Entry: Law? Law ba kamo? Hay naku, mahihi-LAW ka lang sa kababasa ng cases anow! Law-makwatsa na lang tayo buti pa. Monday, October 01, 2007



Kailan lang, napadaan ako sa may Taft Avenue. Tapos, may nakita akong isang lalake na kahit maganda yung suot niya eh tila may saltik yata. So yun, nilapitan ko siya at kinausap ko. Siyempre, tinanung ko kung sira-ulo niya siya. At naku, nagulat ang lola niyo nang sabihin ng manchurian candidate na itembang na 'objection your honor, hindi ako baliw!'

Sa sinabi niyang yun, naliwagan na ako. Wala nga naman siyang toyo sa utak, nag-take lang naman siya ng Bar Exams.

Ok ok, hindi totoo yung ikinuwento ko sa taas (wala lang akong maisip na lead. hehehe). Pero kung tutuusin, marami ka ngang maririnig na hindi kumakain, natutulog at hindi namamaintain ang katinuan ng isip dahil sa kare-review para sa Bar. Hay naku, isa lang naman ang solusyon diyan: sa Gapuz kayo mag-review at tiyak papasa kayo. Hehehehe.

Anyway, so yun nga, mahirap nga daw makapasa sa Bar Exams kasi hindi rin basta-basta ang exam na ito. Aba, kung test nga naman tungkol sa batas ng Pilipinas yan, mahirap dapat yan. At kung yung mga tanung nga ni Edu Manzano sa Game Ka Na Ba eh hindi masagot, eto pa kaya.

Kaya dahil dito, bilib ako sa mga law student na nagsusunog ng kilay (hmm, which reminds me, si Bella Flores kaya, law student noon? Hahahaha) para sa pagsusulit na ito. After all, dito nakasalalay kung dapat nga silang tawaging abogago...este attorney pala. Hehehe.

Pero sa totoo lang, hindi niyo talaga kailangan gawin yan. Kung ako ang tatanungin, marami pa naman ibang paraan kung paano dapat gawin ang bar exam. Sige, tanungin niyo ako. Game, tanungin niyo ako. Dali, tanungin niyo ako! HOY, TANUNGIN NIYO AKO SABI EH! Hehe. Pero mabalik lang ako, ito ang listahan ko kung paano mapapasaya ang Bar Exams.

  • Game Ka Na Ba - Nabanggit na rin lang ang Game Ka Na Ba, bakit hindi gawin game show format ang Bar Exams. Pero babala sa mga viewers, baka ito na ang pinakamatagal na game show sa balat ng mundo dahil sa kao-object ng mga contestants at ng game master na si Mr. Chief Justice mismo. Isipin mo kunwari ang tanung: 'Ano ang nauna, itlog o manok?' Siyempre, sasagot yung contestant kung ano sa tingin niya yung tama. Pero hindi pa siya kaagad makakapasok sa next round dahil tiyak may objection pa si Chief Justice.
  • Game Ka Na Ba (part 2) - So un, magtatalo sila hangga't sa basahin ng clerk ng korte kung sino ang tama na base na rin sa desisyon ng audience na puro judges, attorneys, lawyers, etc. Hmm, siguro cute kung mangyari ito kasi makikita natin sumayaw ng 'Papaya' ang mga judges. Oh di ba, exciting? At isa pa, hindi ka rin kaagad makakapagpa-atras ng kalaban o maaaring umabante dahil tiyak mag-aapela ang kalaban mo. At alam mo naman dito, mabagal ang giling ng hustisya. Hehehe.
  • Quiz Bee - Patterned after the traditional Quiz Bees (with matching illustration board, chalk at basahan para pambura ng illustration board, wala na yatang mas sasaya pa sa ganitong format dahil makikita mong nagche-cheer ang mga kaklase at mga magulang ng contestants. Siyempre, may three rounds: easy, average and difficult. May time limit sa bawat sagot at pwede mo pa rin i-apela ang sagot mo kung sinasabi nilang mali ka. At siyempre, dahil late darating ang mga judges (na judges nga in real life at sanay na ma-late sa mga hearing), huwag kayong magulat kung ma-televise ito ng live pagkatapos ng Master Showman. Hehehe.
  • Essay Writing Contest - Simple lang ang tanong: 'Sa Tingin mo, bakit pages sentences lang ang explanation nito (may word na 'lang' kasi mahihilig nga magsulat ng mahahabang reports ang mga lawyers). Kaya sa entry na ito, ilabas na nila ang lahat ng dapat nilang ilabas at i-point out na nila ang dapat nilang i-point out. At para sa mga gustong mandaya ng pages, may standard font na dapat gamitin: Arial, 8 pt, condensed 2 pt. Ang mandaya, siyempre lilitisin ang kaso at siyempre mat-TV (ay parang mas gusto ko yung ganun trail. Hehe)
  • Text Promo - Ito na siguro yung pinaka-madali at pinaka-kikitang paraan ng bar exam. Siyempre, magre-register ang mga examinees na parang ganito 'send BAR ON to 1234'. After which, makakatanggap sila ng Bar Exam logos and picture messages. After that, matatanggap din nila ang exam question of the day. Magre-reply sila with the correct answer sa nasabing access code. Tapos, paramihan ng points ang labanan. Yung top 1000 examinees lang ang papasa at may chance manalo ng gavel na gawa pa sa kamagong. Hehehe. Kaya dali, text na! And by the way, see law profs and Supreme Court justices for details. Hehehehe.
  • Poster Making Contest - Wala lang, for more grade school moments lang. If possible, mas maganda pa kung per group ang labanan (so ang isang group eh may 2, 346 members or more. hehehe). Simple lang ang gagawin nila: ipapakita nila sa isang poster kung bakit ang grupo nila ang dapat maging bagong lawyers. Pinakamagandang poster, panalo. At pagdating naman sa style, bahala ang mga students. Kung gusto nila gumamit ng glitters, sequins, popsicle sticks, cutouts or freehand drawing, nasa kanila na yun. At siyempre pa, ipapaskil sa bulletin board ng Supreme Court ang winning piece.
  • Reality show, again - Hindi ko malaman kung bakit kahit hindi na kumikita ang reality shows dito sa Pinas, tuloy pa rin ang paggawa natin nito. Oh well, baka nga naman ito kumita. At dahil law students ang participants, asahan mo na ang mga bangayan nila eh tungkol sa SCRA, Penal Code, Civil Code, Da Vinci Code, Morse Code, etc. Siyempre, may matatanggal kada week. At paano pipiliin kung sino ang matatanggal? Parang 'The Contender' ang atake: one participant from the losing and winning team ang maghaharap not in a boxing ring but in a court room. Tapos may case at hand tapos dapat manalo sila sa kaso. Ang matatalo, tanggal na. At nga pala, required mag-audition ang lahat ng magba-bar dito pero hindi lahat eh matatanggap. Hehehe.
  • Balagtasan - Kung gusto niyong maging Pinoy talaga ang Bar exams, bakit hindi niyo ipag-deliver ng talumpati ang mga examinees. As in, with matching malunggay sa tenga na pagkatapos eh ipansasahog sa sinigang ng nanay nila. Hehehe. At ang bumaluktot ang Tagalog, patay. Naku, sa rule na yun, marami ang ligwak. Hehehe.

Pero kung anupaman ang maging format ng test na yan (mapa-Excel, Word, Powerpoint o Frontpage. Hehehe), sana eh hindi magkaroon ng leakage. Ang mabuti pa, gawin niyo na lang yung mga traditional na pangongodigo tulad ng pagdidikit ng kodigo sa ceiling o sa likod ng proctor o yung paglalagay ng kodigo sa sapatos. Ingat ka nga lang at baka hindi mo kayanin ang amoy ng kodigo mo kapag nilabas mo na mula sa sapatos. Hehehehe.

Babushka Major!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments