|
Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, lagi tayong nakakarinig o nakakabasa ng records. Sa school, may transcript of records. Sa larong kanto ng basketball, may mga records din daw. At ang ang security guard, laging may hawak na record book na nagsisilbing bibliya niya (or doon siya nagfa-FLAMES paminsan-minsan. Hehehe)
Pero sa lahat ng records na mae-encounter mo (hmm, ano kaya ang itsura ni record in person ano? Hehehe), wala na yatang lulupit sa mga world records. Aba siyempre naman, hawak mo ang isang titulo na sinusubukan higitan ng maraming tao (or maybe hayop) sa mundo. At dahil diyan, uuwi ka na lang na basag-basag ang bintana ng kotse mo or may sulat kang matatanggap na nagsasabing 'Ilalabas ko ang sex scandal mo kapag hindi mo ako pahahawakin nung record'. Kapag nangyari yun, ganito ang i-reply mo: 'o sige, ilabas mo. basta ba hahatian mo ako sa rev share eh?' Hehehe
Hindi naman masama humawak ng world record, mapa-sport record pa ito o Guiness. Nagiging masama lang ito kung parang buong buhay mo eh pag-break na lang ng records ang ginagawa mo. Tulad na lang ng mga fiesta dito, may longest longanisa, longest human chain, largest salad bowl, largest kakanin at ang favorite ko....ang longest line! Swear, lumalabas ang pagiging competitive ko sa longest line to the point na talagang nagbulsa ako ng lubid one time para lang may pandagdag. Hehehe.
Sana lang, hindi sa pagbuwag ng mga rekord nakatuon yung mga kapistahan or any other celebration natin. Sana, yung tipong may mapapala tayo afterwards. Sana, pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo. Sana may pagmamahalan. Sana pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo (and yes, hindi po lyrics ng kanta yan. Hehehe)
Pero tutal nabanggit na rin lang ang records, marami pang Guiness records ang kaya natin ma-achieve if we hold on together for i know our dreams will never die. Hehehe. Oo, tama ang nabasa niyo! Kung akala niyo eh nauubusan na tayo ng categories, nagkakamali kayo.
So, gusto niyo malaman yung mga categories na pwede pa natin makuha? Heto ang listahan ko:
- Longest Dialogue ng isang taong naghihingalo na - Alangya, sa mga dialogue pa lang ng pelikula natin, wala nang tatalo sa Pinoy eh! Sus, eh isang page ba naman ng script ang kailangan mong kabisaduhin, deveinst? At kung may nominees man, puro mga pinoy din yan. Sayang lang at hindi kasama si Palito sa nominees (pero come to thing of it, naghihingalo is the operative word and not dead man walking. Hehehe)
- Pinakamahabang pagsasabi ng 'Happy Birthday' - Hindi ko lang alam kung sino man ang praning na nagpa-uso ng larong ito. In fairness, mabenta pa rin ang larong inimbento niya. At dahil din sa larong ito, dumadami ang inaatake sa lung center. Paano ba naman, nakapagyosi tapos magha-Happy Birthday ng walang hingahan. Talagang masasaktan ka nun. At ang maganda pa pala sa record na ito, maraming bata ang pwedeng maging holder nito basta mauuto lang sila ng parents nila na sumali.
- Most Good Morning Towels in a country - Sus! Wala na talagang tatalo sa atin dito. Eh sino ba naman sa atin ang walang Good Morning Towel (na you can also use at night. Hehehe). Baka nga pinapangak tayong na may Good Morning Towel sa katawan eh. Hehehe
- Most Actor/Politician in a country - Halos lahat na yata ng mga aktor natin eh nagpupulitika eh. Pero buti na lang, hindi lahat sa kanila eh nagtatagumpay. Pero come to think of it, in a few year's time, pwede na rin magkaroon ng That's Entertainment pero puro pulitiko ang umaarte (at nagpapagalingan sa palakihan ng Bazooka bubble. hehehe). Pareho din lang naman yun eh.
- Most Politican/Actor in a country - Wala lang, binaliktad ko lang. Sabi ko nga, ganun din naman yun eh.
- Most Sequins in a TV host's attire - Nabanggit na rin lang ang That's Entertainment, banggitin na rin natin ang nag-iisang Master Showman (walaaaaaaaaannnnggg! tulugaaaaaaaaaaaaaaan! Hehehe). Sus, may hihigit pa ba sa dami ng sequins sa mga kasuotan niya eh halos maubos nga yata ang ganun sa Divisoria para lang mapuno ang damit niya. Hehehe. Dahil diyan, mahirap na hindi makita si Kuya Germs sa gitna ng maraming tao at kaya rin pala wala siyang parol sa bahay kasi kapag sinabit niya sa labas ang mga damit niya, mas maliwanag pa sa parol ang effect. Hehehe. Hmm,ano kaya kung every episode ng Master Showman may 'Hulaan ang Sequins' contest? Hehehe
- Most extras at the back of a TV reporter - Dito ako bilib sa Pinoy eh. Kahit na nasunugan o nanakawan o kung ano pa man sakuna ang nangyari sa kanila, nakukuha pa rin nilang kumaway sa likod ng reporter. At yung mga batang lalake, nagpo-pogi pose pa. Hehehe. At minsan, mamalasin ang TV network sa MTRCB kasi may eepal na walang salawal. Hehehe. Kaya lang, mahihirapan ang Guiness na bilangin ang eksaktong dami kasi kahit yung mga taga-kalapit na barangay, makiki-epal din basta malaman na may camera.
- Pinakamahabang pasko sa mundo - Oo, alam naman ng karamihan sa atin na mahaba talaga tayong mag-celebrate ng Pasko (kahit walang pera, nagce-celebrate pa rin tayo. Hehe). Pero, hindi lang mula September hanggang unang linggo ng January ang Pasko natin. Sa totoo lang, all-year round ang Pasko natin. Bakit? Kasi may mga magulang na nagpapaalala pa rin na 'Hoy, hindi mo niregaluhan yung anak ko noong pasko' or 'Ano ka ba, dalawang taon na hindi nakakatanggap ng regalo ang anak ko from you.' At sa mga ganitong panahon, gusto mo na lang lumipad parang superhero para lang makatakas mula sa mapait na mundo. Hehehe.
- Most Keith Martin posters in a country - Tayo na lang yata ang bansang tumatangkilik kay Keith Martin. Or, bet pa ba natin siya? Or, dobol lang kaya ni Keith Martin ang nasa Pilipinas? We'll find out when we come back for a commercial break.
O siya mga mama mga papa mga lola mga tita mga kung anu-ano pa, iyan muna ang mga records natin so far. So far away yet so near, therefore, the equilibrium of the horizon is above our consciousness. Huh? Ano yun? Saan nanggaling yun? Hala, minumulto yata ang mga daliri ko! NOOOOO! Hehehe
Babushka Major!
|