Entry: Praise the Lord wins! - isang article na hindi ko nai-publish noon at ipa-publish ko ngayon Tuesday, September 25, 2007



Nabasa ko sa isang diyaryo noon ang storya tungkol sa pagpanalo nga ni Fr. Ed Panlilio bilang gobernador ng Pampanga over Mark Lapid and Lilia Pineda. Hindi ko nabasa yung buong article actually kasi natuwa ako doon sa title ng article: "Drug Lord, Jueteng Lord, tinalo ni Praise the Lord.' Doon pa lang, tapos na ang usapan. Gets ko na ang storya.

Nwei, ngayong nanalo na nga si Fr. Ed (at hindi sila nagkausap ni PGMA sa wedding anniversary ni Atty. Romy Macalintal kasi nagmamadali daw si Madam), naisip ko kung ano ang mga maaaring magbago sa probinsya ng Pampanga. Well, ito ang ilan sa naiisip ko:

  • Ang mga offertory na makukuha sa bawat misa sa Pampanga eh mapupunta sa kaban ng bayan.
  • Kapag may singing contest sa Pampanga, hindi ka pwedeng sumali kapag hindi religious song ang kakantahin mo.
  • Laging may church choir singing competition. Kahit anung okasyon meron. Syemps, sponsored ni gov yun!
  • Pagcoconfessin ni gov ang mga jueteng people sa probinsya. Kailangan din nilang magdasal ng Act of Contrition at ang pinakamadugo, ang penance. Bahala ni si gov kung ilang Our Father, Hail Mary o Glory Be ang kailangan nilang dasalin.
  • Araw-araw may pista. So araw-araw may bagong santo kang makikilala at may bagong handa everyday.
  • Ang magiging main industries ng Pampanga: paggawa ng mga rebulto ng mga santo at pagimprenta ng Holy Bible. Ang mga operator at trabahador nito eh yung mga dating nagtatrabaho sa jueteng, ibang sugal at prostitusyon.
  • Kung sakaling magmisa si Among Ed, baka status report ng Pampanga at hindi homily ang maibigay niya.
  • Kapag nahuhuli kang nagja-jaywalking kung saan man, hindi Lupang Hinirang ang ipapakanta sa iyo kung hindi kantang pang-simbahan.
  • Parte ng pondo ng probinsya ay mapupunta sa paggawa ng mga songbook para sa simbahan at pagbili ng ostya.
  • Dito ka na rin siguro makakakita na kalahati ng mga tao sa simbahan eh mga bodyguard dahil nga si Among Ed ang nagmimisa.
  • Sa mga eskwelahan, isang buong araw ang Religion class.
  • Kalahating araw naman ang music class at puro religious songs ang pag-aaralan.
  • Sa mga kalye ng Pampanga, hugis krus ang mga ilaw sa lampposts nila.
  • Kapag nasa-expressway ka at nasa Pampanga ka na, kailangan religious music ang pinapakinggan ka. At kung iniisip mong hindi ka mahuhuli dahil wala naman nagbabantay, remember na nakikita ng Diyos ang lahat at malapit sa Diyos ang governor ng probinsyang dinadaanan mo.
  • Hindi na pwedeng magbenta ng Devil's Foodcake sa Pampanga.
  • At umasa kayo, magkakaroon ng increased sales ng Heaven in A Bar, Food for the Gods at Aparon (na mukha kasing ostya).
  • Required na ngayon magdasal ng Angelus sa provincial capitol at mga munisipyo.
  • Dadasalan ni Among Ed ang mga lupaing nasalanta ng Lahar at kapag hinawakan niya ang lupa, maghihiwalay ito at mawawala ang lahar (very Holy Bible)
  • Sa mga jeep at tricycle ng probinsya, kailangan religious quote ang nasa banner at estribo nila.
  • Sa Pampanga Week (kung meron man nito), meron nang Bible Quiz at Rosary Reciting contest.
  • May Charismatic Prayer Group kada linggo sa kapitolyo. At ang pagkain after eh manggagaling sa pondo ng bayan.
  • Sa mga videoke, puro religious songs na lang ang mga makakanta mo.
  • At sa buong probinsya, makakakita ka ng ganitong karatula: "Pampanga is a drug-free province...Therefore, let us put ourselves in the presence of God."

Sa ngayon, wala pa naman akong nababalitaan na nagkakatotoo sa mga prediction na ito. Pero anung malay mo, by the grace of God, baka may magkatotoo dito. Pero bago ako umalis, please pray one Our Father, three Hail Mary's and three Glory Be's as your pennance.

Babushka Major!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments