pero isipin mo na lang, di ba astig ang kalalabasan kung walang mali sa pinadala mo? Hehehe. Pero naisip ko rin, wala nga palang government officials ang hindi nagbabangayan so hindi magiging effective 'to. O siya, balik na lang tayo sa internet cards. Hehehe.
Hay naku, ang mabuti pa, gamitin na lang nila yung pera para sa broadband chorvanes na yan sa pagpaparami ng computer units sa mga paaralan. Oo nga maabilidad ang Pinoy pero pagdating naman sa computer literacy, olats! At ayaw niyo ba nun: mas maraming computers, mas maraming magiging computer literate......and the best part, dadami ang hackers at mga hustler sa DOTA. Hehehe.
Babushka Major!
Posted at 08:56 pm by cpaultorreiro
Permalink
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Ano ang tatak ng iodized salt na inendorso noon ni L.A. Lopez?
Must Visit Blogsite of the day: http://kachikkahan.ning.com (the online tambayan of chikka employees)
Quote for the Day: "Kunin mo na ang lahat sa akin..." (Eh di sige. Sabi mo eh. Hehehe)
LSS Song of the Day: La la la la labada pag 3d! 3d saves you time and energy
Horoscope for the Day: Bukas, hindi ka na sisikatan ng araw dahil magkakaroon na kayo ng bubong. Sa wakas, hindi mo na gagamit ng tolda tuwing umuulan. Aba, umaasenso ka ah!
Junk Food of the day: Besuito Fried Prawn Crackers (ang tanda! Hehehe)
Consumer product of the day: Agfa HD film (na pinamimigay ni Kuya Germs sa mga guest niya)
Quote of the Day 2: "What did they did..." - Tracy Torres
TV Show of the day: Home TV Shopping (with Sonny Cortez and Hazel Preclaro)
Cartoon TV show of the day: Si Mary at ang Lihim na Hardin
Movie of the day: Tamis ng Unang Halik
Family Computer Game of the day: Shufflepuck Cafe (na hayop sa galing na lang magpa-banda ng mga kalaban mo)
Recording Artist of the day: Raquel Tuazon
PBA Import of the day: Stanley Rose (Sunkist)
PBA Local Player of the day: Marlon Basco
MBA Player of the day: Chandler Donaldson (and mind you, hindi siya import. Hehe)
Actor of the day: Gino Antonio
Actress of the day: Lek-lek
Posted at 08:19 pm by cpaultorreiro
Permalink
Monday, October 01, 2007
Law? Law ba kamo? Hay naku, mahihi-LAW ka lang sa kababasa ng cases anow! Law-makwatsa na lang tayo buti pa.
Kailan lang, napadaan ako sa may Taft Avenue. Tapos, may nakita akong isang lalake na kahit maganda yung suot niya eh tila may saltik yata. So yun, nilapitan ko siya at kinausap ko. Siyempre, tinanung ko kung sira-ulo niya siya. At naku, nagulat ang lola niyo nang sabihin ng manchurian candidate na itembang na 'objection your honor, hindi ako baliw!'
Sa sinabi niyang yun, naliwagan na ako. Wala nga naman siyang toyo sa utak, nag-take lang naman siya ng Bar Exams.
Ok ok, hindi totoo yung ikinuwento ko sa taas (wala lang akong maisip na lead. hehehe). Pero kung tutuusin, marami ka ngang maririnig na hindi kumakain, natutulog at hindi namamaintain ang katinuan ng isip dahil sa kare-review para sa Bar. Hay naku, isa lang naman ang solusyon diyan: sa Gapuz kayo mag-review at tiyak papasa kayo. Hehehehe.
Anyway, so yun nga, mahirap nga daw makapasa sa Bar Exams kasi hindi rin basta-basta ang exam na ito. Aba, kung test nga naman tungkol sa batas ng Pilipinas yan, mahirap dapat yan. At kung yung mga tanung nga ni Edu Manzano sa Game Ka Na Ba eh hindi masagot, eto pa kaya.
Kaya dahil dito, bilib ako sa mga law student na nagsusunog ng kilay (hmm, which reminds me, si Bella Flores kaya, law student noon? Hahahaha) para sa pagsusulit na ito. After all, dito nakasalalay kung dapat nga silang tawaging abogago...este attorney pala. Hehehe.
Pero sa totoo lang, hindi niyo talaga kailangan gawin yan. Kung ako ang tatanungin, marami pa naman ibang paraan kung paano dapat gawin ang bar exam. Sige, tanungin niyo ako. Game, tanungin niyo ako. Dali, tanungin niyo ako! HOY, TANUNGIN NIYO AKO SABI EH! Hehe. Pero mabalik lang ako, ito ang listahan ko kung paano mapapasaya ang Bar Exams.
- Game Ka Na Ba - Nabanggit na rin lang ang Game Ka Na Ba, bakit hindi gawin game show format ang Bar Exams. Pero babala sa mga viewers, baka ito na ang pinakamatagal na game show sa balat ng mundo dahil sa kao-object ng mga contestants at ng game master na si Mr. Chief Justice mismo. Isipin mo kunwari ang tanung: 'Ano ang nauna, itlog o manok?' Siyempre, sasagot yung contestant kung ano sa tingin niya yung tama. Pero hindi pa siya kaagad makakapasok sa next round dahil tiyak may objection pa si Chief Justice.
- Game Ka Na Ba (part 2) - So un, magtatalo sila hangga't sa basahin ng clerk ng korte kung sino ang tama na base na rin sa desisyon ng audience na puro judges, attorneys, lawyers, etc. Hmm, siguro cute kung mangyari ito kasi makikita natin sumayaw ng 'Papaya' ang mga judges. Oh di ba, exciting? At isa pa, hindi ka rin kaagad makakapagpa-atras ng kalaban o maaaring umabante dahil tiyak mag-aapela ang kalaban mo. At alam mo naman dito, mabagal ang giling ng hustisya. Hehehe.
- Quiz Bee - Patterned after the traditional Quiz Bees (with matching illustration board, chalk at basahan para pambura ng illustration board, wala na yatang mas sasaya pa sa ganitong format dahil makikita mong nagche-cheer ang mga kaklase at mga magulang ng contestants. Siyempre, may three rounds: easy, average and difficult. May time limit sa bawat sagot at pwede mo pa rin i-apela ang sagot mo kung sinasabi nilang mali ka. At siyempre, dahil late darating ang mga judges (na judges nga in real life at sanay na ma-late sa mga hearing), huwag kayong magulat kung ma-televise ito ng live pagkatapos ng Master Showman. Hehehe.
- Essay Writing Contest - Simple lang ang tanong: 'Sa Tingin mo, bakit pages sentences lang ang explanation nito (may word na 'lang' kasi mahihilig nga magsulat ng mahahabang reports ang mga lawyers). Kaya sa entry na ito, ilabas na nila ang lahat ng dapat nilang ilabas at i-point out na nila ang dapat nilang i-point out. At para sa mga gustong mandaya ng pages, may standard font na dapat gamitin: Arial, 8 pt, condensed 2 pt. Ang mandaya, siyempre lilitisin ang kaso at siyempre mat-TV (ay parang mas gusto ko yung ganun trail. Hehe)
- Text Promo - Ito na siguro yung pinaka-madali at pinaka-kikitang paraan ng bar exam. Siyempre, magre-register ang mga examinees na parang ganito 'send BAR ON to 1234'. After which, makakatanggap sila ng Bar Exam logos and picture messages. After that, matatanggap din nila ang exam question of the day. Magre-reply sila with the correct answer sa nasabing access code. Tapos, paramihan ng points ang labanan. Yung top 1000 examinees lang ang papasa at may chance manalo ng gavel na gawa pa sa kamagong. Hehehe. Kaya dali, text na! And by the way, see law profs and Supreme Court justices for details. Hehehehe.
- Poster Making Contest - Wala lang, for more grade school moments lang. If possible, mas maganda pa kung per group ang labanan (so ang isang group eh may 2, 346 members or more. hehehe). Simple lang ang gagawin nila: ipapakita nila sa isang poster kung bakit ang grupo nila ang dapat maging bagong lawyers. Pinakamagandang poster, panalo. At pagdating naman sa style, bahala ang mga students. Kung gusto nila gumamit ng glitters, sequins, popsicle sticks, cutouts or freehand drawing, nasa kanila na yun. At siyempre pa, ipapaskil sa bulletin board ng Supreme Court ang winning piece.
- Reality show, again - Hindi ko malaman kung bakit kahit hindi na kumikita ang reality shows dito sa Pinas, tuloy pa rin ang paggawa natin nito. Oh well, baka nga naman ito kumita. At dahil law students ang participants, asahan mo na ang mga bangayan nila eh tungkol sa SCRA, Penal Code, Civil Code, Da Vinci Code, Morse Code, etc. Siyempre, may matatanggal kada week. At paano pipiliin kung sino ang matatanggal? Parang 'The Contender' ang atake: one participant from the losing and winning team ang maghaharap not in a boxing ring but in a court room. Tapos may case at hand tapos dapat manalo sila sa kaso. Ang matatalo, tanggal na. At nga pala, required mag-audition ang lahat ng magba-bar dito pero hindi lahat eh matatanggap. Hehehe.
- Balagtasan - Kung gusto niyong maging Pinoy talaga ang Bar exams, bakit hindi niyo ipag-deliver ng talumpati ang mga examinees. As in, with matching malunggay sa tenga na pagkatapos eh ipansasahog sa sinigang ng nanay nila. Hehehe. At ang bumaluktot ang Tagalog, patay. Naku, sa rule na yun, marami ang ligwak. Hehehe.
Pero kung anupaman ang maging format ng test na yan (mapa-Excel, Word, Powerpoint o Frontpage. Hehehe), sana eh hindi magkaroon ng leakage. Ang mabuti pa, gawin niyo na lang yung mga traditional na pangongodigo tulad ng pagdidikit ng kodigo sa ceiling o sa likod ng proctor o yung paglalagay ng kodigo sa sapatos. Ingat ka nga lang at baka hindi mo kayanin ang amoy ng kodigo mo kapag nilabas mo na mula sa sapatos. Hehehehe.
Babushka Major!
Posted at 07:52 pm by cpaultorreiro
Permalink
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Ano ang pangalan ng segment sa Game Na Game Na kung saan si Roderick Paulate ang host?
Must Visit Blogsite of the day: www.freearcade.com (kapag wala kayong magawa at gusto niyo mag-laro na lang)
Quote for the Day: "Ketchup ba, Del Monte na!" - yung bata sa commercial ng Del Monte Sweet Blend Ketchup
LSS Song of the Day: Ang Disyembre ko ay malungkot pagkat miss kita (very OFW ang kanta. Hehe)
Horoscope for the Day: Hindi sila nandiyan habang-buhay para labhan ang mga damit mo. Kung ganun, hindi ka rin dapat maligo habang-buhay para wala na silang lalabhan.
Junk Food of the day: M & M Choco Balls
Consumer product of the day: Zesto Milk-O (Milk made even better)
Quote of the Day 2: "Mga bata, alin nga ba ang naiiba sa mga ito?" - Ate Sienna
TV Show of the day: RSVP (hosted by Ariel Ureta, Ai-Ai de las Alas and Dawn Zulueta)
Cartoon TV show of the day: Undersea Monkeys
Movie of the day: Joe Pring story
Family Computer Game of the day: Paperboy
Recording Artist of the day: Kulay (sana mag-reunion sila)
PBA Import of the day: Askia Jones (na buwakaw lang ng sobra. Hehehe)
PBA Local Player of the day: Cadel Mosqueda
MBA Player of the day: Rolly Basilides, Laguna Lakers
Actor of the day: Minyong
Actress of the day: Angel de la Cruz (aka Judiel Nieva)
Posted at 06:08 pm by cpaultorreiro
Permalink
Wednesday, September 26, 2007
Dahil malapit na lang laban ni Pacquiao, heto ang isang entry mula sa archive ko
Wearing white with flames. Afraid, umaapoy ang trunks niya. Haha.
Noong Linggo, nagbunyi ang karamihan ng Pilipino (dahil may mga pumusta kay Solis kaya karamihan is the right term) sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao. Tumigil na naman ang lahat sa pagtatrabaho (at sa pagkamit ng krimen) para masaksihan ang ating pambansang kamao na lumaban kay Coloradito. Pero, marami ang hindi nasiyahan sa ipinakita ni Manny. Dapat tapos na daw ng mas maaga pa sa 8th round ang laban.
