Entry: Matapos ang isang buwan... Tuesday, November 20, 2007



October 15, 2007 - iyon ang petsa kung kailan ako huling nag-post ng entry dito sa blog na ito. Sa pagkaka-alam ko, ang October 15 ay nangyari matapos ng October 14 at bago mag October 16, tama ba? Hehehe. At maalala ko rin na 9 days after that, UN Day pala. And no, hindi ako nag-national costume ng kung anung bansa na nire-require noong nag-aaral pa tayo (as in, naranasan kong mag-kimono noong grade 3 at mag-gaucho costume noong grade 5 naman ako).

Pero kung may costume man na gusto kong isuot, yung costume sana ng Saudi Arabia. No, hindi yung suot ng mga Arabo kung hindi yung mga suot ng OFW dun. Yun kulay orange na chova tapos...ah basta, gets? Hehehe

Anyway, hindi naman tungkol sa UN ang topic ko dahil ang bigat na lang sa ulo nun kung puro foreign policy ang idadaldal ko. Pero kung sa bagay, baka makatulong ako sa pagtaas ng sales ng Advil kung ganun. Hahaha.

So yun, higit isang buwan na pala noong huli akong sumulat dito. Tungkol pa nga sa tubig ang huli kong post eh. Or is it? Ay shet, nakalimutan ko na rin...man, aging nandiyan ka na ba on the corner of our street? Haha.

Wow, isang buwan. Kung sa isang araw nga, marami na pwedeng mangyari, isang buwan pa kaya.

At ang mga nangyari sa isang buwan: dalawang bomba ang sumabog (Glorietta at sa Batasan. How connected ano?), pumirma si Chris Tiu ng kontrata sa GMA (AAAAYYYY! Hahaha), nag-anniversary ang Startalk, bumaliktad si De Venecia kay PGMA (katulad na lang ng pagbaliktad ng kilay niyang hindi pantay. Haha) at may nag-suicide sa Trinoma (namangha siguro siya sa kagandahan ng mall na yun kaya yun ang pinili niyang site).

At sa dinami-dami ng naganap, wala man lang ni paghingang naganap sa blogsite ko. Kahit pagdura ng plema, wala. As in, wala. Halos makalimutan ko na nga na may blog pala ako dito eh.

Oh well, tama na ang drama. I'm back and this time, i wont promise na magiging constant na ang writings ko but i will try.

Welcome back to me, again (at sana ito na ang huli).

Babushka Major!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments