|
|
 |
Monday, September 24, 2007
Erap, Erap, Erap (wala lang, kasi suwerte daw ang tatlo. Hehehe)
Hindi lang naman ako siguro ang nag-abang sa magiging hatol kay Erap which was just weeks ago. Sa bus nga na sinakyan ko papasok ng office, may nag-'yes!' pa noong marinig niyang abswelto ang idol niya sa perjury. Pero nung sinabing 'guilty' ang idol niya, halos maiyak na yata siya at muntik na yata niyang ngatngatin ang brown envelope na hawak niya.
Naisip ko lang tuloy kung anung meron kay Erap (bukod sa wrist band na sinusuot niya sa kanan ba o sa kaliwa?). Bakit ganun na lang siya kamahal ng mga tao. Oo, former president siya pero bakit parang mas marami pa ang nanood sa hatol niya kaysa sa mga nanood noong huling laban ni Pacquiao. Siguro, dapat nagpa-pay per view din ang mga sinehan noong araw ng hatol. Malay mo kumita nga sila.
So un, tapos na nga iyon. May mga nalungkot, may hindi. Imposibleng may mga taong walang paki-alam dahil nga sa dating puwesto ni Erap. Kahit nga mga Pinoy sa ibang bansa, nakatututok din siguro eh. At anung malay mo, may mga nagpustahan pa kung guilty o not guilty si Erap (very Pinoy ito ano. hehehe).
Pero after ng decision na yun, bukod sa nagmasid ako sa bus kung may magandang matatabihan (kaya lang wala eh), naisip ko kung anung pwedeng mangyari kung sakaling not guilty si Erap. Ano kaya kung mamumuhay na siya sa labas ng rest house niya? At ano kaya kung via text votes na lang ang resulta ng hatol ano (Text ERAP to 2366, ganun?)
May usap-usapan na ipa-pardon na lang siya. Dahil diyan, pardon me at ipapakita ko sa inyo ang mga posibleng mangyari kung absuwelto si Erap:
- Magkakaroon siya ng comeback movie - And take note, action movie eto na pinagbibidahan niya, ni Jinggoy, ni Jude Estrada (na naging artista din) at ng mga stereotypes sa isang pinoy action flick. So bale ang storya, pulis si Erap tapos may nakabangga siyang malaking tao (hindi si Bomber Moran ah though malaki yun. Hehehe). Ayun, papatayin yung pamilya niya pero gagahasain muna ang anak niyang babae ng kontrabidang naka-trench coat at walang tigil sa paghalakhak. Siyemps, gaganti siya...at siyempre sa huli pa rin dumarating ang mga pulis.
- Ibebenta ang storya ng Tanay stay and paglilitis days niya sa Magpakailanman o MMK - Aba, wala na yatang mas dadrama pa sa stay niya ano. And what better way to film it rather than Erap playing the role of himself (wow, erap english yun ah. Hehehe). At kapag nangyari yun, hulaan na lang natin kung ano ang title ng episode at baka manalo pa tayo ng ten thousand pesos. Hehehe. At siyempre ulit, kailangan isingit ang 'Magpakailanman' na word sa huli. Hehehe.
- Magiging tourist attraction ang rest house niya - Dahil bihira na lang naman nga siyang bibisita dun dahil sa Polk St. na ulit siya titira, pwedeng gawing tourist attraction ang nasabing bahay. As in, dapat may tour guide din, etc. Tapos ang linya ng tour guide: "Ito yung hinigaan ni Erap," "Ito yung kinainan ni Erap," "Ito yung crossword puzzle na sinasagot ni Erap," "Ito yung sudoku na hindi natapos ni Erap" at "Ito yung MENSA application ni Erap". So para sa mga school na naghahanap sana ng bagong mapupuntahan, dito sana o.
- EDSA 4 - Siyempre, may mga tao pa rin na pilit ibabalik si Erap sa puwesto kaya hindi malayong mangyari ito. Kaya lang, why not try other roads di ba tulad ng C-5 o Ayala Avenue o North Luzon Expressway. Pero kung sa c5 nga gagawin, parang nakakalito na C-5 1 ang pangalan niya ano kasi nagtunog robot lang siya. Hehehe. Pero, kung mangyari nga ang EDSA 4 (na malapit nang talunin ang Mano Po 5), walang pasok sa Ortigas so walang trabaho! Dali na, mag-EDSA na kayo o! Hehehe.
- Debate: Erap vs. Gloria - Kailangan mangyari ito. Kailangan malaman kung sino ang mas magaling sa kanila at upang malinis ang mga intrigang namamagitan sa kanila (kahit wala, meron yan. magaling magtago ang pinoy eh. Hehehe). Kaya lang, kung televised ito, mahihirapan ang mga cameraman dahil puro long shot ang gagawin nila dahil nga hindi pantay ang height nila unless itungtong si GMA sa ibabaw ni Luli. Hehehe.
- Maraming mangangaroling sa bahay nila Erap - Aba, galante daw siya eh. At anung malay mo, baka bigyan kayo ng tig-iisang Boracay Mansion kung maganda ang kanta niyo. So kung ako sa inyo, mangaroling kayo tapos isingit niyo yung 'Kahit na Mag-tiis' na naging theme song ni Erap for so long (at mabuti na lang walang record company ang kumagat para i-record ito. Hehehe).
- Kukunin siyang endorser ng Nike - Dahil mahilig siya magsuot ng wristband, pwedeng pagkakitaan ng mga sports companies ito dahil sila lang nga naman ang nagpo-produce ng wrist band. At para maiwasan na mangyari ulit ito, equipped with a plunder detecting device na ang wristband na ito para wala na ma-convict pa ng plunder. Therefore, kailangan isama ito sa dress code ng mga government officials and employees.
Sayang lang at hindi nangyari ito dahil nga bumalik sa Tanay si Erap. Pero, ano kaya kung tumakas si Erap dun ano? Oh di ba parang action movie lang din at mga pulis ang hostage taker niya. Kaya lang, dahil naoperahan na siya sa tuhod. Malamang mahahabol din siya ng mga pulis kapag nagkahabulan na sa kagubatan (unless tumalon siya sa waterfalls at hindi mag-inarte ang leading lady niya). Hehehe.
Babushka Major!
Posted at 06:32 pm by cpaultorreiro
Permalink
____________________ of the day - the resurrection (langya, sumabay pa talaga sa resident evil anez?)
Jologs Question of the Day: Sino si Pardina sa 'Si Pardina at ang mga Duwende'? (Ang dali na niyan ah)
Must Visit Blogsite of the day: http://tetel.wordpress.com (actually siya lang ang nangulit na mag-update ako)
Quote for the Day: "Arya!" - Cesar Montano
LSS Song of the Day: Whoops kiri whoops kiri whoops everytime I see you!
Horoscope for the Day: Hindi pating ang nakikita mo. Naka-gel na buhok lang yan ng isang taong may konsepto ng hair style at galit sa naglalaglagang butiki sa ulo niya.
Junk Food of the day: Pilar's Tamarind Candy
Consumer product of the day: Ricky Reyes Learning Institute (na nagtuturo din ng bartending classes)
Quote of the Day 2: "Wala po bang fried chicken, pwede po bang fried chicken na lang, di naman po ito fried chicken eh!"
TV Show of the day: Chabelita
Cartoon TV show of the day: Hutch, ang batang bubuyog
Movie of the day: Pardina at ang mga Duwende (nabanggit na rin naman na kanina eh)
Family Computer Game of the day: Rainbow Islands
Recording Artist of the day: Keith Martin (I gotta give it to him, hindi talaga siya umalis ng bansa)
PBA Import of the day: Norman Black (old school. Hehe)
PBA Local Player of the day: Ed Ducut
MBA Player of the day: Malay Malabanan, Socsargen Marlins
Actor of the day: Vic Pacia
Actress of the day: Ate Sienna ng Batibot
Posted at 06:00 pm by cpaultorreiro
Permalink
Matapos ang tatlong buwan
Sa mga nagbabasa ng blog na ito (or should i say, sa mga patuloy na nagbabasa ng blog na ito), marami siguro ang nagtataka sa inyo kung bakit matagal hindi nag-update ang baliw na owner nito. Guess what? Nahanap na namin siya! At ang maganda pa niya, na-interview namin siya tungkol sa kanyang pananahimik (punyeta, parang The Buzz lang). Heto ang transcript ng nangyaring panayam kay lalf:
- Kamusta ka na after three months of inactivity? Ok naman, maayos naman. Heto buhay pa. Ikaw interviewer, kamusta ka naman? Are you having fun yet?
- Ano ba ang ginawa mo sa three months na ito at bakit? Aba, bakit may bakit? hehehe. Anyway, so un, marami akong inasikaso. Sinimulan na namin ng friends ko yung Pinoy Triad. Sa mga gustong sumali, pm niyo lang ako. Hehe. Bukod dun, marami pa akong pinuntahang guestings, shootings, tapings. Bukod pa rin dun, ive been to georgia and california and anywhere i could be. Oo, ive been to paradise but ive never been to me. Hehehe.
- Marami ang nagsasabi na tinamad ka lang daw sa loob ng tatlong buwan kaya wala kang nagagawang entries? Partly true. Kaya lang may mga pagkakataon na ginusto kong magsulat. Kaya lang, ayaw ng fingers ko eh. Alangan naman pilitin ko sila di ba? Sige nga, kayo kaya mamilit sa mga daliri niyo na gumalaw. Ewan lang kung hindi ka mabaliw.
- Is it the truth? Hala, pasensya na pero hindi ako member ng Rotary Club.
- Is it fair? Sabi na ngang hindi ako member ng Rotary eh.
- So bakit ka nagbabalik? Marami na kasing nangungulit na mag-update ako. Kaya lang, ayoko ng kinukulit ako. Kaya yun, nananahimik na yung mga nangungulit. Kaya, wala na akong readers. Therefore, bakit pa ako mag-uupdate? Did i answer your question?
- Kung ihaharap ko ang mahiwagang salamin sa harap mo at makikita mo ang sarili mo, anung sasabihin mo at bakit? Macho guwapito raw ako pero isip ko nama'y gulong-gulo...Macho guwapito raw ako kinagigiliwan dahil may pangalan.
- Is it a deal or no deal? Noodle! Noodle! Noodle! - Manny Pacquiao
- Is it the money or the mob? According to the constitution, it is my right to chose an option for the betterment of my status in this nation. It is also stated there that my decision to choose whether to take the money or the mob is my conviction to help in the construction of a better nation. - Miriam Santiago
- Is that your final answer? The law states that the conclusion of my answer to your interpolation is a decision that i must make. Ergo, i lied - Miriam another
- Any message to your fans ngayong nagbabalik ka? Saan ka man naroroon ngayon. Saudi, Japan o Hongkong. Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik at babalik ka rin. Anuman layo ang marating. Singapore, Australia, Europe o Amerika. Babalik at babalik ka rin. Kay tagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin......(higher note)....at babalik ka rin! (soft tune) babalik ka rin.
O siya, tama na ang bola. Sulat na!
Babushka Major!
Posted at 05:42 pm by cpaultorreiro
Permalink
Wednesday, June 13, 2007
FROM THE ARCHIVES - I want to break free, (mas mataas na tono) I want to break free, I wanna wanna wanna wanna break free! (Caltex Gasolines are keme kemelar...)
Sa wakas, napalaya na rin ang 24 na Pinoy Seamen na dinukot sa Nigeria. Aba, mahaba-haba rin ang pagde-"Deal or No Deal" ng ating pamahalaan sa mga kidnappers (ay mali, pirates. hehehe) ng ating mga kababayan at sa wakas, napalaya silang lahat at walang ni isa ang napahamak. Dahil diyan, maraming spekulasyon na binayaran daw ng gobyerno ang paglaya ng mga utral na ito (may pera pala sa Pinas?). Pero dahil sa aking LALF Insider na itago natin sa pangalang "Curly Gaspi," nalaman natin ang mga tunay na ibinigay ng gobyerno sa mga Nigerian pirates. Heto ang listahan ng kanilang perks:
- Gagawan ni Carlo J. Caparas ng pelikula ang mga pangyayari -- Apparently, isang acting break daw ang gusto ng mga hostage takers. Kaya lang, hindi sila binibigyan ng break sa Nigeria. Kaya naisipan ng gobyerno natin na bigyan sila ng acting career. Gagawan ng pelikula ang lahat ng pangyayari sa Nigeria at syempre, sila ang gaganap as themselves or bilang mga hostage-takers nga. Ang title ng pelikula: "Hostage Taking sa Nigeria, Lord have Mercy". Hehehe. O, di ba, may career na sila sa pag-arte? At anung malay mo, maging politiko pa sila. Alam mo naman dito, posible yun.
- Papayagan na nilang mag-bid ang mga Nigerians sa Ebay Philippines -- Hindi ko lang maintindihan kung bakit bawal mag-bid sa ilang items sa Ebay Philippines ang mga Nigerians. Ano ba ang gusto nilang sabihin, walang pera ang mga Nigerians. Baka nga mas mayaman pa sila sa atin eh. Hakeem Olajuwon pa lang, talo na tayo. Kaya ba tapatan ng yaman ni Alvin Patrimonio, Jun Limpot at Wilmer Ong ang yaman ni Olajuwon? Hindi! Baka nga bilhin pa niya ang Ebay Philippines pag nagkataon eh. Hehehe.
- Lahat ng import ng PBA, sa Nigeria na mangagaling -- Tama ang narinig niyo! Sa dami ng basketball players na matangkad doon, kailangan nila ng venue para makapagsimulang maglaro ng basketball at makilala sa NBA pag naglaon. Aba, hindi lang pala sa AFP may Visiting Forces Agreement ano, pati rin pala sa PBA. Isipin mo yun, puro galing Nigeria ang import natin. Dadami rin ang hiring sa mga translators ng Nigerian language at dadami ang gustong matuto ng Nigerian language which leads to the next demand.
- Papasok ang Nigerianovela sa Philippine TV -- Malay ba natin na meron ngang ganun. Aminin niyo noong kasagsagan ng F4, marami ang nag-aral ng Chinese/Mandarin/Cantonese/Shanghainese/Siopaonese. Hehehe. Kaya habang nandyan ang demand, papapasukin ang Nigerianovela sa Phil. TV. Kawawa naman ang Mexico, Korea, Japan at China, nawalan sila ng market dito. In the other hand, sisikat ang mga Nigerianovela stars like Blacky Lou Blanko, Reyshel Loblacko at Lani Loblacko. Hehehe. At huwag po kayong magulat kung Dramarama sa Hapon pa lang eh madilim na ang TV screens niyo. Peace out, brothers!
- Bigyan ng trabaho ang mga Nigerians dito sa Pinas -- Ininvade na daw natin kasi yung kanilang workforce doon kaya nila kinidnap yung 24 pinoys na yun. Kaya bilang kapalit nun, magkakaroon daw ng ONW (Overseas Nigerian Workers) dito sa Pinas. Naku ha, sana lang may makita silang trabaho dito. Pero at least kung ganun, dadami ang treasure hunters dito sa bansa. Or pwede rin na maging sibak dancers na lang sila sa Gigolo. hahaha. Ay wait, wag na lang. Baka magkataon eh magreklamo ang customers na wala daw silang napanood pero iginigiit ng management na may ipinalabas naman sila.
Naku eh marami naman palang demands itong mga guys na ito para sa paglaya ng ating mga kababayan. Kaya sa susunod na may mang-hostage ng ating fellow Pinoys sa ibang parte ng mundo, asahan niyo na na may demand din ang mga ito. Sana lang, maibigay natin ang kanilang requests. Well, kung hindi man kaya ng gobyerno, nariyan ang Wish ko lang at At Your Service para punuan ang kanilang pagkukulang. Hehehe.
Babushka Major!
Posted at 08:33 pm by cpaultorreiro
Permalink
Onse, Dose, Trese, Katorse, Per Se
Matapos ang pinakamainit na eleksyon sa kasaysayan (as in, napapaso pa rin ako sa init kapag 07 elections ang pinaguusapan. Now that's hot! Hehe), sampung senador na ang naiproklama bilang mga panalong senador. Sa sampung yun, siyam lang ang nakaatend sa proclamation rites ng Comelec. And how fitting it is na si Joker Arroyo ang hindi naka-dalo. Ito talagang si Joker oh, akala niya jino-joke lang siya ng Comelec. Hehe.
Anyway, so wala nang issue sa sampung yun kasi panalo na sila. Hintayin na lang natin kapag uupo na sila ulit at tignan natin kung ano ang magagawa nila (sana meron. hehe). Ang issue na lang eh kung bakit si Alan Cayetano ang nakakuha ng pinakamalakas na palakpak doon sa PICC hall na yun. Hmm, di kaya mga supporters ni Joselito Cayetano yun at nalito din lang sila kasi Cayetano nga naman? Naku naku ha!
So un, ten down, two to go. At aba, hindi basta basta matapos ang bilangan para sa last two slots for the senate! Nagkaroon na ng isyu ng dayaan, pagtatago ng COCs, pag-doktor ng COCs at kung ano-ano pang election fraud. Well, alam niyo na rin siguro na mga COC ng ilang probinsya sa Mindanao ang pinag-iinitan. Sa isang probinsya, 12-0 pa talaga ang Team Unity. Although posible, parang mahirap paniwalaan kasi parang hindi na parte ng Pinas ang Maguindanao kasi walang nakakakilala kina Lacson, Escudero at Legarda dun.
Siyempre, kanya-kanyang motion for reconsideration, motion to quash and universal motion dancers naman ang parties ng mga kandidato na kaya pang abutin ang 11th and 12th spots namely Trillanes, Pimentel and Zubiri. Lahat sila may kanya-kanyang gusto. At kung ganun din lang ang usapan, mabuting sa Wish ko Lang na lang sila sumulat at baka sakaling matupad ang pangarap nila (may kasama pang sari-sari store showcase yun at scholarship sa AMA, aminin niyo. Hehe)
Well kung ako naman ang tatanungin, bakit hindi na lang mismong yung mga senatoriables ang mag-settle ng issue. So what am i suggesting? Some kinda of an Olympics for the three of them. Ang top two finishers, papasok sa senado. Oh di ba, may malaking chance na pumasok ka sa Senate? Kaya kung ako ang masusunod, go na itong Senate olympics! Kung gusto nila, ipa-cover pa natin ito sa Solar Sports.
At ang events sa Senatoriable Olympics? Heto:
- Palakasan ng palakpak - Since time in memorial, ito na yata ang pinaka-malinis, pinaka-patas at pinaka-trusted na paraan sa pagpili ng mananalo. And mind you, kapag sinabing palakasan ng palakpak, humihiyaw ang mga tao. Hello, palakasan po ng palakpak at hindi hiyaw ang sinusukat dito! So un, siyempre kanya-kanyang hatak na yan. Bahala na sila kung sino. Malamang kay Trillanes eh yung mga mista niya at may cadence pa rin ang pagpalakpak nila. Yung kay Pimentel naman, yung mga fans ni Angel Locsin so marami-rami din yun. At yung kay Migz, mga fans ni Vina Morales! (hahaha)
- Target Shooting - This event has Trillanes written over it. Aba, siya lang naman yata ang may experience pagdating sa baril. But then again, hindi natin masasabi ang kalibre ng dalawa pang kalahok. Pero balita ko, mga replica daw ng Oakwood ang kailangan nilang tamaan eh. So, si Trillanes na nga ang panalo dito! Pero ewan natin, baka naka-auto aim yung dalawa (very Counterstrike. hehehe)
- Bar Exams - Oo, magta-take sila ng simulated Bar Exams. At siyempre, advantage ni Koko Pimentel to kasi Bar Topnotcher nga naman siya. Pero kunwari lang yung Bar Exams na pangalan eh. Sa totoo lang, test 3 at test 5 ng Nursing Board Exam ang ipasasagot sa kanila sa loob ng isang locked na kwarto. So, advantage na lang ng senatoriable na may kopya ng answer key ng test 3 and 5 ito. Kaya lang, sa sobrang kalat ng results nun, malamang silang tatlo meron. Pwera na lang kung sa sapatos, sa likod ng test paper o sa ceiling nila ididikit ang kodigo. Hehe.
- Spelling contest - Aba vital ang contest na ito para malaman kung sino ang senatoriable na hindi nagkakamali pagdating sa pagsusulat ng mga senate bill. Nakakahiya naman kung may grammatical errors ano, mahirap pa kaya mag-edit! So un, balita ko, iilang salita lang naman daw ang kailangan nila ii-spell eh. Heto yung words oh: MAGUINDANAO, LANAO DEL SUR, SURIGAO, FRAUD, BALLOT SWITCHING, TWELVE ZERO, COC at marami pang iba. Haay naku ha, kung talagang sumubaybay sila sa mga developments, alam na nila spelling niyan katulad ng pagkakaalam nila sa palad nila! At ang magkamali, pipingutin ni teacher!
- Question and Answer - Dahil katatapos lang naman daw ng Miss Universe, better na magkaroon ng q and a portion para makuha ang interes ng mga sumusubaybay sa isyung ito at ang interes ng mga fans ng beauty contests. From what I know, sina Comelec chairman Abalos ang magtatanong sa mga senatoriables. Bubunot ng pangalan yung tatlo mula sa isang ballot box at yun ang magtatanung. At siyempre, para maging effective ang sagot, dapat nilang isingit ang 'world peace' para check ang sagot. Hehe.
- Swim Suit competiion - Wala lang, for more moments lang. Tapos kakantahan pa sila ni Ted Ito o kaya ni James Nishida, ayos na! Hehe.
- The Election Obstacle course - Kagaya ng ibang obstacle courses, fastest time wins. At kung akala niyo na hurdles, nets at mga gulong lang ang obstacles dito, nagkakamali kayo. Nakakalat sa mga buong course ang mga ballot box na kailangan talunan, goons ng pulitiko, mga BEI, mga canvassers at mga guro sa poll precincts. At kung inaakala niyo na ganun lang kadali yun, nagkakamali ulit kayo. Bukod sa kailangan mo matapos in the least possible time, kailangan mong hanapin mula sa kanila yung mga balota or COC. Kung wala yun, considered void ang ginawa mo. Hehe. Exciting ano?
- Pagandahan ng election jingle - Sa laban na ito, malamang talo si Trillanes (unless pakantahin niya si Jamby Madrigal ng isang impromptu jingle. Hehehe). Pero diskarte na niya yun kung ano ang magiging jingle niya (i suggest yung mga kantang militar na lang tuwing nagjo-jogging sila tapos dalhin na lang nila sa performance level yun. Hehe) As for the other two, aba marami silang magagamit na resources! Pero im betting the smart money on Zubiri kasi ibang klaseng performer si Vina (at pwede pang magpamudmod siya ng Enerva sa audience for more audience impact. Hehe)
At matapos ang lahat ng events na yan, ang top two ang magiging 11th and 12th senators. Papipirmahin na sila ng management contract ng Senate talent agency at bibigyan sila ng cash price, bahay, lupa, negosyo at gift pack mula sa mga sponsors (at least ito sa legal na paraan nakuha, anez? hehe) Yung matatalo, better luck next time na muna. Pwede siyang magpahinga, maghanap ng ibang trabaho o maghalughog sa mga ballot box sa Comelec at tignan kung natalo ba talaga siya o hindi. Or pwede din siyang maging analyst sa susunod na Senate Olympics, deveinst? Hehehe.
Babushka Major!
Posted at 07:51 pm by cpaultorreiro
Permalink
Who is who? What is What? Where is Where? In other words, im confused. Hehehe.
Noong mga nakaraang linggo, hindi ko makakalimutan ang isang episode ng Mixed NUTS, este Nuts Entertainment (grabe, warped pa rin ako sa panahon na komikero pa si Val Sotto at napapanood pa sa TV si Jenine Desiderio. Hehe). Nwei, hindi ko kasi makakalimutan ang Balakubak (balita at kuwentong bakla!) segment sa episode na yun kasi si Rhian Ramon ang guest.
No, hindi dahil patay na patay ako kay Rhian Ramos kaya i wont forget that episode (tignan mo pa, wala akong pin-up posters na galing sa Moviestar or Kislap magazine na nakapaskil sa pader ng kwarto ko. But on the other hand, maganda siya. Haay, ano ba talaga kuya? Lumalabas na naman ang pagka-schizo mo. Hehe).
At dahil sa sobrang haba na ng comment sa ikalawang paragraph eh dito ko na ilalagay ang next paragraph. So un, hindi ko makakalimutan ang episode na yun kasi kinanta nila ang 'Hindi Kita Malilimutan' (corny! haha). Pero seryoso, nagustuhan ko yung episode na yun dahil kasama nag-guest ni Rhian ang nanay niya.
As in, tinawag nila Lollipop, Belli, Cookie, Doughnut at nakalimutan ko yung isa yung nanay ni Rhian. At paglabas ni mudra kay sa screen, shet, nalaglag ang panga ko sa pagkamangha. As in, noong dinerive ko ang e=mc2 hindi nalaglag ang panga ko (kasi di ko pa na-derive yun. haha).
So natanung niyo kung bakit ako napanganga? Ganito kasi yun: para kasing older sister lang ni Rhian ang mudra kay niya! As in, parang witchelsea marie bei pa thundercats si mudra! So naisip ko, at inaalala ko ang grade 5 lessons ko sa science under mrs. violeta vila (na seatmate ko pa sina Gian Guevara at Edward Garay noon. May nakakakilala ba sa kanila? Hehe) na by 12 yrs. old, keri na ma-jontil ng mugil.
So by simple math. 12 + (the summation of the function of f of x is equal to 2x+2 all over 4x-7 and passing through the limit of infinity. Huh? Akala ko ba simple. Hehe). Well hindi yan ang kailangan kwentahin. Sabi kasi, 17 yrs. old na si Rhian. So 17 + 12 = 29. So 29 ang least posssible age ni Mama! (KRIS AQUINO: Kerrekt!).
Kaya lang, imposible naman na 29 lang talaga si mudra kay! Grabe na lang deveinst na grade 6 pa lang siya at ngumangasab pa lang siya ng singkamas mangga eh jontil na siya. But on the other hand, mangga sa buntis? Hmmm... no wonder. Hehehe. Joke.
So un, habang pinapanood ko ang mag-nanay na yun, nasabi ko na lang sa sarili ko: grabe, parang photocopy lang si Rhian ng mudra niya. Grabe ang resemblance, as in. Yung tipong pwedeng mong ipampusta sa kaibigan mo kung which is which talaga. At dahil sa fez nila na tila galing sa iisang Nikki Molding Clay (ang preffered clay sa art classes, mind you. Hehe), di ko na narinig yung mismong interview.
At dahil din dun sa pangyayaring yun, naisip ko yung ibang personalidad na tila magkamukha. Yung mga tipong pagbaliktarin mo ng mga responsibilidad sa buhay eh swak pa rin, face and all. And because of that (at dahil sa sobrang haba kong intro. hehe), narito ang mga tila magkakamukhang personalities:
- Madam Auring and Michael Jackson - Need I say more. As in, dahil sa kanila, malakas ang pananalig ko na totoo ang Theory of Evolution ni Charles Darwin (hindi ko na sasabihin kasi mahuhulaan naman ni Madam kung bakit. Hehe). So un, kaputian, fez, pwera lang katawan (si Michael kasi, hindi pa nalagay sa cover ng FHM. Hehe), tiyak na yayakapin ni Janet Jackson si Madam Auring kapag nagkita sila sa pag-aakalang kapatid niya ito. Hehe.
- Mahal and Mura - walang duda siyempre. Kaya lang tandaan, isa sa kanila lalake, ang isa babae. Ang isa, kaka-lay low lang ng career. Yung isa, matagal-tagal na din walang career. Yung isa, maraming lalaki, yung isa lalake nga. At last but not the least, yung isa mukhang boy, yung isa dating may Jimboy. Shet ang corny! Haha.
- Chicito and Andrew E - Eto pinagkakitaan pa nila kasi nakagawa pa sila ng movie together. As in, kung hindi lang dahil sa hand movements ni Andrew E while acting (aminin niyo meron) at dahil sa suot niya, aakalain kong si Chicito ang pinapanood ko. Pero wait lang ha, one good way to differentiate them: yung isa buhay pa, yung isa hindi, ok? Alabang Girls! Binibirocha! Hehe.
- Mandy Ochoa and Matt Ranillo - Hindi ko alam kung bakit nalilito ako sa kanilang dalawa noong nagsisimula pa lang ako maging jologs. Hehe. Ewan ko ba, para kasing may resemblance sila: fez, built and all. At namulat na lang ako sa pagkakaiba noong naging Kristo si Matt sa 'Kristo'. Kita niyo na, tanging si Papa Jesus ang magkakapag-klaro ng kaguluhan sa ating isip. Emen, emen ba? Tiyak yon!
- Julio Diaz and Joel Torre - Ito din, nalilito ako sa kanila noon. As in, may point in time kasi na pareho ang haircut nila at pareho pa naman ang complexion nila kaya ayun, hindi kinaya ng utak ko ang dalawang ito. Hehe. Well, to differentiate them again, yung isa may resto sa Greenhills, yung isa taga Barangay Ginebra (aminin niyo, may commercial siya ng Ginebra noon. yung kasama pa nga ni Gerry Penalosa, si Efren Viernes eh, kung sino man siya. Hehehe)
At ang pinakamalupit na comparison:
- Ako at si Nel ng PBB - Hay naku, kung hindi ko siya kamukha, ibig sabihin bulag ka! At teka ulit, sino ba ako para ituring ang sarili ko na personality? Well, not quite pero basta sipag at tiyaga, babangon tayo sa hirap (Manny Villar na, Mr. Sipag at Tiyaga! Kay Manny Villar na! Hehe). Pero seryoso, kapag nakita siguro ako ni Bruce Quebral, aakalain niya din na ako ang kaibigan niya na nag-nominate sa kanya (kitams, updated ako. hehe)
So un ang mga kahindik-hindik na pagkakapareho ng fez sa showbiz na naaalala ko. Kung may idadagdag pa kayo, just tell me. At para sa mga nagtataka, hindi ko sinali ang mga magkakapatid kasi aba, mas matakot kayo kapag hindi sila magkamukhang magkapatid. Kung sa bagay, uso naman sa showbiz ang 'Get One and Pass' theory pagdating sa love. Tignan mo na lang sina ano at sina kuwan! Haay, ayoko na magsalita at baka ma-ban din ako ng MTRCB. Hehe.
Babushka Major!
Posted at 07:18 pm by cpaultorreiro
Permalink
___________________ of the day
Jologs Question of the Day: Bukod sa 'Bop It,' ano pa ang pinausong sayaw ni Geleen Eugenio? (clue: may trumpet movements sa dance step nito).
Must Visit Blogsite of the day: http://www.weeworld.com (aliw to, try niyo!)
Quote for the Day: "Get out of my house, I don't need a parasite!" - Maricel Soriano
LSS Song of the Day: Ako ang nagwagi, lahat sila'y puro sawi!
Horoscope for the Day: Huwag ka matakot. Sayaw ka na lang for more. Dance your fears away ika nga. O siya konti na lang at aalis na siya!
Junk Food of the day: Crazy Dips
Consumer product of the day: Cora Doloroso Modeling School
Quote of the Day 2: "Madali lang tandaan, Dolphy este Dolfenal!"
TV Show of the day: Spin N' Win (hosted by Jeanne Young)
Cartoon TV show of the day: Scooby Doo's Laff-A-Lympics
Movie of the day: Ging Gang Gully Giddy Yap
Family Computer Game of the day: Space Invaders
Recording Artist of the day: Judy Ann Santos (aminin niyo nagka-album siya. Hehehe)
PBA Import of the day: Kenny Redfield
PBA Local Player of the day: Ponky Alolor
MBA Player of the day: Carlos Sayon, Negros Slashers (the so-called 'Ato Agustin Stopper')
Actor of the day: Tonette Macho (wait, actor ba siya o actress? Hehe)
Actress of the day: Natasha Ledesma
Posted at 05:20 pm by cpaultorreiro
Permalink
Wednesday, June 06, 2007
KBA (hindi siya kamag-anak ng VBA or VGA, ok?)
Natapos na naman ang eleksyon mga kaibigan, maraming nanalo, maraming natalo, maraming nadaya at maraming nandaya. Pero ang paborito niyong liga, hindi pa rin natinag sa paglaki kahit election season. Sa dami ba naman ng nakapangkurakot eh sure na may mga bagong team na mabubuo. Kaya heto, ang mga bagong salta pero tiyak na uubra sa ating Kapuluan Basketball Association, KBA!
- Malaybalay Lessons (manager: Lisa Macuja. Slow ang hindi maka-gets nito. hehe)
- Batac ang Katawans (managers: mga body builders ng Slimmers World)
- Palanan of the Aboves
- Guimaras Claras (manager: Juday and Gladys Reyes)
- Bantay (Ilocos Sur) Bata's
- Apayao Weh (ang sayaw sa gabi't araw...hehehe) (manager: Gary V)
- La Loma Lovah Lovahs (manager: Shaggy... a say a Mr. Boombastic, telefantastic. Hehehe)
- Ternate Tapetes (for more lang. Hehehe)
- Choco Malate (for more lang ulit. Hehehe)
O siya, yan na muna at aalis na ako sa office. Promise, dudugtungan ko ito. heheeh. Bye.
Babushka Major!
Posted at 06:48 pm by cpaultorreiro
Permalink
Naaalala ko po noon, Mayo 2007, pagmulat ko ng mata ko, nakatawa ang langit. Tumingin ako sa paligid at aba, nasa Batibot pala ako! Sabi ko, totoo pala yung jingle nila na 'Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot, sa Batibot.'
Ngayon nasagot na ang isang misteryo na matagal ko na hinahanapan ng kasagutan. Dahil diyan, naalala ko tuloy ang 'Sayang na Sayang lang' at 'Sasasaddam' na pinapatugtog sa Boom Box namin na nade-detach ang speaker kaya pwede mo siyang gawing surround sound chorvalyn.
Tapos, may nangyari, may malupit na nangyari. Nagising ako.
Haay shet, hindi talaga ako magaling gumawa ng short story. Nyeta, walang pinatunguhan yung storya ko. Para lang siyang jigsaw puzzle na hindi mo mabuo. Pero at least, magkakaroon ako ng maraming lead. Malay niyo, in one seating makagawa ako ng sampung Pinoy Love story booklet.
Kaya lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang tina-type ko. Parang bakit ito ang nasa utak ko. Wait, ako pa ba to? Hello, Lawrence, is dat u? Are you having fun yet? (Interlude. Hehehe). Hello, gising. Hoy Gising! (starring Korina Sanchez and Ted Failon)
Ok, ok, hilamos ng ngipin, toothbrush ng mukha (wait, parang mali. hehehe). Ayan, gising na ako! Ayan o, kitang-kita mo na kaya ang muta ko! Hehehe. Haay, tama na ang kabaliwang ito!
Ok ito na! Game? (game!). Napanood ko in the not so distant past na nagtayo pala si GMA ng Guwapotel. Ito daw yung parang pansamantalang panuluyan ng mga nagtatrabaho na malayo ang uuwian. In fairness, in fairview and in depedence day mga mama, maganda ang ideyang ito dahil mababawasan na ang mga tao kapag gabing-gabi na. But on the other hand, kawawa naman ang mga kababayan nating magbabalot dahil babagsak ang ekonomiya nila. Hehe.
So un, good idea para sa akin ang Guwapotel. At least, may nagagawa pa palang maganda ang administrasyon ngayon (bukod sa pagpapaganda ng mga dadaanan ni Pres. Bush noon. Hehehe). Isipin mo yun, sa halagang 25 pesos (may 12 percent E-vat na ba yun?), makakaligo at makakatulog ka na sa mga higaan na kakulay lang ng mga waiting shed sa Marikina at ng mga urinal na makikita mo. Ay, parang ayoko na lang matulog. hehe.
So un, gaano man ka-brilliant ang ideyang ito, may room for improvement pa rin ito. Siguro mga 356 square meters pa ang room for improvement niya. Pero, upon further consulatation sa aking kumite, ang Kumite ni LALF, heto ang mga napagkasunduan namin pwedeng idagdag sa Guwapotel:
- Lagyan nila ng mga sabong panlaba, palo-palo, palanggana at bleach ang Guwapotel para makapaglaba na rin ang mga tutuloy dun. Aba, mabigat din magdala ng extra damit palagi ano so why not laba na lang kaagad. At para matuyo kaagad, maglagay na din sila ng sauna room pero para sa mga damit lang.
- Magkaroon sila ng Guwapotel soiree or Guwapotel interaction day. This is to ensure na maraming tutuloy sa guwapotel, anez? Isipin mo yun, magpapahinga ka lang, makakakilala ka pa ng new friends? Parang Friendster made real ano, galing! Maganda siguro may games sila like funny bone, newspaper dance, etc. And for more, may couple na mananalo ng date sa isang mamahaling restaurant, ang Wendy's (punyetang resto yan, 100+ ang burger, ang liit naman!)
- Maglagay ng maraming viewing room. Ang Pinoy, mahilig manood ng TV kaya sa tingin ko papatok ang innovation na ito. And to make it better, dapat silang magkaroon ng Guwapotel viewing question of the day. Pagkatapos ng bawat telenovela na mapapanood nila, may trivia question na kailangan nilang sagutin. Ilalagay lang nila ang sagot, name and address nila sa isang kapirasong papel at ihuhulog sa mga drop box sa Guwapotel. Tapos, libreng stay ang mapapanalunan ng winner at maca-claim lang ng winner ang premyo niya kung nag-overnight stay siya. O di ba, siguradong lahat mag-stay. And as added kita, pwede pa silang magbenta ng 1/4 sheet of paper sa loob para sa mga walang papel at ballpen para sa mga walang ballpen. (shet ang haba ng explanation na to. hehe)
- Ang Pinoy, mahilig din kumain. For that, mas maganda siguro kung may canteen din sa loob ng Guwapotel. Maybe they can name it Guwapoeat, Guwapogrow with Children's Clusivol. Hehehe. Nwei, so un nga canteen. Edi siyempre, kailangan mo ng staff. At yung staff, kukunin mo dun sa mga natulog for that day. Aba, dagdag kita din sa kanila yun kahit for a day lang. So un, canteen. Haay, di ko ma-explain ang canteen. Hehehe. Hmm, siguro punuin nila ng mga posters ng coke at may binebentang pagkain, canteen na yun. At eto pa pala, maganda din gawin dun yung paunahang maubos yung baon contest noong nasa pre-school pa tayo. Unang makaubos ng meal, may premyo.
- Isa lang ang solusyon para gumanda ang Guwapotel: pinturahan nila ng MMDA Art ang lahat ng pader dun. O kung tinatamad ang MMDA gawin ito, pwede silang magpa-art contest sa mga tutuloy dun. Basta parang MMDA art yung atake ng ginawa nila, kasama sa contest un. At ang premyo ng grand winner? Siya na ang magiging official artist ng MMDA Art bags, caps, shirts and accessories na ibebenta na lang ng mga MMDA enforcer kapag may nahuli silang lumalabag sa traffic violations. What a great way to pay for your dues right? Hehehe.
- Maglagay sila ng mga secluded rooms ala motel rooms. For sure, malaki ang kita dito! Hehehe. Pero wait ha, kailangan sound proof yun parang walang marinig na ebidensya. Hehe.
- Para organized ang pagpasok ng mga tao at separation ng babae at lalake, maglagay na rin sila ng mga pink fences sa loob ng Guwapotel na may mga sign talaga na 'Walang Tawiran Nakamamatay,' 'Bawal Bumaba Dito' at kung anu-ano pang signage na kasama sa kanilang multi-platinum release na Urbanidad: Tamang pag-uugali sa kalunsuran.
- Para in ang Guwapotel, maglagay sila ng maraming kamera at maraming microphone sa loob. Magtayo na rin sila ng confession room at gawin na rin nilang Big Brother si Bayani Fernando. Kaya imbes na Pinoy Big Brother, Pinoy Big Bayani ang tawag dito. Kapag may lumalabag sa mga batas ng Guwapotel, ipapatawag sa confession room at paparusahan (either kakanta ka ng Lupang Hinirang or maglilinis ka ng public toilet or kalye). At yung ibang footage naman na nakukuha, pwedeng ibenta as DVD sa Quiapo. Pero kung inaakala niyong may kamera sa proposed motel type rooms, well wala. Pero anung malay natin, bakit maisipan ng Seiko Films na dito mag-shoot ng mga bago nilang bomba films. Hehehe.
- Kung ayaw mo makipagsiksikan sa dami ng tao na lalabas ng Guwapotel kinaumagahan, dapat magtayo ang MMDA ng foot bridge palabas ng building. Mahirap na nga naman ang masagasaan...ng tao kaya mabuti na sigurong may foot bridge nga. At ang paggamit nito, aba may bayad siyempre. Bago ka makakapasok, titiketan ka muna ng isang enforcer at pagdating mo sa dulo ng footbridge, tsaka ka magbabayad. And, maganda din ang foot bridge na ito para sa mga bangketa ng MMDA apparel. Hehehe.
- Games, games and more games. Isang magandang example: 'Sa ilalim ng mga kama niyo, may mga dinikit kaming mga MMDA stickers. Kung may nakuha kayo, dalhin niyo kaagad yung mga sticker na yan for a prize.' At ang premyo, hindi ka pwedeng hulihin ng MMDA officer for any violation for a day. Aba, malaking bagay yan! Jaywalking pa lang, malaking bagay na yan. Hehe.
At this moment, nananawagan ako kay Bayani Fernando: 'Nay, Tay, sunduin niyo na ako sa Eye to Eye. Gusto ko na umuwi.' Huh? Pero seriously (serious, ako? hehe.), why not ilagay nila itong mga ito no. Tignan lang natin kung anong mangyayari. Who knows, baka malugi na ang mga landlords and ladies dahil baka dito na lumipat lahat pati yung mga professionals dito. And dahil diyan, baka mag-expand na rin ang Guwapotel at baka maging hotel tycoon na lang si Bayani Fernando at staff niya ang mga enforcer niya. O di ba, what a turn around. Kung mangyari yun, edi wala nang manghuhuli sa mga violation natin! Magulo na naman ang Pilipinas pag nagkataon so ayuz! Hehehe.
Babushka Major!
Posted at 05:39 pm by cpaultorreiro
Permalink
___________________ of the day
Jologs Question of the Day: Sino ang foreign songstress na binigyan ni Joe Quirino ng YC Bikini Brief sa kanyang palabas na 'Seeing Stars With JQ'? (Initials: JQ)
Must Visit Blogsite of the day: http://freetaste.i.ph (sensya na pero wala pang laman yan. Hehe
Quote for the Day: "Tagalupa....Hmmmm!" - Ina Magenta
LSS Song of the Day: Kahit Mayaman, Kahit Mahirap by Aiza Seguerra
Horoscope for the Day: Tinamaan ka na naman ng lintik! Ano, masakit ba ang tama mo?
Junk Food of the day: Growers greaseless peanuts
Consumer product of the day: Young's Styling Gel
Quote of the Day 2: "Magsisisi ka, Marie Joyce!" - kontrabida sa bagong commercial ng Rejoice (yung wala si Dennis Trillo ha)
TV Show of the day: Altagracia (ang babaeng demonyo), ABS-CBN
Cartoon TV show of the day: Challenge of the Go-bots
Movie of the day: Ma'am, may I go out? (starring TVJ)
Family Computer Game of the day: Road Fighter (kapag hindi ka pa nabubungo, lalabas si Superman)
Recording Artist of the day: Boy Mondragon
PBA Import of the day: Kwan Johnson (nickname: Shemmy)
PBA Local Player of the day: Mukshi Advani
MBA Player of the day: Michael Garcia (Slam Dunk champion ng MBA, Laguna Lakers)
Actor of the day: Francis Enriquez
Actress of the day: Jenny Roa
Posted at 05:19 pm by cpaultorreiro
Permalink
|