|
|
 |
Monday, October 15, 2007
Berto, ano ang chemical symbol ng tubig? BERTO: Mam, eh di HIJKLMNO! GURO: Berto, mali ang sagot mo. BERTO: Teka mam, imposibleng mali ako. Kayo na nagsabi na H to O ang simbolo ng tubig. NGEEEEE!
Sa kasaysayan ng aking pagbo-blog, ngayon lang yata ako nagkaroon ng entry na kung saan ang title eh pwede nang tumayong blog post. Hehehe. Langya no, ang haba. Kasi naman eh, wala akong maisip na title para sa post na ito kasi nakita ko ang picture ni Marian Rivera kani-kanila lang (Haay, this must be love).
Anyway, kung inaakala niyong tungkol sa jokes ang post na ito, nagkakamali kayo. Well, sige, para mapadali ang buhay niyo, bibigyan ko kayo ng clue tungkol sa topic na ito: five letter word siya na nagsisimula sa B. O, alam mo na ba ang sagot? Wait, may narinig na akong nagsabi ng correct answer! Anung hula mo, TUBIG ang tamang sagot? Well my friend, ikaw ang bigatin, pasok ka na! (Ingatan mo lang na huwag ma-stampede, alam mo naman...Hehehe)
Hmm, siguro nagtatanong kayo kung bakit tungkol sa tubig ang paksa ko ngayon (ang lalim ng pinaghugutan ng paksa. Hahaha). Parang imposible naman ang lola niyo eh naging advocate ng green peace (or naging meter reader ako ng nawasa). Sa totoo lang, baka ang cause ko pa ang kailangan i-advocate ng nature dahil hindi nila alam kung paano nakapasok ang baliw na tulad ko sa ecosystem.
Pero seriously, mahalagang mapag-usapan natin ito hindi dahil dugyot ang mga tauhan sa ilang tindahan ng mineral water (Huli sa Bitag!) kung hindi in the year 2025 daw (which is 504 years after March 16, 1521 when the Philippines was discovered by Magellan. Hehehe), magkakaroon na daw ng kakulangan ng supply ng tubig sa Pilipinas
Ayon sa report ng National Water Board, posibleng pinaka-maapektuhan ang Baguio at ang Kamaynilaan. At kaya ngayon pa lang eh nagsusulputan na ang mga water refilling stations na yan na parang bula sa 23-step purification process. Hehehe.
Pero, this is no laughing matter. Kung walang tubig, isipin mo na lang kung gaano karaming living things ang maapektuhan. Isipin mo na lang ang mga pananim ng mga magsasaka. Isipin mo na lang yung mga naglalaro ng basketball na ice tubig ang pustahan. At, isipin mo na lang yung mga tomador na gin-pomelo ang paboritong tunggain. Hehehe
Kaya ngayon pa lang, pinagsasabihan na tayo na magtipid sa tubig. At para may guide kayo kung paano gawin ito, heto ang ilan sa mga hakbang na pwede niyong gawin.
- Kapag nag-toothbrush ka, huwag ka na lang mag-mumog. Lunukin mo na lang yung mga toothpaste at tiyak na matatanggal din ang tartar at plaque sa lalamunan mo (teka, may tartar at plaque ba sa lalamunan? Hehehe)
- Or better yet, huwag ka na lang mag-toothbrush, may mouthwash naman eh.
- Gumamit na lang kayo ng paper plates at plastic spoon, forks and cups sa tuwing kakain kayo para wala nang hugasan. At for more kaartehan, magpagawa ka na rin ng pabitin, magyaya ng klown at maglabas ng boom box at may children's party ka na. Hehehe
- Magpa-car was ka na lang ng kotse para hindi sayang ang tubig niyo. At tsaka doon, mas malaki ang tsansa na makakita ka ng gwapo or maganda. Oh di ba, water is life and water can bring you a love life. Kakakilig ng fatale anez? Hehehe.
- Huwag ka na uminom ng tubig ever, mag-softdrinks or beer ka na lang. Humanda ka nga lang dahil either diabetes o liver failure ang maging sakit mo. Kaya for best results, pigaan mo ng ampalaya ang softdrinks mo to balance the equation. Hehehe.
- Bilang isang pamilya, sabay-sabay na kayo maligo. Eh ano naman kung makita mo ang anatomy ng kapamilya mo, di ba? Tsaka at least, tipid kayo ng sobra sa tubig at makakapag-practice pa kayo ng singing voices niyo as a choir.
- Kung maliligo ka man bilang solo flight, pagkasyahin mo ang pampaligo mo sa isang tabo lang. Tapos, gawin mong motivation para dito ang allowance mo. Kapag sumobra ka, wala kang allowance, ganun! Oh di ba exciting?
- Or huwag na lang kayo maligo at all at bumili na lang kayo ng sangkatutak na immitation na pabango sa Quiapo. Uy, pahinga ako ah! Hehehe.
- Or better yet, itodo mo na ang pagligo mo tuwing tag-ulan para hindi ka na maliligo sa tag-araw. Hehehe.
- Or para mas makapal lang ang mukha mo, makiligo ka na sa kapitbahay mo habang nagdidilig siya ng mga halaman.
- Speaking of halaman, subukan niyo kayang bigyan ng Gatorade or Red Bull o kahit ng steroids ang plants niyo at baka lumaki rin ito. Huwag ka nga lang magtaka kung mag-ambisyon bigla ang mga tanim mo na maging atleta or maging driver (Romy Sison, bus driver ng Victory Liner papuntang Baguio: "Sa bus, diesel. Sa driver, Red Bull! Hmm, and for that alam kaya ni Mang Romy kung nasaan na si Emil Mortifero? Hahahahaha)
- Kapag uminom kayo ng tubig habang naga-almusal o hapunan, ipunin mo ulit yung mga natirang tubig sa baso at ibalik mo sa pitsel. Tapos, pakuluan mo na lang ulit yung tubig para maging malinis ulit.
- Siguraduhing nakabukas ang mga timba niyo kapag umuulan para makasalok kayo ng tubig. Kung puno na ang mga timba niyo, ilabas niyo na rin yung mga lalagyan niyo ng ulam at kahit yung lunchbox ni junior dahil pandagdag tubig din iyon.
- Kung nauuhaw ka, lunukin mo na lang ang laway mo. Pareho din naman ang effect nun at makakatipid ka pa ng pambili sana ng softdrinks.
- Gamitin mo ng paulit-ulit ang tubig na pinanlaba mo. At dahil dito, baka maging sikat na fashion designer ka pa dahil magkakaroon ka ng puting damit na may shades of red, blue, green, black, etc. Oh di ba, san ka nakakita ng Rainbow Brite-inspired shirt, anez?
- Or better yet, huwag na lang kayong maglaba. Wisikan niyo na lang ng Glade ang mga damit niyo tapos plantsa kaagad at tiyak mukhang maganda pa rin ito.
- Kaskasin mo na yung mga yelo sa freezer mo bago ka pa mag-defrost tapos ilagay mo sila sa radiator ng kotse mo para kapag natunaw yun eh puno ang valve mo.
- I-uwi mo na rin yung mga natirang tubig sa baso mo at sa mga baso ng kasama mo sa tuwing kakain kayo sa labas.
- Kung fan ka ng mga marathon, triathlon or cycling, huwag niyo na abutan ng tubig yung mga participants. Instead, i-hug niyo na lang sila at ipakita niyo kung gaano niyo sila kamahal (may ganun? Ano to, Love Notes? Hehehe)
- And last but not the least, gawin niyo na lang yelo lahat ng tubig niyo tapos gawin niyo na lang tubig ulit kapag kailangan niyo na. Oh di ba cool, literal lang na cool. Hehehe.
Pero kung hindi niyo man magawa ang mga iyan, mauuwi tayo sa sandamakmak na magugulang na mga water trucks na akala mo eh Evian ang nasa tangke nila at ang mahal ng rates nila. Kaya kung ako sa inyo, kilalanin mo na lahat ng water truck people na umiikot sa lugar niyo at kaibiganin niyo na or better yet, landiin niyo na para libre ang tubig niyo pagdating ng shortage. See, totoo nga na water is life and water can bring you lovelife. Hehehe.
Babushka Major!
Posted at 09:10 pm by cpaultorreiro
Permalink
Isang linggong walang post
Lunes, nabasa ko ang last post mo
Martes, tinamad yatang mag-type to
Miyerkules, naubusan ka ng ideas, I know!
Huwebes, nandiyan ka ba, hello!
Biyernes ay puno ng kawalan mo. Mga puso namin ay sadyang nag-iiyakan
Sabado, nanigas na yata ang kamay mo
At pagsapit ng linggo, alam niyo naman na day-off ko.
O kay bilis ng aking pag-update
Hindi pag-update sadyang kay bilis din
Nagulat akong may bago kang blog post
Pero wala na naman for one week
O kay sakit na wala kang update
Ikaw na lang ang nagpapa-utot sa akin
Kaya heto na, may update na ako
At baka sa isang iglap ay...mawala rin lahat.
Babushka Major!
Posted at 09:06 pm by cpaultorreiro
Permalink
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Ano ang memory-enhancing tablet na inendorso ni Eugene Torre noon?
Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (for more publicity, for more publicity and for more publicity another. Hehehe)
Quote for the Day: "Kung mukhang imposibleng paputiin, Tide ang gamitin."
LSS Song of the Day: Alaala noong tayo'y mag-sweetheart pa. Namamasyal pa sa Luneta kahit walang peraaaaaahhhhhh!
Horoscope for the Day: Eenie Meanie Minie Mo, Mamili ka na at bilisan mo. Ang hirap kasi sa iyo, ang dami mong kinokolektang tsiks eh. Eh kung humanap ka na lang kaya ng pangit at ibigin mong tunay (break it down!).
Junk Food of the day: Richee
Consumer product of the day: Caress Nail Polish, for magic moments
Quote of the Day 2: "If it stays strong, it has to be a gem."
TV Show of the day: Hapi House
Cartoon TV show of the day: Talespin (o iye, o iyo!)
Movie of the day: Kambal sa Uma
Family Computer Game of the day: Balloon Fight (na nagtataka ka na lang kung paano naho-hold sa ere ng tatlong lobo ang isang tao)
Recording Artist of the day: Bert Dominic
PBA Import of the day: Kennard Winchester
PBA Local Player of the day: Jon Ordonio (na nakilala lang dahil kamukha niya si Kobe Bryant...pero hanggang mukha lang ang comparison sa kanila. Hehehe)
MBA Player of the day: Dindo Pastor (Socsargen Marlins)
Actor of the day: Bimbo Bautista
Actress of the day: Ivy Isidoro
Posted at 08:54 pm by cpaultorreiro
Permalink
Monday, October 08, 2007
Papara-Pacquiao (hindi lang pang-boksing, pang-lambingan din. Huh!? Hehehe) - Postscripts from his win
Ibang klase ang GMA 7! Isipin mo, halos talunin nila ang haba ng isang gabi ng parangal sa coverage nila ng Pacquiao-Barrera 2! Halos limang oras tumagal ang buong coverage nila at yung mismong laban nila, dalawang oras na kaagad yun! Isang basketball game na yata yun ah. At dahil dun, mukhang susuko na ang TV namin kasi nanood pa ako ng ue-dlsu naman.
Ang masama nun, alam ko na yung resulta bago pa nagsimula yung telecast. Kaya ang nasabi ko na lang sa sarili ko: 'shet, ang galing ng commercials ano, ang gaganda!' Hehehe. Pero, sa limang oras na yun, nagmistulang cable channel ni Manny ang GMA 7 dahil parang hindi nawala sa screen ang mukha niya (feeling ko extra din siya dun sa commercial ni Ronnie Rickets eh).
Pero oh well, tapos na ang laban na yun at tumaas na naman ang crime rate sa Pilipinas. Bukod dun, marami rin ang nainis kasi hindi napatumba ni Pacman si Barrera. Well, at least naging matalinong boksingero siya sa laban na ito at anu ba, a win is a win ano. Parang ano lang yan eh, kapag nakapulot ka ng tiket sa lotto at it turns out na nanalo ka ng jackpot.
Ok, alam kong sawa na tayong lahat kay Pacquiao kaya sige, tatapusin ko na muna ang usapan tungkol sa kanya. Hayaan na lang natin ang mga tsismoso sa mga plaza na magpatuloy ng diskusyon habang naglalaro sila ng dama at naghuhugas sila gamit ang tubig sa fountain sa gitna ng parke.
Pero siyempre, kailangan maganda ang pagtutuldok natin sa 'Will To Win'. Kaya heto ang postscript ko, LALF style!
- In fairness, pulido ang performance ni Mama Kyla ng 'Lupang Hinirang'. As in, walang nota na nagising na lang kanina at nag-decide na mag-show up sa sandaling iyon. At maganda rin na hindi niya binirit sa dulo dahil kung ganun, mabuting nanonood na lang ako ng concert niya sa Araneta. At isa pa, wala masyadong kulot sa pagkanta niya (mukhang nagpaunat ang vocal chords niya before the gig. Gig? Hehehe)
- Congrats nga pala kay Michael Farinas ng Gubat, Sorsogon for winning his undercard match. Wow, second round KO! At sa lakas ng suntok niya, mukhang sa liblib na lugar na yata ng kagubatan pinulot yung kawawang Mexicano. Again, congrats, Mike. Sana gumaling ka pa!
- Sabi ng iba, nandun daw si Christian Bautista sa ring side ng Mandalay Bay. Siyempre, sumabay siya sa pagkanta ng Lupang Hinirang. Kaya lang, sa bandang dulo, heto yung lines na nakanta: "Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta...Sa pinoy care, walang tatalo, pinoy care handog mo sa mundo."
- Mabalik ako kay Kyla. Perfect din ang saya niya. Mukhang pinagkagastusan. Pero, obvious na hindi si Kuya Germs ang designer ng nasabing damit dahil halos walang sequins sa costume niya eh. Hmm, siguro para hindi masayang yung damit, ano kaya kung yun na rin ang isuot niya sa kasal nila ni Rich Alvarez? Kaya lang, malas nga pala kung nasuot mo na yung trahe de boda before the wedding ano. For that, why not basketball uniform na lang ni Rich ang suotin nila? Hehehehe.
- Gumanda ang itsura ng trunks ni Pacman (Nike na kasi eh. Hehehe) kahit na 'red with flames pa rin ito'. Yes, umaapoy pa rin ang trunks niya kaya nag-init din ang kamao niya. At in fairness, hindi na nagmukhang classified ads ang trunks niya dahil kokonti na lang ang ads dito. Or baka, may konsepto na ng lay-out sa trunks niya si Manny at nalaman niyang 'less is good'. Hehehe.
- Sa trunks ulit ni Pacquiao, pwede na sigurong i-auction yung mga luma niyang trunks. At ang proceeds ng auction, mapupunta kay Ara Mina...shet, sorry, tapos na pala ang isyu na yun. Or is it? Hehehe. Maganda siguro kung for a good cause mapupunta ang earnings ng auction...or maganda ring pambili ng bagong panabong ni Manny ang mga ito. At sigurado, isang toneladang Thunderbird din ang mabibili niya dito.
- Bago ang weigh-in para sa laban nila ni Barrera, half-a-pound overweight si Pacquiao kaya kinailangan niya itong ipiga. No, hindi siya nagpalaba para mapiga at hindi rin siya nagpa-spin dry (obvious ba. Hehehe). Apparently, kaya pala nag-overweight si Manny dahil ang diet niya eh Chicken McDo at Dolly Tuna. Sino nga naman ang hindi magga-gain weight nun di ba. Kaya ayun, para mapiga ang half a pound na yun, he was put on a diet kung saan Alaxan lang ang pwede niyang kainin. Ito rin ang dahilan kung bakit hyper pa rin si Pacquiao after 12 rounds at mukha lang siyang nagsho-shooting para sa bagong commercial ng Dolly Tuna (kung saan irelevant lang siya sa ad. Hehehe)
- Ang ganda ng sapatos ni Manny, as in. Kaya I wonder, ibebenta rin kaya ito sa Plaza Fair, Zenco Footsteps or worst, sa Quiapo? Alam mo naman ang Pinoy, magaling manggaya. Hehehe. At dahil likas na businessman ang Pinoy, baka nga magbenta pa sila ng Pacquiao masks eh (as in, yung party masks ng mga bata. Isipin niyo, mukha niya tapos may butas sa may parteng mata at bibig, ayun na! Hehehe)
- Naubusan daw ng tubig ang corner ni Pacquiao. Mabuti na lang at nandun si Jet Li sa ringside. Ang ginawa niya, tumambling siya papunta sa corner ni Barrera, nag-iwan siya ng rosas dun and at the same time, ninakaw niya yung mga water bottles ni Barrera. Siyempre, ito na lang ang nasabi ni Barrera: 'Great move!'. Sabi na lang ni Jet Li: '(sensya na, chinese language eh kaya hindi ko ma-translate)'
- Akalain mo, nasa ringside pala si Richard Gutierrez? Anung malay natin, baka pala tinusok niya ang ugat pak niya kay Manny kaya naman naging maganda ang performance ng Pambansang Kamao.
- At isipin mo ulit, si Chris Tiu nandun din. Ewan ko lang kung nakunan siya ng kamera pero kung nakunan man, mawawala ang mata ng mga kababaihan at badinger z sa ring at sa kanya na ang titig nila. Hmm, no wonder ang kinis din ng mukha ni Manny kasi nabigyan yata ni Chris ng Master by Eskinol si Pacman. Hehehe
- As usual, nakatagal si Manny ng 12 rounds dahil sa Motolite na nakakabit sa puwet niya. Before the fight daw, fully charged na yun. At ito ang dahilan kaya tumagal si Manny. Oh di ba, kumbinsing!
- After ng laban na ito, magkakaroon ng bagong commercial ang San Miguel Beer featuring Pacquiao, Morales at Barrera. Ang eksena: magtatalo si Barrera at Morales kung ano ang mas masarap, Strong Ice o Light. Eh dahil true rivals nga ito, maga-away talaga sila hanggang magdugo ang mga mukha nila. Gagamitin pa nilang weapons ang mga bote ng beer na makikita nila. So, you're wondering kung ano ang role ni Pacquiao? Wala lang, taga-awat ng away pero masasapak siya ng dalawa. Oh di ba, wala talagang katulad ng SMB, real life drama. Hehehe
- Hindi rin bago ang ginamit na kanta sa entrance ni Pacquiao kasi yun din ang ginamit niya sa Pacquiao-Morales 3. Mabuti naman at tumigil na tayo sa pagpipilit na recording artist si Pacquiao. Pero anung malay mo, baka ngayong nanalo siya, baka may pumatol na naman at pakantahin siya...with Ara Mina as her duet partner! Haay, isyu another! Hehehe.
- Or better yet, bakit hindi na lang nila ibalik ang commercial niya ng Magic Sing or i-release na lang nila ito as a single. At least, may bagong entrance song si Pacquiao sa susunod niyang laban. Hehe. Siyempre, habang pumapasok siya sa ring, may mga sumasayaw sa likod niya na kumakanta rin ng 'Extreme, Extreme Magic Sing.' Hehehe. Or for more, pa-tumblingin lang nila ng fatale si Jet Li para mas maganda ang commercial. Hehehe.
- Hindi naman sa kinapos si Manny pero parang hindi niya ibinuhos ang lahat sa laban na ito. Kaya pala, wala nang Cafe Puro sa shorts niya. Kaya pala medyo kinapos siya, kulang siya sa kape. Hehehe.
- Mabalik ako sa shorts niya. Kung wala lang mga abubot yun at ititira lang yung design niya, magandang ibenta yun bilang beach shorts. Or kung ayaw tanggalin ng Motolite ang ad nila kapag naisip nga ng Nike na ibenta yun, eh di ganito na lang: sa bawat purchase mo nung shorts, may libre kang baterya ng kotse. Oh di ba, what an incredible offer! Call 890-2345 right now! Our operators are standing by to take your calls! We accept all major credit cards, check and COD. Hehehe.
- And to top it all up, siyempre, mawawala ba naman ang post-fight interview kay Pacquiao. As usual, natuwa na naman ako sa English niya na kahit mga translator eh mahihirapan isalin. Hehehe. 'You know, i was kirpul of Barira dat way i care of my pantses and u no, i rispek hem.' Haay, wala na ang paborito kong Pacquiao word: GRUGEH! Hehehe.
After all's said and done, magaling talagang boksingero si Manny. Huwag lang sana siyang magpadala sa superstar life niya dito sa Pinas at mas magiging magaling pa siya. Ang mabuti pa, bakit hindi na lang siya maging talent manager at i-launch niya ang career ng kapatid niyang si Bobby para naman hindi ito napag-iiwanan at para hindi lang Ikspid socks ang afford nito. Or better yet, i-manage niya ang career (or ang buhay) ni Ara Mina. Isyu! Hehehehe.
Babushka Major!
Posted at 08:41 pm by cpaultorreiro
Permalink
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Ano ang pangalan ng spaceship/baril ni Shaider?
Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (for more publicity and for more publicity. Hehehe)
Quote for the Day: "ChichahotpriskaKNORR!"
LSS Song of the Day: Hindi ko kaya ang limutin kita, masdan mong lumuluha ang aking mga mata
Horoscope for the Day: Roses are red, violets are blue. Ang tanga mo naman, pano naging violet ang blue?
Junk Food of the day: Boogeyman Crunch
Consumer product of the day: YC Bikini Brief
Quote of the Day 2: "Alaska's so good, Alaska's so right. Put Alaska into your life."
TV Show of the day: Villa Quintana
Cartoon TV show of the day: Saber Rider
Movie of the day: Tag-ulan noon at ang bukid ay basa
Family Computer Game of the day: Contra (tip: kapag ubos na buhay mo, press A-B)
Recording Artist of the day: Dyords Javier
PBA Import of the day: Lamont Strothers
PBA Local Player of the day: Jenkins Mesina
MBA Player of the day: Maui Huelar (Negros Slashers)
Actor of the day: Maui Roca (Tropang Trumpo, remember? Hehe)
Actress of the day: Cynthia Luster
Posted at 08:23 pm by cpaultorreiro
Permalink
Friday, October 05, 2007
World Records ba? Aba, hindi magpapahuli ang Pinoy diyan (part 1)
Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, lagi tayong nakakarinig o nakakabasa ng records. Sa school, may transcript of records. Sa larong kanto ng basketball, may mga records din daw. At ang ang security guard, laging may hawak na record book na nagsisilbing bibliya niya (or doon siya nagfa-FLAMES paminsan-minsan. Hehehe)
Pero sa lahat ng records na mae-encounter mo (hmm, ano kaya ang itsura ni record in person ano? Hehehe), wala na yatang lulupit sa mga world records. Aba siyempre naman, hawak mo ang isang titulo na sinusubukan higitan ng maraming tao (or maybe hayop) sa mundo. At dahil diyan, uuwi ka na lang na basag-basag ang bintana ng kotse mo or may sulat kang matatanggap na nagsasabing 'Ilalabas ko ang sex scandal mo kapag hindi mo ako pahahawakin nung record'. Kapag nangyari yun, ganito ang i-reply mo: 'o sige, ilabas mo. basta ba hahatian mo ako sa rev share eh?' Hehehe
Hindi naman masama humawak ng world record, mapa-sport record pa ito o Guiness. Nagiging masama lang ito kung parang buong buhay mo eh pag-break na lang ng records ang ginagawa mo. Tulad na lang ng mga fiesta dito, may longest longanisa, longest human chain, largest salad bowl, largest kakanin at ang favorite ko....ang longest line! Swear, lumalabas ang pagiging competitive ko sa longest line to the point na talagang nagbulsa ako ng lubid one time para lang may pandagdag. Hehehe.
Sana lang, hindi sa pagbuwag ng mga rekord nakatuon yung mga kapistahan or any other celebration natin. Sana, yung tipong may mapapala tayo afterwards. Sana, pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo. Sana may pagmamahalan. Sana pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo (and yes, hindi po lyrics ng kanta yan. Hehehe)
Pero tutal nabanggit na rin lang ang records, marami pang Guiness records ang kaya natin ma-achieve if we hold on together for i know our dreams will never die. Hehehe. Oo, tama ang nabasa niyo! Kung akala niyo eh nauubusan na tayo ng categories, nagkakamali kayo.
So, gusto niyo malaman yung mga categories na pwede pa natin makuha? Heto ang listahan ko:
- Longest Dialogue ng isang taong naghihingalo na - Alangya, sa mga dialogue pa lang ng pelikula natin, wala nang tatalo sa Pinoy eh! Sus, eh isang page ba naman ng script ang kailangan mong kabisaduhin, deveinst? At kung may nominees man, puro mga pinoy din yan. Sayang lang at hindi kasama si Palito sa nominees (pero come to thing of it, naghihingalo is the operative word and not dead man walking. Hehehe)
- Pinakamahabang pagsasabi ng 'Happy Birthday' - Hindi ko lang alam kung sino man ang praning na nagpa-uso ng larong ito. In fairness, mabenta pa rin ang larong inimbento niya. At dahil din sa larong ito, dumadami ang inaatake sa lung center. Paano ba naman, nakapagyosi tapos magha-Happy Birthday ng walang hingahan. Talagang masasaktan ka nun. At ang maganda pa pala sa record na ito, maraming bata ang pwedeng maging holder nito basta mauuto lang sila ng parents nila na sumali.
- Most Good Morning Towels in a country - Sus! Wala na talagang tatalo sa atin dito. Eh sino ba naman sa atin ang walang Good Morning Towel (na you can also use at night. Hehehe). Baka nga pinapangak tayong na may Good Morning Towel sa katawan eh. Hehehe
- Most Actor/Politician in a country - Halos lahat na yata ng mga aktor natin eh nagpupulitika eh. Pero buti na lang, hindi lahat sa kanila eh nagtatagumpay. Pero come to think of it, in a few year's time, pwede na rin magkaroon ng That's Entertainment pero puro pulitiko ang umaarte (at nagpapagalingan sa palakihan ng Bazooka bubble. hehehe). Pareho din lang naman yun eh.
- Most Politican/Actor in a country - Wala lang, binaliktad ko lang. Sabi ko nga, ganun din naman yun eh.
- Most Sequins in a TV host's attire - Nabanggit na rin lang ang That's Entertainment, banggitin na rin natin ang nag-iisang Master Showman (walaaaaaaaaannnnggg! tulugaaaaaaaaaaaaaaan! Hehehe). Sus, may hihigit pa ba sa dami ng sequins sa mga kasuotan niya eh halos maubos nga yata ang ganun sa Divisoria para lang mapuno ang damit niya. Hehehe. Dahil diyan, mahirap na hindi makita si Kuya Germs sa gitna ng maraming tao at kaya rin pala wala siyang parol sa bahay kasi kapag sinabit niya sa labas ang mga damit niya, mas maliwanag pa sa parol ang effect. Hehehe. Hmm,ano kaya kung every episode ng Master Showman may 'Hulaan ang Sequins' contest? Hehehe
- Most extras at the back of a TV reporter - Dito ako bilib sa Pinoy eh. Kahit na nasunugan o nanakawan o kung ano pa man sakuna ang nangyari sa kanila, nakukuha pa rin nilang kumaway sa likod ng reporter. At yung mga batang lalake, nagpo-pogi pose pa. Hehehe. At minsan, mamalasin ang TV network sa MTRCB kasi may eepal na walang salawal. Hehehe. Kaya lang, mahihirapan ang Guiness na bilangin ang eksaktong dami kasi kahit yung mga taga-kalapit na barangay, makiki-epal din basta malaman na may camera.
- Pinakamahabang pasko sa mundo - Oo, alam naman ng karamihan sa atin na mahaba talaga tayong mag-celebrate ng Pasko (kahit walang pera, nagce-celebrate pa rin tayo. Hehe). Pero, hindi lang mula September hanggang unang linggo ng January ang Pasko natin. Sa totoo lang, all-year round ang Pasko natin. Bakit? Kasi may mga magulang na nagpapaalala pa rin na 'Hoy, hindi mo niregaluhan yung anak ko noong pasko' or 'Ano ka ba, dalawang taon na hindi nakakatanggap ng regalo ang anak ko from you.' At sa mga ganitong panahon, gusto mo na lang lumipad parang superhero para lang makatakas mula sa mapait na mundo. Hehehe.
- Most Keith Martin posters in a country - Tayo na lang yata ang bansang tumatangkilik kay Keith Martin. Or, bet pa ba natin siya? Or, dobol lang kaya ni Keith Martin ang nasa Pilipinas? We'll find out when we come back for a commercial break.
O siya mga mama mga papa mga lola mga tita mga kung anu-ano pa, iyan muna ang mga records natin so far. So far away yet so near, therefore, the equilibrium of the horizon is above our consciousness. Huh? Ano yun? Saan nanggaling yun? Hala, minumulto yata ang mga daliri ko! NOOOOO! Hehehe
Babushka Major!
Posted at 05:44 pm by cpaultorreiro
Permalink
Thursday, October 04, 2007
KBA, All The Way (pasintabi kay
Patindi ng patindi, paganda ng paganda, palawak ng palawak, pataas ng pataas. Spaghetting pataas, pataas ng pataas. Spaghetting pababa, pababa ng pababa. Get Get Awwww!
That's right, dumadami na naman ang sumasaling mga koponan sa ating malupit at exciting na liga, ang KBA (A! A! A! A! Sensya na ha, that's how I portray echoes eh. Hehehe)
Sa susunod na season ng liga ng Pinoy, dadami na naman ang aabangan niyong koponan. Heto ang mga bagong salta ng KBA (A! A! A! A! A! A! A!)
- Matina ang Matibays
- Navotas ang Brief Kos
- Sulu Tan Ng Jowas
- Tawi-Tawi Po (at ang mga players nila, mga lamang-lupa)
- Jala-Jala Lagot Ka
- Imus Increase my Busts
- Agusan Ka Patungos
- Lemery and Ivory (manager: Stevie Wonder)
- Sta. Rita Avilas
- Ipil Skin Peels
- Sarrat Traps
- Binondo Quando Quando
- Sultan Kudarat Kidlats
- Currimao Zedongs
- Baclayon Kuya Ko
- Agoo Di Ngas
- Commonwealth is Health
- Greenhills are alive with the Sound of Musics
- Cagayan Yan Chocolate Dips
- Caba (La Union) Caba Chameleons (manager: Boy George aka George Estregan Jr. Hehehehe)
Ayan na, tumatalbog na ang bola. At kasabay nito, tumatalbog ang mga tseke! Ang saya di ba? Kaya abangan niyo na ang pagbubukas ng bagong season ng inyong liga, ang KBA!
See posters and print ads for details. If symptoms persist, consult your doctor. Wow, what an incredible offer! Call 890-2345 right now. Our friendly operators are standing by to take your calls. We accept all major credit cards, check and COD. Call 890-2345 right now. At yun nga, see posters and print ads for details.
Babushka Major!
Posted at 06:02 pm by cpaultorreiro
Permalink
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Sa Mexican version ng Marimar, ano ang pangalan ng mayamang negosyante na nanligaw kay Marimar?
Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (for more publicity and for more publicity. Hehehe)
Quote for the Day: "Hopya, Mani, Popcorn, MAXX!"
LSS Song of the Day: From a distance, the oceans chovalyn and the chovalyn chova
Horoscope for the Day: Marami kang maibabahaging ideya sa inyong meeting. Kaya lang, advanced yata ang mga naisip mo dahil para sa susunod na project pa ang sinasabi mo.
Junk Food of the day: Captain Sid Butong Pakwan
Consumer product of the day: Pepsodent Pepso-Squeezer
Quote of the Day 2: "Aru, dugo-dugo gang kayo nu!" - PLDT Commercial
TV Show of the day: Mia Gracia
Cartoon TV show of the day: Ulysees 31 (sobrang tanda!)
Movie of the day: Paraiso ni Adan
Family Computer Game of the day: Mach Rider (kung saan nadudurog ang motorsiklo mo kapag nabangga ka)
Recording Artist of the day: Thalia (na may sariling version ng 'Nandito Ako')
PBA Import of the day: Kenny Redfield (na naging import na yata ng halos lahat ng team sa PBA. Hehehe)
PBA Local Player of the day: Braulio Lim
MBA Player of the day: Dean Labayen (Negros Slashers)
Actor of the day: Ardy Aquino
Actress of the day: Sarah Polverini
Posted at 05:44 pm by cpaultorreiro
Permalink
Wednesday, October 03, 2007
____________________ of the day
Jologs Question of the Day: Sa isang Jollibee commercial, ano ang pangalan ng manikang nawawala? (Haay, ang dali na nito ah!)
Must Visit Blogsite of the day: http://chovanchorvalyn.multiply.com (katatayo lang nito. hehehe)
Quote for the Day: "MAAAAAAAXXXXXXXXSSSS!"
LSS Song of the Day: Pagkat saan ka man naroroon, pintig ng puso ko'y para sa iyo.
Horoscope for the Day: Magigising na lang siya isang araw at malalaman niyang hindi ka pala niya mahal. Hindi pala kayo talo dahil same sex ang gusto niya.
Junk Food of the day: Aleli's Shing-A-Ling
Consumer product of the day: Salem Bed
Quote of the Day 2: "Kanina ko pa hinihintay yan ah!" - Gary V, Max's commercial
TV Show of the day: Saturday Night Playhouse
Cartoon TV show of the day: Gummi Bears (ang tanda!)
Movie of the day: Paracale Gang
Family Computer Game of the day: Rampage
Recording Artist of the day: Lady Diane
PBA Import of the day: Brandon Williams
PBA Local Player of the day: Manny Victorino
MBA Player of the day: Jan Montalbo (Cebu Gems)
Actor of the day: Lester Llansang
Actress of the day: Georgia Ortega
Posted at 06:32 pm by cpaultorreiro
Permalink
Tuesday, October 02, 2007
Tatay na si Zaido...Zaido Marudo. Hehehe. Or pwede rin Zoraido Sanchez. Hehehehehe. Or better yet, Zaido Cerrudo. Ah potah pilit na! Hehehe
Nagtatanggal pa ako ng muta sa mata kaninang umaga nang sabihin ng kapatid ko ang maituturing kong quote for the day:
"Kuya, tatay na si Dennis Trillo!"
Uy ha, let's get things straight. Witchelsea marie ko beta carotene itembang manchurian candidate na anaz ah. Hehe. Wala lang, nakakagulat lang kasi parang kelan lang eh nahihiya pa siyang makipag-kissing scene kay Tanya Garcia sa 'Twin Hearts'. Tanda potah! Hehehe.
At ngayon, daddy na siya. Wow! Congratulations, Dennis. At least, hindi ka na lying alone with your head on the phone and thinking of Carlene till it hurts. Hehehe. At dahil din diyan, napatunayan mo na you're all out of love as well. Hehehe. At habang tina-type ko ang paragaraph na ito, naisip ko lang na baka kaya umulan kanina eh dahil ngayon lang natanggap ng mga angels na daddy na nga si Dennis.
Aba anung malay natin, bet din pala nila si Mr. Trillo. Kaya ayun, sabay-sabay silang umiyak kanina dahil sa sama ng loob (hmm, kaya siguro lasang mascara ang ulan kanina kasi galing sa mata ng angels. Hehehehe, nilasahan. Hehehe). Pero bilib din ako noh, nagla-lag pala ang mga mensahe patungong langit. Hehehe.
So yun, wala na tayong magagawa dahil tatay na nga siya ni Calex Andrea Ho. All we can wait for eh kung kelan ipapalabas sa GMA 7 ang coverage ng kasal nila ni Carlene Aguilar. Hehe. And speaking of that, may nakuha kaming insider info: 'Lupang Hinirang' daw ang gustong gawing theme song ng soon-to-be married couple at si Christian Bautista ang napili nilang kumanta. Hahahaha.
Pero dahil malikot ang utak ko (swear, malikot talaga siya as in. Para siyang bulate. Hehehe), sumagi na naman sa isip ko ang tanung na ito: "Paano kaya kung hindi talaga si Dennis Trillo ang ama ng ipinagbuntis ni Carlene?" Oo alam kong parang imposibleng mangyari yun pero what if lang. For that, baka ang headline sa Abante Showbiz bukas eh 'Dennis Trillo, baog!' Huwag naman sana para hindi bumaba ang market value niya. Hehe.
So mabalik nga ako. Galing ano, ang dami kong recovery shots. Hehehe. O yun nga (o yan isa pa), ano kaya kung hindi si Dennis Trillo ang ama. Kung sino, heto ang listahan ng sa tingin ko eh ama ng batang iyon:
- Freddie Aguilar - Wala lang, pareho kasi silang apelyido ni Carlene eh. Anung malay natin at matagal na pala silang kasal at ang kantang 'Anak' pala eh dedicated sa sanggol na iyon. Oh di ba, makes sense (para sa mga praning siguro oo)? Hehehe.
- Alexander Graham Bell - Pwede din siya ang partner in life ni Carlene kasi tignan mo nga yung pangalan: Calex. Alexander, Calex. Oh di ba malapit ang pangalan nila?
- Alex Crisano - wala lang, for more name basis. Hehehe. Pero kung sakaling siya nga, kawawa naman si Carlene at baka maubos lang ang pera niya sa mga tatu ni Alex na may sariling buhay yata. At bukod diyan, baka magawan pa siya ng scandal.
- Alex Boncayao - Hehehe. Ganun din. Hehehe. At parang ayokong maging totoo to at baka maging terrorista pa ang bata. hehehe.
- Manny Pacquiao - Hay naku, kelan ba darating ang araw na walang isyu kay Pacman. Ngayon, may Ara Mina na, may Carlene Aguilar pa. Pero malamang nagtataka din kayo kung bakit siya kasama dito. Well, para nang kay Alexander Graham Bell, nasa pangalan kasi yan eh: Calex, oh di ba parang short for Alaxan (para sa bayan ang prisyo na tu! Hehe)
- Yung may-ari ng Holland Hopia - Sabi ng marami, Mr. Po daw ang pangalan ng may-ari ng Polland Hopia at Mr. Ho ang owner ng Holland Hopia. Diyan pa lang, potential suspect na siya dahil Ho ang apelyido ng bata. Grabe ano, nananahimik lang siya sa paggawa ng hopia, nasangkot pa siya. Hehehe.
- Yung may-ari ng Ho Tsin Ho - same reason as the Holland Hopia owner but this time, mas sigurado ka lang na may Ho talaga ang pangalan niya dahil dalawang beses niya pa inulit ito. Hehehe.
- May-ari ng Caltex, whoever he is - Oh di ba, binawasan lang ng 't' at yun na yung pangalan ng bata. Pero para ma-solidify nga ang claim na si Mr. Caltex owner nga ang ama ng bata, amuyin niyo yung bata. Kung amoy diesel siya nung lumabas, aba no doubt, confirmed! Hehehe.
- Stanley Ho - Sabi sa isang interview with Carlene before, before pa, isang Chinese businessman daw ang ama. Oh di ba, tumpak lang na baka ng si Stanley Ho ang father of the child kasi bukod sa apelyidong Ho eh Chinese businessman pa siya. Hmm, kayo na ang bahalang humusga dito. Just type HUSGA <space> sagot niyo and send ito as a comment in the post. Hehehehe.
- Santa Claus - Paano tumawa si Santa Claus? "Hohohoho!" Enough said. Hehehehe. Ibang klase si Santa ano, sumusuot sa tsimineya hindi lang para mag-iwan ng regalo, para din mag-iwan ng bata. Hahaha. 'I Saw Carlene Kissing Santa Claus' nga kaya ang nangyari? Stay tune and find out when we come back from a commercial break! Hehehe.
Pero Dennis, kung nababasa mo ito (hindi naman siguro malabo ang mata mo. Hehehe), sport lang ah! Alam naman nating lahat na ikaw talaga ang ama niyan eh. Swear, nag-text pa nga sa akin si Carlene eh using her Mobiline phone....(at sa puntong ito, nagising na lang daw ako. Aba, nananaginip lang pala ako na tinext nga ako ni Carlene. Sayang, rereply-an ko na naman sana siyang 'asl please'. hehehe.
Babushka Major!
Posted at 09:44 pm by cpaultorreiro
Permalink
|