Entry: Abalos is lost, labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya. Sa paligid-ligid ay puno ng linga. Tuesday, October 02, 2007



Kahapon lamang...

Tayo ay nagsumpaan at sabi mo pa ako'y di mo iiwan. Tenenentententen. Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin! Hehehehe.

Ay wait, masyado na yata akong nadadala ng videoke endeavor ko kagabi. Pero hindi ko kinanta yan ah. Actually, 'Delilah' ni Tom Jones ang binanantan ko kasi naka-isang case na yata ako ng beer. Hehehe. I saw the light that was chova a chova the window. Hehehe.

Hay seryoso na nga! (At sumabog si Lawrence dahil nagseryoso siya. tapos na ang blog entry, sorry. Joke lang. Hehehe). O game. Yun nga, kahapon lang eh umalingawngaw na parang wang-wang ng ambulansya ang balitang nagbitiw na si Benjamin Abalos bilang Comelec chairman. For that, malamang magkakaroon ng bagong chairman ano unless i-abolish na lang ang Comelec tapos daanin na lang sa lakas ng palakpak ang botohan. Hehehe.

So un, ano man ang sabihin niyang dahilan ng kanyang pagre-resign, hindi pa rin maiaalis ang angulo (yes, umaanglo si Abalos anez, 180 degrees! Hehe) na kabilang nga siya sa kontrobersyal na ZTE national broadband deal. Tanung pa nga ni Jamby Madrigal (Jajajajamby, jajajajamby Madrigal!), "Are you willing to fall?" Hehehe.

Tiyak na marami tayong kuro-kuro kung bakit siya nagbitiw. Isa na siguro diyan eh dahil hindi siya nakikinig ng Spongecola sa phonograph niya ('Huwag kang bibitiw bigla, huwag kang bibitiw biglahahah.' Gets mo na kung bakit? Hehehe). Pero sari-sari man ang reasons niya, maiiwasan sana ito kung hindi na siya allegedly sumawsaw pa sa deal na iyon. Kung sa bagay, ano nga naman ang ginagawa niya doon bilang Comelec chair hindi ba? Hmm, pero on second thought, baka nag-graduate ng short computer course si Ben sa Informatics at para makatipid ang gobyerno, siya na rin ang ginawang Presidential Adviser on Computer Chorvanes. Hehehe.

So mabalik lang ako, hindi na nga dapat siya sumali doon. Sana pumunta na lang siya sa China para manood ng mga shaolin o kumain ng siopao na may cardboard daw. Pero sa kabilang dako, hindi rin naman kailangan ng gobyerno ang ZTE deal eh. Kung broadband kyeme lang ang problema, magagawan ng paraan yan. After all, maparaan naman tayo eh.

Kaya heto ang mga proposed steps ko bilang alternative sa nationwide broadband

  • Bumili na lang sila ng maraming internet card tapos mag-dial up na lang sila - Ano ba naman yung 30 pesos for five hours na net card di ba? (Shet, halatang ISP Bonanza user ako ah. Hehehe). O kung gusto nila, makipag-tie up na lang sila sa mga ISP companies para may sponsor sila ng internet connection. Tapos ang maganda pa niya, maki-tie up na rin sila sa mga gumagawa ng DOTA para mas happy. Hmm, ano kaya itsura ni PGMA kapag napatay yung hero niya ano? Hehehehehe.
  • Mag-internet cafe na lang sila - Sus, ang dami nga naman internet cafe diyan sa tabi-tabi, bakit hindi na lang sila maki-renta ng unit dun. And for more confidentiality, eh di dun sila sa mga private room pumili ng unit para hindi malaman ng ibang tao ang confidential data ng gobyerno. Kaya lang, siguraduhin na trabaho ang gagawin ah at hindi pakikipagchat with webcam or worst.......... Hehehehe.
  • Bumili ng maraming diskette - Dahil obsolete na ang diskette, tiyak na mas mura pa yata ito sa bubble gum. Hehehe. Pero yun nga, eh di i-diskette na lang nila lahat ng ipapadala nilang files tapos ipa-cargo na lang nila para makarating sa patutunguhan. Pero sana, siguraduhin nila na government files ang naipadala nila at hindi yung mga titilating pics ni PGMA. Haay, kapag nagkataon, kakalat na parang virus yan.
  • Smoke signal na lang, ok din naman yun eh - Kung magpapadala din lang sila ng mga mensahe, eh di gumamit na lang sila ng smoke signals. Huwag niyo na lang itaon sa Fire Prevention Month ang pagpapadala ng mensahe at baka maguluhan ang code reader ng kabila. Baka imbes na national budget ang ma-pick up niya, baka ang makuha niyang mensahe eh tibo pala si Mahal. Afraid yun di ba? Hehehe.
  • Ipadala ang mensahe sa pamamagitan ng runner - Old-fashioned kung old fashioned. Pero at least, maraming kababayan natin ang magkakaroon ng trabaho. Kaya lang, siguraduhin niyo na walang sideline ang kukunin niyong runner. Baka kasi bukod sa pagtakbo ng mga hard copy ng mga important messages to any point of Luzon (parang jeep lang yun ah. Hehehe), baka nagdedeliver din siya ng 'tawas' sa mga 'maiitim...ang budhi (or kili-kili maybe. Hehehe)
  • Mental Telepathy - Ito na siguro ang pinaka-cheap na paraan kung paano magpadala ng files from one office to another. Pero isipin mo na lang, di ba astig ang kalalabasan kung walang mali sa pinadala mo? Hehehe. Pero naisip ko rin, wala nga palang government officials ang hindi nagbabangayan so hindi magiging effective 'to. O siya, balik na lang tayo sa internet cards. Hehehe.

Hay naku, ang mabuti pa, gamitin na lang nila yung pera para sa broadband chorvanes na yan sa pagpaparami ng computer units sa mga paaralan. Oo nga maabilidad ang Pinoy pero pagdating naman sa computer literacy, olats! At ayaw niyo ba nun: mas maraming computers, mas maraming magiging computer literate......and the best part, dadami ang hackers at mga hustler sa DOTA. Hehehe.

Babushka Major!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments