cpaultorreiro
September 22nd 1985  (Age 24)
Male
Cainta
   

<< October 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31


Visit ka-CHIKKA-han

Sino ang mokong na sumusulat sa blog na ito?

Si LALF bilang clapper boy/girl

Another video by this blog's author. And this time, bakla kung bakla ang movements

Pinoy Top Blogs | Ranking the Philippine Blogosphere Webring
Join | Ring Hub | Random | Prev | Next

Add to Technorati Favorites


Find more music like this on ka-CHIKKA-han

Mga Kapatid sa Pananampalataya

Spike Lee

Susan Africa

Gin Pomelo Breakdown

Bulol Lang

Feeling Ely Buendia

Mr./Ms. Hahaha.

Armida Siguion-Reyna

DM ng Star Circle Quest

Babae ni Adrian

Alvin Patrimonio

ACo, ACo, puro na lang ACo

Letty Celi

Skraminator

Somayyah Sarip Abdullah

Maila Gumila

Jojo A, All the Way

Sam Milby

Shayne, make me beautiful

The Dean's Special Someone

Grefalda

Play Peeptin
get peeptin @ flooble

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Monday, October 08, 2007
Papara-Pacquiao (hindi lang pang-boksing, pang-lambingan din. Huh!? Hehehe) - Postscripts from his win

Ibang klase ang GMA 7! Isipin mo, halos talunin nila ang haba ng isang gabi ng parangal sa coverage nila ng Pacquiao-Barrera 2! Halos limang oras tumagal ang buong coverage nila at yung mismong laban nila, dalawang oras na kaagad yun! Isang basketball game na yata yun ah. At dahil dun, mukhang susuko na ang TV namin kasi nanood pa ako ng ue-dlsu naman.

Ang masama nun, alam ko na yung resulta bago pa nagsimula yung telecast. Kaya ang nasabi ko na lang sa sarili ko: 'shet, ang galing ng commercials ano, ang gaganda!' Hehehe. Pero, sa limang oras na yun, nagmistulang cable channel ni Manny ang GMA 7 dahil parang hindi nawala sa screen ang mukha niya (feeling ko extra din siya dun sa commercial ni Ronnie Rickets eh).

Pero oh well, tapos na ang laban na yun at tumaas na naman ang crime rate sa Pilipinas. Bukod dun, marami rin ang nainis kasi hindi napatumba ni Pacman si Barrera. Well, at least naging matalinong boksingero siya sa laban na ito at anu ba, a win is a win ano. Parang ano lang yan eh, kapag nakapulot ka ng tiket sa lotto at it turns out na nanalo ka ng jackpot.

Ok, alam kong sawa na tayong lahat kay Pacquiao kaya sige, tatapusin ko na muna ang usapan tungkol sa kanya. Hayaan na lang natin ang mga tsismoso sa mga plaza na magpatuloy ng diskusyon habang naglalaro sila ng dama at naghuhugas sila gamit ang tubig sa fountain sa gitna ng parke.

Pero siyempre, kailangan maganda ang pagtutuldok natin sa 'Will To Win'. Kaya heto ang postscript ko, LALF style!

  • In fairness, pulido ang performance ni Mama Kyla ng 'Lupang Hinirang'. As in, walang nota na nagising na lang kanina at nag-decide na mag-show up sa sandaling iyon. At maganda rin na hindi niya binirit sa dulo dahil kung ganun, mabuting nanonood na lang ako ng concert niya sa Araneta. At isa pa, wala masyadong kulot sa pagkanta niya (mukhang nagpaunat ang vocal chords niya before the gig. Gig? Hehehe)
  • Congrats nga pala kay Michael Farinas ng Gubat, Sorsogon for winning his undercard match. Wow, second round KO! At sa lakas ng suntok niya, mukhang sa liblib na lugar na yata ng kagubatan pinulot yung kawawang Mexicano. Again, congrats, Mike. Sana gumaling ka pa!
  • Sabi ng iba, nandun daw si Christian Bautista sa ring side ng Mandalay Bay. Siyempre, sumabay siya sa pagkanta ng Lupang Hinirang. Kaya lang, sa bandang dulo, heto yung lines na nakanta: "Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta...Sa pinoy care, walang tatalo, pinoy care handog mo sa mundo."
  • Mabalik ako kay Kyla. Perfect din ang saya niya. Mukhang pinagkagastusan. Pero, obvious na hindi si Kuya Germs ang designer ng nasabing damit dahil halos walang sequins sa costume niya eh. Hmm, siguro para hindi masayang yung damit, ano kaya kung yun na rin ang isuot niya sa kasal nila ni Rich Alvarez? Kaya lang, malas nga pala kung nasuot mo na yung trahe de boda before the wedding ano. For that, why not basketball uniform na lang ni Rich ang suotin nila? Hehehehe.
  • Gumanda ang itsura ng trunks ni Pacman (Nike na kasi eh. Hehehe) kahit na 'red with flames pa rin ito'. Yes, umaapoy pa rin ang trunks niya kaya nag-init din ang kamao niya. At in fairness, hindi na nagmukhang classified ads ang trunks niya dahil kokonti na lang ang ads dito. Or baka, may konsepto na ng lay-out sa trunks niya si Manny at nalaman niyang 'less is good'. Hehehe.
  • Sa trunks ulit ni Pacquiao, pwede na sigurong i-auction yung mga luma niyang trunks. At ang proceeds ng auction, mapupunta kay Ara Mina...shet, sorry, tapos na pala ang isyu na yun. Or is it? Hehehe. Maganda siguro kung for a good cause mapupunta ang earnings ng auction...or maganda ring pambili ng bagong panabong ni Manny ang mga ito. At sigurado, isang toneladang Thunderbird din ang mabibili niya dito.
  • Bago ang weigh-in para sa laban nila ni Barrera, half-a-pound overweight si Pacquiao kaya kinailangan niya itong ipiga. No, hindi siya nagpalaba para mapiga at hindi rin siya nagpa-spin dry (obvious ba. Hehehe). Apparently, kaya pala nag-overweight si Manny dahil ang diet niya eh Chicken McDo at Dolly Tuna. Sino nga naman ang hindi magga-gain weight nun di ba. Kaya ayun, para mapiga ang half a pound na yun, he was put on a diet kung saan Alaxan lang ang pwede niyang kainin. Ito rin ang dahilan kung bakit hyper pa rin si Pacquiao after 12 rounds at mukha lang siyang nagsho-shooting para sa bagong commercial ng Dolly Tuna (kung saan irelevant lang siya sa ad. Hehehe)
  • Ang ganda ng sapatos ni Manny, as in. Kaya I wonder, ibebenta rin kaya ito sa Plaza Fair, Zenco Footsteps or worst, sa Quiapo? Alam mo naman ang Pinoy, magaling manggaya. Hehehe. At dahil likas na businessman ang Pinoy, baka nga magbenta pa sila ng Pacquiao masks eh (as in, yung party masks ng mga bata. Isipin niyo, mukha niya tapos may butas sa may parteng mata at bibig, ayun na! Hehehe)
  • Naubusan daw ng tubig ang corner ni Pacquiao. Mabuti na lang at nandun si Jet Li sa ringside. Ang ginawa niya, tumambling siya papunta sa corner ni Barrera, nag-iwan siya ng rosas dun and at the same time, ninakaw niya yung mga water bottles ni Barrera. Siyempre, ito na lang ang nasabi ni Barrera: 'Great move!'. Sabi na lang ni Jet Li: '(sensya na, chinese language eh kaya hindi ko ma-translate)'
  • Akalain mo, nasa ringside pala si Richard Gutierrez? Anung malay natin, baka pala tinusok niya ang ugat pak niya kay Manny kaya naman naging maganda ang performance ng Pambansang Kamao.
  • At isipin mo ulit, si Chris Tiu nandun din. Ewan ko lang kung nakunan siya ng kamera pero kung nakunan man, mawawala ang mata ng mga kababaihan at badinger z sa ring at sa kanya na ang titig nila. Hmm, no wonder ang kinis din ng mukha ni Manny kasi nabigyan yata ni Chris ng Master by Eskinol si Pacman. Hehehe
  • As usual, nakatagal si Manny ng 12 rounds dahil sa Motolite na nakakabit sa puwet niya. Before the fight daw, fully charged na yun. At ito ang dahilan kaya tumagal si Manny. Oh di ba, kumbinsing!
  • After ng laban na ito, magkakaroon ng bagong commercial ang San Miguel Beer featuring Pacquiao, Morales at Barrera. Ang eksena: magtatalo si Barrera at Morales kung ano ang mas masarap, Strong Ice o Light. Eh dahil true rivals nga ito, maga-away talaga sila hanggang magdugo ang mga mukha nila. Gagamitin pa nilang weapons ang mga bote ng beer na makikita nila. So, you're wondering kung ano ang role ni Pacquiao? Wala lang, taga-awat ng away pero masasapak siya ng dalawa. Oh di ba, wala talagang katulad ng SMB, real life drama. Hehehe
  • Hindi rin bago ang ginamit na kanta sa entrance ni Pacquiao kasi yun din ang ginamit niya sa Pacquiao-Morales 3. Mabuti naman at tumigil na tayo sa pagpipilit na recording artist si Pacquiao. Pero anung malay mo, baka ngayong nanalo siya, baka may pumatol na naman at pakantahin siya...with Ara Mina as her duet partner! Haay, isyu another! Hehehe.
  • Or better yet, bakit hindi na lang nila ibalik ang commercial niya ng Magic Sing or i-release na lang nila ito as a single. At least, may bagong entrance song si Pacquiao sa susunod niyang laban. Hehe. Siyempre, habang pumapasok siya sa ring, may mga sumasayaw sa likod niya na kumakanta rin ng 'Extreme, Extreme Magic Sing.' Hehehe. Or for more, pa-tumblingin lang nila ng fatale si Jet Li para mas maganda ang commercial. Hehehe.
  • Hindi naman sa kinapos si Manny pero parang hindi niya ibinuhos ang lahat sa laban na ito. Kaya pala, wala nang Cafe Puro sa shorts niya. Kaya pala medyo kinapos siya, kulang siya sa kape. Hehehe.
  • Mabalik ako sa shorts niya. Kung wala lang mga abubot yun at ititira lang yung design niya, magandang ibenta yun bilang beach shorts. Or kung ayaw tanggalin ng Motolite ang ad nila kapag naisip nga ng Nike na ibenta yun, eh di ganito na lang: sa bawat purchase mo nung shorts, may libre kang baterya ng kotse. Oh di ba, what an incredible offer! Call 890-2345 right now! Our operators are standing by to take your calls! We accept all major credit cards, check and COD. Hehehe.
  • And to top it all up, siyempre, mawawala ba naman ang post-fight interview kay Pacquiao. As usual, natuwa na naman ako sa English niya na kahit mga translator eh mahihirapan isalin. Hehehe. 'You know, i was kirpul of Barira dat way i care of my pantses and u no, i rispek hem.' Haay, wala na ang paborito kong Pacquiao word: GRUGEH! Hehehe.

After all's said and done, magaling talagang boksingero si Manny. Huwag lang sana siyang magpadala sa superstar life niya dito sa Pinas at mas magiging magaling pa siya. Ang mabuti pa, bakit hindi na lang siya maging talent manager at i-launch niya ang career ng kapatid niyang si Bobby para naman hindi ito napag-iiwanan at para hindi lang Ikspid socks ang afford nito. Or better yet, i-manage niya ang career (or ang buhay) ni Ara Mina. Isyu! Hehehehe.

Babushka Major!


____________________ of the day

Jologs Question of the Day: Ano ang pangalan ng spaceship/baril ni Shaider?

Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (for more publicity and for more publicity. Hehehe)

Quote for the Day: "ChichahotpriskaKNORR!"

LSS Song of the Day: Hindi ko kaya ang limutin kita, masdan mong lumuluha ang aking mga mata

Horoscope for the Day: Roses are red, violets are blue. Ang tanga mo naman, pano naging violet ang blue?

Junk Food of the day: Boogeyman Crunch

Consumer product of the day: YC Bikini Brief

Quote of the Day 2: "Alaska's so good, Alaska's so right. Put Alaska into your life."

TV Show of the day: Villa Quintana

Cartoon TV show of the day: Saber Rider

Movie of the day: Tag-ulan noon at ang bukid ay basa

Family Computer Game of the day: Contra (tip: kapag ubos na buhay mo, press A-B)

Recording Artist of the day: Dyords Javier

PBA Import of the day: Lamont Strothers

PBA Local Player of the day: Jenkins Mesina

MBA Player of the day: Maui Huelar (Negros Slashers)

Actor of the day: Maui Roca (Tropang Trumpo, remember? Hehe)

Actress of the day: Cynthia Luster


Friday, October 05, 2007
World Records ba? Aba, hindi magpapahuli ang Pinoy diyan (part 1)

Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, lagi tayong nakakarinig o nakakabasa ng records. Sa school, may transcript of records. Sa larong kanto ng basketball, may mga records din daw. At ang ang security guard, laging may hawak na record book na nagsisilbing bibliya niya (or doon siya nagfa-FLAMES paminsan-minsan. Hehehe)

Pero sa lahat ng records na mae-encounter mo (hmm, ano kaya ang itsura ni record in person ano? Hehehe), wala na yatang lulupit sa mga world records. Aba siyempre naman, hawak mo ang isang titulo na sinusubukan higitan ng maraming tao (or maybe hayop) sa mundo. At dahil diyan, uuwi ka na lang na basag-basag ang bintana ng kotse mo or may sulat kang matatanggap na nagsasabing 'Ilalabas ko ang sex scandal mo kapag hindi mo ako pahahawakin nung record'. Kapag nangyari yun, ganito ang i-reply mo: 'o sige, ilabas mo. basta ba hahatian mo ako sa rev share eh?' Hehehe

Hindi naman masama humawak ng world record, mapa-sport record pa ito o Guiness. Nagiging masama lang ito kung parang buong buhay mo eh pag-break na lang ng records ang ginagawa mo. Tulad na lang ng mga fiesta dito, may longest longanisa, longest human chain, largest salad bowl, largest kakanin at ang favorite ko....ang longest line! Swear, lumalabas ang pagiging competitive ko sa longest line to the point na talagang nagbulsa ako ng lubid one time para lang may pandagdag. Hehehe.

Sana lang, hindi sa pagbuwag ng mga rekord nakatuon yung mga kapistahan or any other celebration natin. Sana, yung tipong may mapapala tayo afterwards. Sana, pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo. Sana may pagmamahalan. Sana pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo (and yes, hindi po lyrics ng kanta yan. Hehehe)

Pero tutal nabanggit na rin lang ang records, marami pang Guiness records ang kaya natin ma-achieve if we hold on together for i know our dreams will never die. Hehehe. Oo, tama ang nabasa niyo! Kung akala niyo eh nauubusan na tayo ng categories, nagkakamali kayo.

So, gusto niyo malaman yung mga categories na pwede pa natin makuha? Heto ang listahan ko:

  • Longest Dialogue ng isang taong naghihingalo na - Alangya, sa mga dialogue pa lang ng pelikula natin, wala nang tatalo sa Pinoy eh! Sus, eh isang page ba naman ng script ang kailangan mong kabisaduhin, deveinst? At kung may nominees man, puro mga pinoy din yan. Sayang lang at hindi kasama si Palito sa nominees (pero come to thing of it, naghihingalo is the operative word and not dead man walking. Hehehe)
  • Pinakamahabang pagsasabi ng 'Happy Birthday' - Hindi ko lang alam kung sino man ang praning na nagpa-uso ng larong ito. In fairness, mabenta pa rin ang larong inimbento niya. At dahil din sa larong ito, dumadami ang inaatake sa lung center. Paano ba naman, nakapagyosi tapos magha-Happy Birthday ng walang hingahan. Talagang masasaktan ka nun. At ang maganda pa pala sa record na ito, maraming bata ang pwedeng maging holder nito basta mauuto lang sila ng parents nila na sumali.
  • Most Good Morning Towels in a country - Sus! Wala na talagang tatalo sa atin dito. Eh sino ba naman sa atin ang walang Good Morning Towel (na you can also use at night. Hehehe). Baka nga pinapangak tayong na may Good Morning Towel sa katawan eh. Hehehe
  • Most Actor/Politician in a country - Halos lahat na yata ng mga aktor natin eh nagpupulitika eh. Pero buti na lang, hindi lahat sa kanila eh nagtatagumpay. Pero come to think of it, in a few year's time, pwede na rin magkaroon ng That's Entertainment pero puro pulitiko ang umaarte (at nagpapagalingan sa palakihan ng Bazooka bubble. hehehe). Pareho din lang naman yun eh.
  • Most Politican/Actor in a country - Wala lang, binaliktad ko lang. Sabi ko nga, ganun din naman yun eh.
  • Most Sequins in a TV host's attire - Nabanggit na rin lang ang That's Entertainment, banggitin na rin natin ang nag-iisang Master Showman (walaaaaaaaaannnnggg! tulugaaaaaaaaaaaaaaan! Hehehe). Sus, may hihigit pa ba sa dami ng sequins sa mga kasuotan niya eh halos maubos nga yata ang ganun sa Divisoria para lang mapuno ang damit niya. Hehehe. Dahil diyan, mahirap na hindi makita si Kuya Germs sa gitna ng maraming tao at kaya rin pala wala siyang parol sa bahay kasi kapag sinabit niya sa labas ang mga damit niya, mas maliwanag pa sa parol ang effect. Hehehe. Hmm,ano kaya kung every episode ng Master Showman may 'Hulaan ang Sequins' contest? Hehehe
  • Most extras at the back of a TV reporter - Dito ako bilib sa Pinoy eh. Kahit na nasunugan o nanakawan o kung ano pa man sakuna ang nangyari sa kanila, nakukuha pa rin nilang kumaway sa likod ng reporter. At yung mga batang lalake, nagpo-pogi pose pa. Hehehe. At minsan, mamalasin ang TV network sa MTRCB kasi may eepal na walang salawal. Hehehe. Kaya lang, mahihirapan ang Guiness na bilangin ang eksaktong dami kasi kahit yung mga taga-kalapit na barangay, makiki-epal din basta malaman na may camera.
  • Pinakamahabang pasko sa mundo - Oo, alam naman ng karamihan sa atin na mahaba talaga tayong mag-celebrate ng Pasko (kahit walang pera, nagce-celebrate pa rin tayo. Hehe). Pero, hindi lang mula September hanggang unang linggo ng January ang Pasko natin. Sa totoo lang, all-year round ang Pasko natin. Bakit? Kasi may mga magulang na nagpapaalala pa rin na 'Hoy, hindi mo niregaluhan yung anak ko noong pasko' or 'Ano ka ba, dalawang taon na hindi nakakatanggap ng regalo ang anak ko from you.' At sa mga ganitong panahon, gusto mo na lang lumipad parang superhero para lang makatakas mula sa mapait na mundo. Hehehe.
  • Most Keith Martin posters in a country - Tayo na lang yata ang bansang tumatangkilik kay Keith Martin. Or, bet pa ba natin siya? Or, dobol lang kaya ni Keith Martin ang nasa Pilipinas? We'll find out when we come back for a commercial break.

O siya mga mama mga papa mga lola mga tita mga kung anu-ano pa, iyan muna ang mga records natin so far. So far away yet so near, therefore, the equilibrium of the horizon is above our consciousness. Huh? Ano yun? Saan nanggaling yun? Hala, minumulto yata ang mga daliri ko! NOOOOO! Hehehe

Babushka Major!


Thursday, October 04, 2007
KBA, All The Way (pasintabi kay

Patindi ng patindi, paganda ng paganda, palawak ng palawak, pataas ng pataas. Spaghetting pataas, pataas ng pataas. Spaghetting pababa, pababa ng pababa. Get Get Awwww!

That's right, dumadami na naman ang sumasaling mga koponan sa ating malupit at exciting na liga, ang KBA (A! A! A! A! Sensya na ha, that's how I portray echoes eh. Hehehe)

Sa susunod na season ng liga ng Pinoy, dadami na naman ang aabangan niyong koponan. Heto ang mga bagong salta ng KBA (A! A! A! A! A! A! A!)

  • Matina ang Matibays
  • Navotas ang Brief Kos
  • Sulu Tan Ng Jowas
  • Tawi-Tawi Po (at ang mga players nila, mga lamang-lupa)
  • Jala-Jala Lagot Ka
  • Imus Increase my Busts
  • Agusan Ka Patungos
  • Lemery and Ivory (manager: Stevie Wonder)
  • Sta. Rita Avilas
  • Ipil Skin Peels
  • Sarrat Traps
  • Binondo Quando Quando
  • Sultan Kudarat Kidlats
  • Currimao Zedongs
  • Baclayon Kuya Ko
  • Agoo Di Ngas
  • Commonwealth is Health
  • Greenhills are alive with the Sound of Musics
  • Cagayan Yan Chocolate Dips
  • Caba (La Union) Caba Chameleons (manager: Boy George aka George Estregan Jr. Hehehehe)

Ayan na, tumatalbog na ang bola. At kasabay nito, tumatalbog ang mga tseke! Ang saya di ba? Kaya abangan niyo na ang pagbubukas ng bagong season ng inyong liga, ang KBA!

See posters and print ads for details. If symptoms persist, consult your doctor. Wow, what an incredible offer! Call 890-2345 right now. Our friendly operators are standing by to take your calls. We accept all major credit cards, check and COD. Call 890-2345 right now. At yun nga, see posters and print ads for details.

Babushka Major!


____________________ of the day

Jologs Question of the Day: Sa Mexican version ng Marimar, ano ang pangalan ng mayamang negosyante na nanligaw kay Marimar?

Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (for more publicity and for more publicity. Hehehe)

Quote for the Day: "Hopya, Mani, Popcorn, MAXX!"

LSS Song of the Day: From a distance, the oceans chovalyn and the chovalyn chova

Horoscope for the Day: Marami kang maibabahaging ideya sa inyong meeting. Kaya lang, advanced yata ang mga naisip mo dahil para sa susunod na project pa ang sinasabi mo.

Junk Food of the day: Captain Sid Butong Pakwan

Consumer product of the day: Pepsodent Pepso-Squeezer

Quote of the Day 2: "Aru, dugo-dugo gang kayo nu!" - PLDT Commercial

TV Show of the day: Mia Gracia

Cartoon TV show of the day: Ulysees 31 (sobrang tanda!)

Movie of the day: Paraiso ni Adan

Family Computer Game of the day: Mach Rider (kung saan nadudurog ang motorsiklo mo kapag nabangga ka)

Recording Artist of the day: Thalia (na may sariling version ng 'Nandito Ako')

PBA Import of the day: Kenny Redfield (na naging import na yata ng halos lahat ng team sa PBA. Hehehe)

PBA Local Player of the day: Braulio Lim

MBA Player of the day: Dean Labayen (Negros Slashers)

Actor of the day: Ardy Aquino

Actress of the day: Sarah Polverini


Wednesday, October 03, 2007
____________________ of the day

Jologs Question of the Day: Sa isang Jollibee commercial, ano ang pangalan ng manikang nawawala? (Haay, ang dali na nito ah!)

Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (katatayo lang nito. hehehe)

Quote for the Day: "MAAAAAAAXXXXXXXXSSSS!"

LSS Song of the Day: Pagkat saan ka man naroroon, pintig ng puso ko'y para sa iyo.

Horoscope for the Day: Magigising na lang siya isang araw at malalaman niyang hindi ka pala niya mahal. Hindi pala kayo talo dahil same sex ang gusto niya.

Junk Food of the day: Aleli's Shing-A-Ling

Consumer product of the day: Salem Bed

Quote of the Day 2: "Kanina ko pa hinihintay yan ah!" - Gary V, Max's commercial

TV Show of the day: Saturday Night Playhouse

Cartoon TV show of the day: Gummi Bears (ang tanda!)

Movie of the day: Paracale Gang

Family Computer Game of the day: Rampage

Recording Artist of the day: Lady Diane

PBA Import of the day: Brandon Williams

PBA Local Player of the day: Manny Victorino

MBA Player of the day: Jan Montalbo (Cebu Gems)

Actor of the day: Lester Llansang

Actress of the day: Georgia Ortega


Tuesday, October 02, 2007
Tatay na si Zaido...Zaido Marudo. Hehehe. Or pwede rin Zoraido Sanchez. Hehehehehe. Or better yet, Zaido Cerrudo. Ah potah pilit na! Hehehe

Nagtatanggal pa ako ng muta sa mata kaninang umaga nang sabihin ng kapatid ko ang maituturing kong quote for the day:

"Kuya, tatay na si Dennis Trillo!"

Uy ha, let's get things straight. Witchelsea marie ko beta carotene itembang manchurian candidate na anaz ah. Hehe. Wala lang, nakakagulat lang kasi parang kelan lang eh nahihiya pa siyang makipag-kissing scene kay Tanya Garcia sa 'Twin Hearts'. Tanda potah! Hehehe.

At ngayon, daddy na siya. Wow! Congratulations, Dennis. At least, hindi ka na lying alone with your head on the phone and thinking of Carlene till it hurts. Hehehe. At dahil din diyan, napatunayan mo na you're all out of love as well. Hehehe. At habang tina-type ko ang paragaraph na ito, naisip ko lang na baka kaya umulan kanina eh dahil ngayon lang natanggap ng mga angels na daddy na nga si Dennis.

Aba anung malay natin, bet din pala nila si Mr. Trillo. Kaya ayun, sabay-sabay silang umiyak kanina dahil sa sama ng loob (hmm, kaya siguro lasang mascara ang ulan kanina kasi galing sa mata ng angels. Hehehehe, nilasahan. Hehehe). Pero bilib din ako noh, nagla-lag pala ang mga mensahe patungong langit. Hehehe.

So yun, wala na tayong magagawa dahil tatay na nga siya ni Calex Andrea Ho. All we can wait for eh kung kelan ipapalabas sa GMA 7 ang coverage ng kasal nila ni Carlene Aguilar. Hehe. And speaking of that, may nakuha kaming insider info: 'Lupang Hinirang' daw ang gustong gawing theme song ng soon-to-be married couple at si Christian Bautista ang napili nilang kumanta. Hahahaha.

Pero dahil malikot ang utak ko (swear, malikot talaga siya as in. Para siyang bulate. Hehehe), sumagi na naman sa isip ko ang tanung na ito: "Paano kaya kung hindi talaga si Dennis Trillo ang ama ng ipinagbuntis ni Carlene?" Oo alam kong parang imposibleng mangyari yun pero what if lang. For that, baka ang headline sa Abante Showbiz bukas eh 'Dennis Trillo, baog!' Huwag naman sana para hindi bumaba ang market value niya. Hehe.

So mabalik nga ako. Galing ano, ang dami kong recovery shots. Hehehe. O yun nga (o yan isa pa), ano kaya kung hindi si Dennis Trillo ang ama. Kung sino, heto ang listahan ng sa tingin ko eh ama ng batang iyon:

  • Freddie Aguilar - Wala lang, pareho kasi silang apelyido ni Carlene eh. Anung malay natin at matagal na pala silang kasal at ang kantang 'Anak' pala eh dedicated sa sanggol na iyon. Oh di ba, makes sense (para sa mga praning siguro oo)? Hehehe.
  • Alexander Graham Bell - Pwede din siya ang partner in life ni Carlene kasi tignan mo nga yung pangalan: Calex. Alexander, Calex. Oh di ba malapit ang pangalan nila?
  • Alex Crisano - wala lang, for more name basis. Hehehe. Pero kung sakaling siya nga, kawawa naman si Carlene at baka maubos lang ang pera niya sa mga tatu ni Alex na may sariling buhay yata. At bukod diyan, baka magawan pa siya ng scandal.
  • Alex Boncayao - Hehehe. Ganun din. Hehehe. At parang ayokong maging totoo to at baka maging terrorista pa ang bata. hehehe.
  • Manny Pacquiao - Hay naku, kelan ba darating ang araw na walang isyu kay Pacman. Ngayon, may Ara Mina na, may Carlene Aguilar pa. Pero malamang nagtataka din kayo kung bakit siya kasama dito. Well, para nang kay Alexander Graham Bell, nasa pangalan kasi yan eh: Calex, oh di ba parang short for Alaxan (para sa bayan ang prisyo na tu! Hehe)
  • Yung may-ari ng Holland Hopia - Sabi ng marami, Mr. Po daw ang pangalan ng may-ari ng Polland Hopia at Mr. Ho ang owner ng Holland Hopia. Diyan pa lang, potential suspect na siya dahil Ho ang apelyido ng bata. Grabe ano, nananahimik lang siya sa paggawa ng hopia, nasangkot pa siya. Hehehe.
  • Yung may-ari ng Ho Tsin Ho - same reason as the Holland Hopia owner but this time, mas sigurado ka lang na may Ho talaga ang pangalan niya dahil dalawang beses niya pa inulit ito. Hehehe.
  • May-ari ng Caltex, whoever he is - Oh di ba, binawasan lang ng 't' at yun na yung pangalan ng bata. Pero para ma-solidify nga ang claim na si Mr. Caltex owner nga ang ama ng bata, amuyin niyo yung bata. Kung amoy diesel siya nung lumabas, aba no doubt, confirmed! Hehehe.
  • Stanley Ho - Sabi sa isang interview with Carlene before, before pa, isang Chinese businessman daw ang ama. Oh di ba, tumpak lang na baka ng si Stanley Ho ang father of the child kasi bukod sa apelyidong Ho eh Chinese businessman pa siya. Hmm, kayo na ang bahalang humusga dito. Just type HUSGA <space> sagot niyo and send ito as a comment in the post. Hehehehe.
  • Santa Claus - Paano tumawa si Santa Claus? "Hohohoho!" Enough said. Hehehehe. Ibang klase si Santa ano, sumusuot sa tsimineya hindi lang para mag-iwan ng regalo, para din mag-iwan ng bata. Hahaha. 'I Saw Carlene Kissing Santa Claus' nga kaya ang nangyari? Stay tune and find out when we come back from a commercial break! Hehehe.

Pero Dennis, kung nababasa mo ito (hindi naman siguro malabo ang mata mo. Hehehe), sport lang ah! Alam naman nating lahat na ikaw talaga ang ama niyan eh. Swear, nag-text pa nga sa akin si Carlene eh using her Mobiline phone....(at sa puntong ito, nagising na lang daw ako. Aba, nananaginip lang pala ako na tinext nga ako ni Carlene. Sayang, rereply-an ko na naman sana siyang 'asl please'. hehehe.

Babushka Major!


Abalos is lost, labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya. Sa paligid-ligid ay puno ng linga.

Kahapon lamang...

Tayo ay nagsumpaan at sabi mo pa ako'y di mo iiwan. Tenenentententen. Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin! Hehehehe.

Ay wait, masyado na yata akong nadadala ng videoke endeavor ko kagabi. Pero hindi ko kinanta yan ah. Actually, 'Delilah' ni Tom Jones ang binanantan ko kasi naka-isang case na yata ako ng beer. Hehehe. I saw the light that was chova a chova the window. Hehehe.

Hay seryoso na nga! (At sumabog si Lawrence dahil nagseryoso siya. tapos na ang blog entry, sorry. Joke lang. Hehehe). O game. Yun nga, kahapon lang eh umalingawngaw na parang wang-wang ng ambulansya ang balitang nagbitiw na si Benjamin Abalos bilang Comelec chairman. For that, malamang magkakaroon ng bagong chairman ano unless i-abolish na lang ang Comelec tapos daanin na lang sa lakas ng palakpak ang botohan. Hehehe.

So un, ano man ang sabihin niyang dahilan ng kanyang pagre-resign, hindi pa rin maiaalis ang angulo (yes, umaanglo si Abalos anez, 180 degrees! Hehe) na kabilang nga siya sa kontrobersyal na ZTE national broadband deal. Tanung pa nga ni Jamby Madrigal (Jajajajamby, jajajajamby Madrigal!), "Are you willing to fall?" Hehehe.

Tiyak na marami tayong kuro-kuro kung bakit siya nagbitiw. Isa na siguro diyan eh dahil hindi siya nakikinig ng Spongecola sa phonograph niya ('Huwag kang bibitiw bigla, huwag kang bibitiw biglahahah.' Gets mo na kung bakit? Hehehe). Pero sari-sari man ang reasons niya, maiiwasan sana ito kung hindi na siya allegedly sumawsaw pa sa deal na iyon. Kung sa bagay, ano nga naman ang ginagawa niya doon bilang Comelec chair hindi ba? Hmm, pero on second thought, baka nag-graduate ng short computer course si Ben sa Informatics at para makatipid ang gobyerno, siya na rin ang ginawang Presidential Adviser on Computer Chorvanes. Hehehe.

So mabalik lang ako, hindi na nga dapat siya sumali doon. Sana pumunta na lang siya sa China para manood ng mga shaolin o kumain ng siopao na may cardboard daw. Pero sa kabilang dako, hindi rin naman kailangan ng gobyerno ang ZTE deal eh. Kung broadband kyeme lang ang problema, magagawan ng paraan yan. After all, maparaan naman tayo eh.

Kaya heto ang mga proposed steps ko bilang alternative sa nationwide broadband

  • Bumili na lang sila ng maraming internet card tapos mag-dial up na lang sila - Ano ba naman yung 30 pesos for five hours na net card di ba? (Shet, halatang ISP Bonanza user ako ah. Hehehe). O kung gusto nila, makipag-tie up na lang sila sa mga ISP companies para may sponsor sila ng internet connection. Tapos ang maganda pa niya, maki-tie up na rin sila sa mga gumagawa ng DOTA para mas happy. Hmm, ano kaya itsura ni PGMA kapag napatay yung hero niya ano? Hehehehehe.
  • Mag-internet cafe na lang sila - Sus, ang dami nga naman internet cafe diyan sa tabi-tabi, bakit hindi na lang sila maki-renta ng unit dun. And for more confidentiality, eh di dun sila sa mga private room pumili ng unit para hindi malaman ng ibang tao ang confidential data ng gobyerno. Kaya lang, siguraduhin na trabaho ang gagawin ah at hindi pakikipagchat with webcam or worst.......... Hehehehe.
  • Bumili ng maraming diskette - Dahil obsolete na ang diskette, tiyak na mas mura pa yata ito sa bubble gum. Hehehe. Pero yun nga, eh di i-diskette na lang nila lahat ng ipapadala nilang files tapos ipa-cargo na lang nila para makarating sa patutunguhan. Pero sana, siguraduhin nila na government files ang naipadala nila at hindi yung mga titilating pics ni PGMA. Haay, kapag nagkataon, kakalat na parang virus yan.
  • Smoke signal na lang, ok din naman yun eh - Kung magpapadala din lang sila ng mga mensahe, eh di gumamit na lang sila ng smoke signals. Huwag niyo na lang itaon sa Fire Prevention Month ang pagpapadala ng mensahe at baka maguluhan ang code reader ng kabila. Baka imbes na national budget ang ma-pick up niya, baka ang makuha niyang mensahe eh tibo pala si Mahal. Afraid yun di ba? Hehehe.
  • Ipadala ang mensahe sa pamamagitan ng runner - Old-fashioned kung old fashioned. Pero at least, maraming kababayan natin ang magkakaroon ng trabaho. Kaya lang, siguraduhin niyo na walang sideline ang kukunin niyong runner. Baka kasi bukod sa pagtakbo ng mga hard copy ng mga important messages to any point of Luzon (parang jeep lang yun ah. Hehehe), baka nagdedeliver din siya ng 'tawas' sa mga 'maiitim...ang budhi (or kili-kili maybe. Hehehe)
  • Mental Telepathy - Ito na siguro ang pinaka-cheap na paraan kung paano magpadala ng files from one office to another. Pero isipin mo na lang, di ba astig ang kalalabasan kung walang mali sa pinadala mo? Hehehe. Pero naisip ko rin, wala nga palang government officials ang hindi nagbabangayan so hindi magiging effective 'to. O siya, balik na lang tayo sa internet cards. Hehehe.

Hay naku, ang mabuti pa, gamitin na lang nila yung pera para sa broadband chorvanes na yan sa pagpaparami ng computer units sa mga paaralan. Oo nga maabilidad ang Pinoy pero pagdating naman sa computer literacy, olats! At ayaw niyo ba nun: mas maraming computers, mas maraming magiging computer literate......and the best part, dadami ang hackers at mga hustler sa DOTA. Hehehe.

Babushka Major!


____________________ of the day

Jologs Question of the Day: Ano ang tatak ng iodized salt na inendorso noon ni L.A. Lopez?

Must Visit Blogsite of the day: http://kachikkahan.ning.com (the online tambayan of chikka employees)

Quote for the Day: "Kunin mo na ang lahat sa akin..." (Eh di sige. Sabi mo eh. Hehehe)

LSS Song of the Day: La la la la labada pag 3d! 3d saves you time and energy

Horoscope for the Day: Bukas, hindi ka na sisikatan ng araw dahil magkakaroon na kayo ng bubong. Sa wakas, hindi mo na gagamit ng tolda tuwing umuulan. Aba, umaasenso ka ah!

Junk Food of the day: Besuito Fried Prawn Crackers (ang tanda! Hehehe)

Consumer product of the day: Agfa HD film (na pinamimigay ni Kuya Germs sa mga guest niya)

Quote of the Day 2: "What did they did..." - Tracy Torres

TV Show of the day: Home TV Shopping (with Sonny Cortez and Hazel Preclaro)

Cartoon TV show of the day: Si Mary at ang Lihim na Hardin

Movie of the day: Tamis ng Unang Halik

Family Computer Game of the day: Shufflepuck Cafe (na hayop sa galing na lang magpa-banda ng mga kalaban mo)

Recording Artist of the day: Raquel Tuazon

PBA Import of the day: Stanley Rose (Sunkist)

PBA Local Player of the day: Marlon Basco

MBA Player of the day: Chandler Donaldson (and mind you, hindi siya import. Hehe)

Actor of the day: Gino Antonio

Actress of the day: Lek-lek


Monday, October 01, 2007
Law? Law ba kamo? Hay naku, mahihi-LAW ka lang sa kababasa ng cases anow! Law-makwatsa na lang tayo buti pa.

Kailan lang, napadaan ako sa may Taft Avenue. Tapos, may nakita akong isang lalake na kahit maganda yung suot niya eh tila may saltik yata. So yun, nilapitan ko siya at kinausap ko. Siyempre, tinanung ko kung sira-ulo niya siya. At naku, nagulat ang lola niyo nang sabihin ng manchurian candidate na itembang na 'objection your honor, hindi ako baliw!'

Sa sinabi niyang yun, naliwagan na ako. Wala nga naman siyang toyo sa utak, nag-take lang naman siya ng Bar Exams.

Ok ok, hindi totoo yung ikinuwento ko sa taas (wala lang akong maisip na lead. hehehe). Pero kung tutuusin, marami ka ngang maririnig na hindi kumakain, natutulog at hindi namamaintain ang katinuan ng isip dahil sa kare-review para sa Bar. Hay naku, isa lang naman ang solusyon diyan: sa Gapuz kayo mag-review at tiyak papasa kayo. Hehehehe.

Anyway, so yun nga, mahirap nga daw makapasa sa Bar Exams kasi hindi rin basta-basta ang exam na ito. Aba, kung test nga naman tungkol sa batas ng Pilipinas yan, mahirap dapat yan. At kung yung mga tanung nga ni Edu Manzano sa Game Ka Na Ba eh hindi masagot, eto pa kaya.

Kaya dahil dito, bilib ako sa mga law student na nagsusunog ng kilay (hmm, which reminds me, si Bella Flores kaya, law student noon? Hahahaha) para sa pagsusulit na ito. After all, dito nakasalalay kung dapat nga silang tawaging abogago...este attorney pala. Hehehe.

Pero sa totoo lang, hindi niyo talaga kailangan gawin yan. Kung ako ang tatanungin, marami pa naman ibang paraan kung paano dapat gawin ang bar exam. Sige, tanungin niyo ako. Game, tanungin niyo ako. Dali, tanungin niyo ako! HOY, TANUNGIN NIYO AKO SABI EH! Hehe. Pero mabalik lang ako, ito ang listahan ko kung paano mapapasaya ang Bar Exams.

  • Game Ka Na Ba - Nabanggit na rin lang ang Game Ka Na Ba, bakit hindi gawin game show format ang Bar Exams. Pero babala sa mga viewers, baka ito na ang pinakamatagal na game show sa balat ng mundo dahil sa kao-object ng mga contestants at ng game master na si Mr. Chief Justice mismo. Isipin mo kunwari ang tanung: 'Ano ang nauna, itlog o manok?' Siyempre, sasagot yung contestant kung ano sa tingin niya yung tama. Pero hindi pa siya kaagad makakapasok sa next round dahil tiyak may objection pa si Chief Justice.
  • Game Ka Na Ba (part 2) - So un, magtatalo sila hangga't sa basahin ng clerk ng korte kung sino ang tama na base na rin sa desisyon ng audience na puro judges, attorneys, lawyers, etc. Hmm, siguro cute kung mangyari ito kasi makikita natin sumayaw ng 'Papaya' ang mga judges. Oh di ba, exciting? At isa pa, hindi ka rin kaagad makakapagpa-atras ng kalaban o maaaring umabante dahil tiyak mag-aapela ang kalaban mo. At alam mo naman dito, mabagal ang giling ng hustisya. Hehehe.
  • Quiz Bee - Patterned after the traditional Quiz Bees (with matching illustration board, chalk at basahan para pambura ng illustration board, wala na yatang mas sasaya pa sa ganitong format dahil makikita mong nagche-cheer ang mga kaklase at mga magulang ng contestants. Siyempre, may three rounds: easy, average and difficult. May time limit sa bawat sagot at pwede mo pa rin i-apela ang sagot mo kung sinasabi nilang mali ka. At siyempre, dahil late darating ang mga judges (na judges nga in real life at sanay na ma-late sa mga hearing), huwag kayong magulat kung ma-televise ito ng live pagkatapos ng Master Showman. Hehehe.
  • Essay Writing Contest - Simple lang ang tanong: 'Sa Tingin mo, bakit pages sentences lang ang explanation nito (may word na 'lang' kasi mahihilig nga magsulat ng mahahabang reports ang mga lawyers). Kaya sa entry na ito, ilabas na nila ang lahat ng dapat nilang ilabas at i-point out na nila ang dapat nilang i-point out. At para sa mga gustong mandaya ng pages, may standard font na dapat gamitin: Arial, 8 pt, condensed 2 pt. Ang mandaya, siyempre lilitisin ang kaso at siyempre mat-TV (ay parang mas gusto ko yung ganun trail. Hehe)
  • Text Promo - Ito na siguro yung pinaka-madali at pinaka-kikitang paraan ng bar exam. Siyempre, magre-register ang mga examinees na parang ganito 'send BAR ON to 1234'. After which, makakatanggap sila ng Bar Exam logos and picture messages. After that, matatanggap din nila ang exam question of the day. Magre-reply sila with the correct answer sa nasabing access code. Tapos, paramihan ng points ang labanan. Yung top 1000 examinees lang ang papasa at may chance manalo ng gavel na gawa pa sa kamagong. Hehehe. Kaya dali, text na! And by the way, see law profs and Supreme Court justices for details. Hehehehe.
  • Poster Making Contest - Wala lang, for more grade school moments lang. If possible, mas maganda pa kung per group ang labanan (so ang isang group eh may 2, 346 members or more. hehehe). Simple lang ang gagawin nila: ipapakita nila sa isang poster kung bakit ang grupo nila ang dapat maging bagong lawyers. Pinakamagandang poster, panalo. At pagdating naman sa style, bahala ang mga students. Kung gusto nila gumamit ng glitters, sequins, popsicle sticks, cutouts or freehand drawing, nasa kanila na yun. At siyempre pa, ipapaskil sa bulletin board ng Supreme Court ang winning piece.
  • Reality show, again - Hindi ko malaman kung bakit kahit hindi na kumikita ang reality shows dito sa Pinas, tuloy pa rin ang paggawa natin nito. Oh well, baka nga naman ito kumita. At dahil law students ang participants, asahan mo na ang mga bangayan nila eh tungkol sa SCRA, Penal Code, Civil Code, Da Vinci Code, Morse Code, etc. Siyempre, may matatanggal kada week. At paano pipiliin kung sino ang matatanggal? Parang 'The Contender' ang atake: one participant from the losing and winning team ang maghaharap not in a boxing ring but in a court room. Tapos may case at hand tapos dapat manalo sila sa kaso. Ang matatalo, tanggal na. At nga pala, required mag-audition ang lahat ng magba-bar dito pero hindi lahat eh matatanggap. Hehehe.
  • Balagtasan - Kung gusto niyong maging Pinoy talaga ang Bar exams, bakit hindi niyo ipag-deliver ng talumpati ang mga examinees. As in, with matching malunggay sa tenga na pagkatapos eh ipansasahog sa sinigang ng nanay nila. Hehehe. At ang bumaluktot ang Tagalog, patay. Naku, sa rule na yun, marami ang ligwak. Hehehe.

Pero kung anupaman ang maging format ng test na yan (mapa-Excel, Word, Powerpoint o Frontpage. Hehehe), sana eh hindi magkaroon ng leakage. Ang mabuti pa, gawin niyo na lang yung mga traditional na pangongodigo tulad ng pagdidikit ng kodigo sa ceiling o sa likod ng proctor o yung paglalagay ng kodigo sa sapatos. Ingat ka nga lang at baka hindi mo kayanin ang amoy ng kodigo mo kapag nilabas mo na mula sa sapatos. Hehehehe.

Babushka Major!


Next Page