Maraming nasabi ang mga sports analysts kung bakit 8th round na nagawang patumbahin ni Pacquiao si Solis. Malamang eh alam din natin ang mga rasong ito dahil napanood natin ito sa TV kaya hindi ko na kailangan i-elaborate ang mga dahilan nito. At tsaka, hindi ako nandito para mag-analyze ng laban na iyon. Iba ang mga na-obserbahan ko. Kung ano, heto:
- Sa tatlong 'anthem singers,' nakakabilib na si Geneva Cruz na ang pinakamagaling sa kanila. As in, siya lang yung hindi sumablay sa pagkanta. Halata yung pagka-sintunado nung kumanta ng anthem ng Mexico at USA. Well, that goes to show na magaling ang mang-aawit na pinoy. Pero mas maganda sana kung kasama ni Geneva sina Tony Lambino, James Coronel at Jeffrey Hidalgo. Malay mo, yun ang mag-spark ng reunion ng Smokey Mountain. Hehehe.
- Si Lito Camo eh nasa special seats. As in, kitang-kita na katabi siya ni Jinky Pacquiao at napapasigaw din siya ng 'Manny! Manny!' kapag sumisigaw ang audience. Hmm, I wonder lang kung siya ang kumanta ng national anthem natin ano? Magiging masaya ang mood nito at kailangan eh may kasama itong paggiling. At ang lyrics? paulit-ulit lang dapat para mas madaling maalala ng madla. Parang ganito: "Bayan, Bayan, Magiliw-gilw. Bayang Magiliw, Perlas ng Sini-langan Alab ng puso (to the tune of Sexbomb's Bakit Papa. Hehe)" Also, I wonder kung binigyan ni Lito Camo si Jinky ng Datu Puti Jumbo pack habang nakaupo siya sa tabi. Well, sagana naman siya dun.
- Si Jake Joson, nasa Team Pacquiao. Alam ko na ang unang reaksyon niyo: Sino si Jake Joson? My gosh, saan kay nagsususuot noong dekada 90. Naging some tanyag din si Jake Joson bilang isang artista. Marami din siyang nagawag pelikula and yes, kamag-anak niya ang mga Joson ng Nueva Ecija. Hmm, siguro nandun siya kasi namimiss niya ang aksyon pelikula. Kaya lang sa boxing, walang baril, walang bala, walang bodega at walang satsat bago kayo magbirahan.
- Si Gerry Penalosa nandun din. Proud moment yun na makikita mo minsan sa isang shot ang ating dalawang kampeon. Sayang lang at nadaya siya sa huling laban niya. Paano ba naman daw, binigyan niya ng sobrang daming GSM ang mga hurado (Remember, taga Barangay Ginebra siya dati at kasama si Efren Viernes. Hehe) kaya ayun, nawala sa katinuan ang mga hurado, nalasing kaya nagkanda-duling duling sila. Hehehe.
- May slight improvement ang English skills ni Manny. Of course nandun pa rin ang kanyang 'Yeah, yeah' pero mas mabuti na lang na hindi gaanong naiintindihan ang kanyang English. Haay, naimagine ko lang tuloy kung manalo man siya at makipag-talumpati siya sa mga matatas na kongresista. Mukha lang siyang na-knock out kung ganun. Pero ha, ang word of the match eh 'grugeh'. Ito yung pagkakadescribe niya sa sitwasyon ni Solis matapos siyang matamaan ng malakas na suntok niya. Gets? Grugeh? Accent kasi eh. Hehe.
- Si Hermie Rivera, hindi kasama sa punch-by-punch commentators sa mismong Solis-Pacquiao fight. Pero doon sa stand-upper, nandun siya. Hindi kaya marunong siya mag-Kastila tapos nagkataon na may sakit yung isang commentator ng Mexican TV kaya siya na lang muna ang pinag-cover. Eh dinner date with Thalia daw ang kapalit kaya ayun, pumayag yata si Manong Hermie. Hehehe. Pero di nga, nasaan si Manong Hermie ng mga panahong iyon? Hmm, pwede rin siguro na nag-cutman muna siya ni Manny, ano? Hehe.
- May joke na kumalat bago ang laban. Di ba, sabi ni Morales sa SMB commercial nila ni Pacquiao: "Wala kang katulad, Manny." Kapag nanalo naman daw si Solis, magkakaroon din daw ng commercial ang Corona Extra Beer ng Mexico. At ang catch phrase? "Wala kang katulad, Solis." Hehehe.
- May nagkasaksakan dahil sa pustahan sa labanang ito. Aba, sinung mag-aakala na may mas bubrutal pa pala sa nangyari sa ring ng Alamodome sa araw na iyon. Hmm, baka akala kasi ng pumusta eh si Lolit Solis ang kalaban ni Pacquiao kaya siguro eh umatras siya. Ayun, nagalit siguro yung kapustahan kaya sinaksak siya.
- Pangarap daw ni Manny na makalaban muli si Barerra or si Marquez. Kaya lang, pabiro niyang sinabi na bakit hindi na lang silang dalawa. Hmm, some WWE match in the making, handicap match itembang? Hehe. Pero huwag ka, may eepal daw for Manny (ayon sa aking formulated script. hehe): ang contingent ng Pinoy Wrestling. Pero huwag ka, eepal din ang mga Lucha Libre wrestlers ng Mexico for Barrera and Marquez. Haay, Royal Rumble: RP vs. Mexico? Mukhang mas exciting yun. hehe.
- Ayon kay Michael Buffer, white with flames ang trunks ni Manny. Gosh, ang init nun ah. Hehe. At um, hindi gaanong mahaba ang 'Let's Get Ready to Rumble' phrase ni Buffer. Or baka hindi ko lang narinig dahil ang lakas ng audio sa coverage. As in, may maririnig ka pang mga naguusap na Mexicano sa background. Akala ko tuloy Dora the Explorer ang pinapanood ko. hehe.
- At ang huling observasyon, ang ganda ng cellphone ni Aling Dionisia! Kinunan siya ng footage na tumatawag siya kay someone at ang ganda na lang ng model ng phone niya. Hmm, kamusta na lang yung cellphone siguro ni Jinky ano, may Manny Tracker siguro yun para alam niya kung nasaan si Mister. Hehehe.
O di ba, ang dami kong analysis na nanggaling sa laban ni Pacman at El Coloradito (na maraming nag-akala na taga Colorado daw si Solis. Hehehe). Well, masaya din kasing tumingin sa ibang eksena sa labas ng boxing match. Pero, hindi ko lang malaman kung Darlington o Ikspid ang gamit niyang midyas. Hehehe. But you know, i fights real hard and when i punched him a couple, he went grugeh and i go for it, ya know. Hehehe.
Babushka Major!
Posted at 06:53 pm by cpaultorreiro
Permalink
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Sino ang nagsabi ng 'Sa pag-unlad ng bayan, bisikleta ang kailangan?'
Must Visit Blogsite of the day: http://www.odd-info.com (for more unusual but intriguing trivia)
Quote for the Day: "Tell me who your friends...and i'll tell you who my friends are."
LSS Song of the Day: Ako'y babalik na sa aking mahal na probinsya. Hindi na baleng tawaging babaeng promdi!
Horoscope for the Day: Hindi sila nandiyan habang-buhay para labhan ang mga damit mo. Kung ganun, hindi ka rin dapat maligo habang-buhay para wala na silang lalabhan.
Junk Food of the day: Orange Sweets
Consumer product of the day: Rabbit Eraser (na may gray at white side. yung gray eh pang ballpen daw)
Quote of the Day 2: "Don't worry, everything is under control" - Vandolph (Bata Batuta)
TV Show of the day: The Police Hour
Cartoon TV show of the day: Julio at Julia: Kambal ng Tadhana
Movie of the day: Mano Po 3 ("Ikaw kabit, ako legal wife" (in chinese accent of course)) - Zsa Zsa Padilla
Family Computer Game of the day: Joust
Recording Artist of the day: Rockstar 2 (may Rockstar 3 ba?)
PBA Import of the day: Derrick Canada
PBA Local Player of the day: Jay Mendoza
MBA Player of the day: Rene Alforque (Cebu Gems)
Actor of the day: Patrick dela Rosa
Actress of the day: Arlene Tolibas
Posted at 06:17 pm by cpaultorreiro
Permalink
|